chapter 8

1 0 0
                                    

Chapter 8

SHANINE'S POV

Tahimik kong binabasa ang isang website na tumatalakay sa background ni Damián Paredes hanggang sa current status ng business nya.Ayon dito ay hindi naman pala sya ang nag mamay ari ng cassino kundi isinanla sa kanya ng original owner dahil sa bankcrupcy pero nabawi naman ito sa tulong ni Damián.Sya pala ay owner ng isa sa pinaka malaking pharmaceutical company hindi lang dito sa pilipinas kundi pati na rin sa canada,korea at japan.

Ang successful naman

Lahat ng articles na nabasa ako ay all goods at walang isyu sa mga product nila kaya wala akong makitang reason to kill this man.Bukod sa company nya ay wala pala syang asawa o anak man lang pero ama sya ng labing tatlong aso with different breed.

Angas

Mahigit limang oras akong babad sa pc kaka search kaya naman ng makaramdam ng antok ay natulog ako.Nagising na lang ako ng pumasok si auntie sa kwarto ko dala ang jumper short,tops at rubber shoes.

"Eto susuotin mo mamaya sa party na pupuntahan natin"

Pupungay pungay ang matang sinulyapan ko lang sya saka nahiga ulit.

"Ayokong pumunta"

Tinatamad na sabi ko sa kanya na naupo sa tabi ko.

"Kasama ate mo kaya sumama kana para may bonding kayo"

Napabangon agad ako sa sinabi nya dahil kasama si ate.Paniguradong mag kakaron nga kami ng bonding kaya naman tumayo na ako at tumingin sa walk in closet ko ng mga branded tshirt na pwedeng iregalo kay Axelle.

Rush to kaya wag syang choosy!Buti nga may gift ako kahit di kami close!

"Sasabay kaba samin ni Eifhel o dadalhin mo yang kotse mo?"

Tanong ni auntie habang abala sa pag lalagay ng hikaw nya.

"Dalhin ko kotse ko pero teka diba kiddie party naman pupuntahan natin?Bakit naka dress ka?"

Takang tanong ko sa kanya habang tinatali yung sapatos ko.Humarap naman sya sakin saka ngumiti ng malapad.

"Alam kong kiddie party yon pero hindi naman yon ang ipinunta ko ron no?Syempre nag paganda ako dahil sa crush ko"

Napairap naman ako sa ere ng tumawa sya na akala mo ay nababaliw na.

"Edi sana inaya mo nalang hindi yung pasimple kapa!Papansin din"

Bulong ko saka tumayo para mag suklay ng buhok.

"Ang haba na ng buhok mo.Di ba nakakasagabal yan sa trabaho mo?"

Namamanghang tanong nya saka inagaw ang suklay sakin at sya na ang nag suklay para sakin.

"Sagabal nga kaya papagupit nako sa isang araw.Ano bang magandang haircut?"

"Yung may bangs try mo"

"Baduy!"

"Anong baduy?Bagay kaya sayo since bilog na bilog ang muka mo tas may dimple pa kaya pak!!"

"Wow!Saktong dora?"

"Ganon nanga!"

"Manahimik pag papansin"

"Aba!Hoy hindi kaba papansin kay Loxelle ha?"

"Pass"

"Ay?Choosy girl?"

She's a BluesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon