Love Job Series #1
Teach Me How To Love, Ma'am
Chapter 20: Doubt Again?
Kiana's POV
Nag hila pa ng upuan si Axel para sa akin kaya duon na ako umupo. Katabi ko si Akhiro sa kanan habang si Axel naman sa kabila habang ang kamay niya ay nasa hita ko, si Ashley naman ay katapat namin.
"Nandito na naman siya." Mahinang bulong ni Akhiro na umabot sa pandinig ko. Alam kong hindi sila narinig ng dalawa dahil tuloy lang sila sa pag ku-kuwentuhan.
"Lagi siyang napunta dito?" Mahinang bulong ko kay Akhiro.
"Opo, Ma'am Kia. Nakakainis nga 'yan e. China-chansingan si Kuya." Pagkasabi niya 'non ay agad kong inirapan ang babae kahit hindi naman ito naka tingin sa akin.
Tinuloy lang namin ang pagkain hanggang sa mag decide si Axel na manood kami ng movie sa mini cinema nila.
"What do you wan't to watch?" Maarteng tanong ng babae sa lalaki.
"Baby, what do you prefer? Horror? Comedy?" Huh! Ikaw ang bagsak, pero sa akin ang lagapak!
"Comedy na lang, Akhiro is watching too." Baka bangungutin lang si Akhiro kung horror ang panonoorin namin.
Nasa kaliwa ko si Axel habang si Akhiro naman sa kanan. 'Yung asungot naman.... katabi ni Akhiro pero mukhang hindi rin pabor ang bata dahil naka busangot ito.
"Next time, do you wan't to go to park? Or in an amusement park!" Saad ni Ashley sa bata pero naka busangot lang si Akhiro bago umiling.
Sumubok pa ang babae pero hindi interesado si Akhiro kaya gusto ko na lang mapatawa.
I felt Axel's hand on mine kaya tinignan ko siya. Deretso lang naman ang tingin niya kaya hindi ko na lang siya pinansin, si Akhiro naman ay naka tulog na at naka hilig na sa braso ko habang ang isa naman ay nahuli kong nakatingin sa amin ni Axel at nang mag tama ang tingin namin ay ngumiti siya sa akin.... ng peke.
Hindi ko na lang ito pinansin pero dahil sa malakas talaga ata ang amats ng babaeng 'to ay nabwisit pa rin ako sa kanya.
"Axel, i have to go na. May meeting pa pala kami bukas ng maaga." Talanding saad nito bago tumayo.
"Sige, ingat ka." Simpleng saad ni Axel pero mukhang hindi na satisfied ang babae.
"I didn't bring my car with me e. Can you... drive me home?" Pag kasabi nito ay agad na tumingin si Axel sa akin pero inirapan ko lang siya kaya mukhang na gets niya naman an gusto kon iparating.
"Mag pa hatid ka na lang kay Kuya Mike. Ihahatid ko na rin kasi pauwi si Kia maya maya e." Nakita ko ang pag simpleng irap ni Ashley bago lumabas ng mini cinema.
Tinaggal ko ang kamay niya na naka kapit sa akin bago lumayo ng bahagya. Hindi man lamang makaramdam ang babaeng 'yon. Alam naman niya na may girlfriend na 'yung tao tapos lalandien? Ano siya? Hilo?!
Inakyat na muna ni Axel si Akhiro sa kuwarto dahil baka mangalay lang si Akhiro sa ganoong puwesto.
"Baby." Malambing na saad ni Axel ng makabalik siya, bago lumapit sa akin. "Nakita mo naman e, ako na nga 'yung naiwas." Explain niya pa pero sa pinapanood lang ako naka tutok.
YOU ARE READING
Teach Me How To Love, Ma'am (Love Job Series #1) | ongoing
RomanceLOVE JOB SERIES #1