Chapter 7
(Not related but play mama by Jonas Blue cause trip ko lang hehehe)
Nasa seaside ako ngayon tahimik na iniinom tong isang dosenang yakult na binili ko dun sa nag titinda sa labas ng parking kanina.
"Ganyan pala mag inom ang mga 14 years old.Yakult"
Napalingon ako sa nag salita at nagulat ng makita sya.Napatingin pako sa paligid kung may kasama sya pero wala.
"Ikaw nanaman?wow ha?"
Hindi maka paniwalang usal ko saka umiling at tumingin sa payapang dagat.
"Ayaw mo may gwapo kang kasama?Saka isa pa nag lalakad lakad lang ako para matunawan no baka isipin mo stalker ako.Hell no!"
Napairap ako dahil sa dami ng nasabi nya.Ininom ko na yung pang pitong yakult saka tumingin sa dagat na may mahinang alon.
"Malungkot ka ulit?"
Tanong nya saka naupo sa tabi ko.Inalok ko naman sya ng yakult kaso busog pa raw sya.
Edi wag!Tumatanggi sa grasya
"Muka ba akong malungkot?"
"Hindi naman onti lang"
"Kamusta pala si Jayron?"
"Wala kang galang kay uncle!24 na yon kaya dapat gumagalang ka"
"Anong malay ko sa edad nya saka isa pa muka naman syang bata kaya Jayron nalang mas cute"
"Nakucutan ka kay Uncle!?"
"Medyo"
"Bakit?"
"Anong bakit!?"
"Bakit ka na cutan sa kanya eh mas cute ako don!"
Natawa ako sa pag mamaktol nya kasi parang gusto nya sya lang ang cute sa paningin ko.
"Ewan"
Nag kibit balikat ako na ikinainis nya.
"May gusto ka ba kay uncle ha!?"
Agad ko syang sinamaan ng tingin dahil sa tanong nya.
"Ano ko si Auntie Charlotte?Hell no!"
Bulalas ko sa kanya na natigilan sa sinabi ko.
"Si Charlotte ang may gusto kay uncle?"
Pinitik ko ang noo nya dahil wala rin syang galang.
"Araaaaaaay"
Daing nya saka humawak sa noo nyang namumula.
"Wala ka rin palang galang!So it's a tie"
Sabi ko sa kanya na sinamaan ako ng tingin.
"Bakit mo pinitik noo ko?"
"Para tingnan kung may laman but i guess none!"
Ani ko saka tumayo na at nag lakad papalapit sa kotse ko pero natigil ako saka nilingon si Loxelle na nakatayo lang don habang naka tanaw sakin.
Problema non?
"Ano dyan kana lang?"
Ngumuso naman sya saka tamad na nag lakad palapit sakin.
"Tambay ka muna samin nandon naman ang family ko"
Sabi nya nung nakasakay na kami sa kotse.
"Next time nalang"
BINABASA MO ANG
She's a Blues
Teen FictionShan sent home for a mission and she accidentally met a boy who kill the blues in her but she lost him with her memories because of the unexpected piece that will solve the puzzle she's trying to figure it out.