chapter 21
SHANINE'S POV
Halos lahat ng tao sa bahay ay nagulat ng makita ang itsura namin ni Loxelle na naka formal.
"Babe alalayan moko parang lahat ng santo gusto kong tawagin dahil sa pinag gagagawa ng dalwang yan"
Parang mahihimatay na sabi ni auntie habang inaalalayan ni Jayron na ang sama rin ng tingin samin ni Loxelle.
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHHHAHAH"
Malakas na tawa ni Tita Lorren saka Tito Jexelle na nag apir pa at parang gustong gusto ang nakikita.
"Ate!!Kuya shut up!!"
Singhal ni Jayron sa dalwa na tumahik bigla saka kami nilapitan ni Loxelle at pumuwesto sa likuran namin.
"So anong kalokohan ang pumasok sa isip nyo at nag pakasal kayo ha!?"
Singhal ni Jayron samin at tumayo pa sa harapan namin ng nakapamewang.Nag katinginan kami ni Loxelle at hinawakan ang kamay ng bawat isa.
"Tito kasi ano...kasi....yung"
Hindi makapag salita ng ayos si Loxelle dahil sa kaba.
"Mahal nya raw po ako at gusto nya ng connection"
Sagot ko saka nag baba ng tingin para pigilan ang sarili na mangiti.
"Connection!?Eh kababata nyo pa para sa kasal na yan ah!?"
Si auntie na tumabi kay Jayron sa harap para manermon.
"Para san ang connection nayan ha!?SAGOT!"
Sigaw ni Jayron samin pero nanatili na akong tahimik hanggang si Loxelle na ang nag salita.
"Ilang beses po kasi akong nag please kay Shan na bumalik sya dito pero mukang hindi na kaya naman pinakasalan ko sya para sa connection sa pag babaka sakaling ito yung maging reason para balikan nya ako."
Natigilan sila sa sinabi ni Loxelle at kahit ako paulit ulit na nagugulat sa nagagawa nya dahil sa kagustuhan nyang manatili ako rito.
"Sige na tama na muna ang sermon at kakain na tayo.Halina kayo"
Nag simula na kaming kumain habang sila ay pinapanood yung video namin sa simbahan at ngayon naman ay tuwang tuwa sila.
"Literal na date to marry"
Kinikilig na wika ni tita Lorren kaya naman nahiya ako bigla.
Literal nga po.
Matapos naming kumain ay namaalam na akong aakyat na dahil napagod ng sobra.After maligo ay nag suot lang ako ng hoodie saka pants bago kunin ang phone para tawagan si Caji pero hindi nya sinasagot kaya naman nakaramdam ako ng kaba hanggang si Vanndam na ang kusang tumawag sakin.
"Tomorrow afternoon darating ang private plane.So by the evening dapat nakasakay na kayo para mabilis kayong makapag report dito sa main base"
Seryosong sabi nya habang ako ay napapailing dahil sinusubukan kong tawagan sa laptop si Caji pero he never answer my call.
"Vanndam si Caji hindi sinasagot ang tawag ko.Last time sabi nya sinusundan nya si Commander.Hindi kaya nahuli sya?"
Nag aalalang sumbong ko sa kanya na natigilan sa ginagawa.
"What!?"
"Oo eh kanina ko pa sinusubukan tawagan even his family doesn't know where he is.Nag aalala na ako Vann!"
BINABASA MO ANG
She's a Blues
Fiksi RemajaShan sent home for a mission and she accidentally met a boy who kill the blues in her but she lost him with her memories because of the unexpected piece that will solve the puzzle she's trying to figure it out.