Chapter 24
COMMANDER'S POV
Tahimik kong iniinda ang tama sa likod ko na kagagawan ng hayop na batang yon!Hinding hindi ko mapapalampas ang kasutilang ginawa nya at kung inaakala nyang basta nalang nya ako masisira ay dyan sya nag kakamali dahil handa kong ubusin lahat ng mahalaga sa kanilang dalwa ng mag sisi sila na ako ang kinalaban nila!!
"Honey are you okey?"
Tanong ko sa asawa ko na ngayon ay nakaratay dahil sa ginawa ng paslit na yon.
"I'm fine just take a rest Honey! baka ikaw naman ang mag kasakit o manghina kung ibubuhos mo ang lahat ng lakas mo ng hindi pinag iisipan ang mga hakbang na gagawin mo"
Malambing nyang wika saka hinawakan ang pisngi ko.Pilit ang ngiting iniwan ko sya sa kwarto nya at sinagot ang tawag sa aking telepono.
"I heard a very big news!You failed the mission to kill Damián Paredes!!how can you let this happened!?"
Galit nyang wika sa kabilang linya kaya naman nakaramdam ako ng disappointment sa aking sarili.
"I did my best to do what you want me to do but that little bitch meddle in my plan!"
Sagot ko sa kanya na narinig ko ang pag dadabog sa kabilang linya.
"Ang sabihin mo pumalpak ka!Naisahan ka ng bata dahil hindi ka nag iingat!"
Napasinghap ako saka nag salin ng alak sa shot glass dahil nag iinit ang ulo ko.
"Bakit ba ang punyetang yon pa ang kailangang pumatay sa Damiàn nayon kung pwede namang ako nalang!?Masyado mong pinako kumplikado ang sitwasyon na ikaw lang din ang mahihirapan!"
Inis na sagot ko sa kanya na narinig ko ang buntong hininga saka sya naupo sa swivel chair nya.
"Dahil gusto kong makaharap ng lalaking yon si kamatayan at ang Aladda Shanine na yon ang mag sisilbe nyang kamatayan!"
Nakukuha ko naman ang point nya sa gusto nyang mangyari pero marami pa rin akong hindi maintindihan sa naunang plano namin.
"Kung si Shanine ang magiging kamatayan ni Damiàn pano naman nya malalaman?Ano basta lang sila mag haharap walang thrill?"
Tanong ko matapos uminom ng alak at antayin ang sagot nya.
"Yan nga sana ang tinatrabaho natin ngayon kung pano nya malalamang ang hayop na batang yon si kamatayan kung hindi kalang pumalpak punyeta!!"
Nailayo ko sa tainga ang telepono dahil sa sigaw nyang yon.Pinatay ko na ang call dahil hindi titigil ang bibig nya hangggang wala akong naibibigay na plano kaya naman pumasok ako sa office ko at pinag planuhan ang thrill na gusto nya pero hindi kay Damián kundi kay Shanine.
SHANINE'S POV
Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa muka ko.Marahan kong nailagay sa harap ang kamay para harangan ang sinag ng araw pero natigil ako ng makita si Loxelle na nakaupo sa side ng kama ko.
"Goodmorning Shan"
Buong buo ang ngiti nya saka tumayo at lumapit sakin para halikan sa labi pero napigilan ko agad gamit ang palad ko na hinarang sa muka nya.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?"
Casual na tanong ko saka bumangon dahil nangangalay na ang likod ko.
"Kukuha sana ng morning vitamins"
Nahihiyang sagot nya saka ako tinulungang makatayo.
"Ah eh sige lalabas muna ako since mag ccr ka ata"
BINABASA MO ANG
She's a Blues
Teen FictionShan sent home for a mission and she accidentally met a boy who kill the blues in her but she lost him with her memories because of the unexpected piece that will solve the puzzle she's trying to figure it out.