chapter 25

1 1 0
                                    

Chapter 25

SHANINE'S POV

Nakapang hihina lahat ng nalaman ko tungkol sa past relationship ni mommy kay Damian Paredes bukod don yung mata ko hindi totoong nag ka ron ng operation noong 4 years old ako dahil natural na sakin to simula ipanganak ako.

Bakit ka nag sinungaling daddy?

"Shan tingnan mo perfect yung score ko sa exam namin!Inisip kasi kita kaya ayan yung resulta"

Natawa ako bigla dahil sa sinabi ni Loxelle matapos ipakita ang score nyang perfect nga.

"Kasama ba ako sa choices at pati ako nadamay dyan sa isip mo?"

Ngumiti sya saka hinawakan ang kamay ko.

"Wala ka sa choices sa papel pero palagi kang nasa isip ko kaya ginalingan ko para proud ka sakin"

Niyakap nya ako kaya naman nakaramdam ako ng ginhawa sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.

"Babe naman sige na payagan mo na akong mag bar?Nandon naman si Kambal para bantayan ako"

Napatingin kami sa nag mamakaawang si Jayron para payagan ni auntie na mag bar.

"NO!Unless ako ang inaaya mo"

Pag susungit ng babae sa lalaki na niyakap sya saka hinalikan.Agad ko namang tinakpan ang mata ni Loxelle dahil lahat pa naman ng makita nyang ginagawa ni Jayron ay ginagawa nya.

Tsk!Mag tito nga sila!

"Babe naman kasi bonding naming mag kakapatid yon saka isa pa no girls allow promise?"

Malambing na aniya sa babae na inirapan lang sya.

"Manahimik ka Jayron!"

"Babe please!"

"Hindi!"

"Aalis na kasi si Vanndam after a month at hindi pa kami nakakapag bonding kaya please allow me?Promise i'll do whatever you want"

Napairap nalang ako sa inaasta nila sa harap namin ni Loxelle.Tumayo ako at inaya syang tumambay sa pool area para mag pahangin.

"Shan yung bahay nila Tito malapit ng matapos.Sabi nya samahan daw natin sila para bumili ng mga gamit na ilalagay don"

Ngumiti ako dahil masaya ako sa another achievement ni auntie.Sa wakas mag kakaron na sya ng bahay na matagal na nyang pinapangarap.

"Sige kelan ba?"

Tanong ko saka nilaro laro yung tubig sa paa ko.Bahagya pa akong napahawak sa tagiliran ko dahil nakirot ang sugat ko ron.

"After ng thanks giving party."

Tumango ako ron saka hinawakan ang kamay nya at nilaro laro yon.

"Shanine gusto ko pag malaki na tayo pakasalan moko.The real one"

Natahimik ako sa gulat dahil sa sinabi nya.

Nababaliw naba sya?14 palang kami pero nasa kasal na agad ang isip nya?

"Kung hindi ka uuwi dito edi ako nalang ang pupunta sayo sa new york para pakasalan ka"

"Mga bata pa tayo para dyan kaya pag aaral muna ang isipin mo okey?Saka na yan kapag okey na ang lahat"

Nakangiting sagot ko sa kanya na para bang nalungkot pero sinikap nyang ipakita ang ngiti nya.Pumasok na kami sa loob dahil luto na ang dinner.Nandito sila Vann at Carrista kaya naman masaya ang naging kwentuhan habang nag didinner.

She's a BluesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon