chapter 12

1 0 0
                                    

Chapter 12

SHANINE'S POV

Maaga akong umalis ng bahay dahil sinundo ako ni Caji para pumunta sa pub ko.Dun namin nakatakdang gawin ang planong pag salakay sa rest house ni commander.

"Maaaring walang cctv sa rest house ngunit may mga bantay kaya kakailanganin natin ng maraming tranquilazer.Kailangan nating maging tahimik sa lugar na yon kaya naman nilagyan ko ng silenser ang kotse na syang gagamitin natin."

Sabi nya habang inaayos ang mapang nakuha nya kay Vanndam.

Si Vanndam ay kaibigan namin sa organisasyon na syang pinaka magaling makipag laban saming tatlo.Sya rin ang pinaka matalino at creative kaya sya ang ulo namin.

"Pero may isa tayong problema Shan"

Agad ko syang nilingon dahil sa sinabi nya.

"Ano yon?"

"Binalaan ako ni Vanndam na hindi mo pwedeng makaharap sa laban si Commander dahil napag alaman nyang simula ng pumasok ka sa organisasyon ay binabantayan neto ang kilos at galaw mo lalo na sa tuwing makikipag laban ka"

Nangilabot ako sa sinabi ni Caji sakin kaya naman napaupo ako dahil sa labis na pangamba at pag tataka.

"Pero bakit?Anong dahilan nya roon?"

Naupo si Caji sa tabi ko saka hinawakan ang kamay ko.

"Sa organisasyong meron tayo ang pwede lang mag aral sa kilos natin ay master,head master at guro pisikal bukod sa kanila ay wala na dahil pinangangalagaan nila tayo incase na may spy sa loob kaya naman nag karon din ng sariling imbestigasyon si Vanndam sa new york at napag alaman nyang pa sikretong nakakakuha ng clips or any source si commander habang nasa ensayo ka"

Nakagat ko ang ibabang labi dahil sa pag ooverthink sa commander.

"Sa tingin mo may balak ang commander na saktan ako?Paano ang pamilya ko?"

Nag aalalang tanong ko sa kanya na niyakap ako dahil alam nyang mahina ako pag dating sa pamilya ko.

"Kumalma ka!Sa tingin ko ay hindi ka nya balak saktan kundi balak ka nyang gamitin sa kasamaan upang hindi madungisan ang kanyang mga kamay"

Hindi ko alam kung paano ako makakapag concentrate sa gagawin namin kung nilalamon ako ng what ifs ko.Sa organisasyon tinuruan kaming maging matatag pisikal at emosyonal pero hindi ko maiapply yon dahil sa murang isipan na meron ako.14 na ako pero ang isip ko ay kung paano ako makakapag laro ng habul habulan at bahay bahayan kasama ang mga kalaro ko.Hindi ko man lang naisipan na pag hawak ng baril at iba pa ang kailangan kong pag aralan imbes na pakikisama sa mga bata sa school saka pagkain ng baon kasama ang mga kaibigan.

Hanggang kailan ba ako rito?

"Handa kana?"

Nilingon ko si Caji saka tumango.Isinuot na namin ang mga bagay na makapag tatago samin mula sa pag kakakilanlan at mabilis na lumabas ng kotse.Malinis ang naging pag lakad namin palapit sa rest house.Nakita ko ang ilang mga bantay kaya naman ginawa ko ang trabaho kong patulugin sila habang si Caji ay umakyat sa puno para don dumaan sa chimne ng bahay.Matapos kong patulugin lahat ay inilagay ko sila sa gilid ng bahay na mag kakatabi saka binantayan ang buong paligid.

"Naka pasok ka?"

Tanong ko kay Caji na alam kong naririnig nya dahil sa suot na earpiece.

"Oo.Sinuot ko yung night vision glass at nakikita kong may tao ngang nakakulong dito"

She's a BluesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon