Chapter 10
SHANINE'S POV
It's a boring day for me kasi wala akong ibang kasama sa bahay kung hindi ang bunso namin pati na rin ang mga kasambahay dahil may work ang parents ko at may pasok naman si Ate saka Auntie.
"May gusto ba kayong kainin?"
Tanong ng kitchen staff namin ng pumasok ako sa kitchen at nag hahanap ng makakain.
"Ah wala junk food lang po trip ko ngayon.Kayo po mag luto kayo ng makakain nyo"
Ngumiti ako saka kinuha yung malaking piattos saka isang box ng pineapple juice bago bumalik sa kwarto ko dahil gugugulin ko ulit ang sarili ko sa trabaho ngayon.Nag print ako ng mga picture ng target saka yon dinikit sa white board ko sa wall at nilagyan sila ng question mark sa tabi ng picture nila.Lahat ng nakalap kong information na ako mismo ang kumuha ay inilagay ko sa white board.Naakyat ko lahat ng bahay nila maliban kay Damián Paredes at lahat yon ay may same picture ng nakita ko sa bahay ni Thomas.Kung aakyatin ko man ang bahay ni Damián ay inaasahan ko ng makakakita ako ng picture frame na kagaya ng sa apat nyang kaibigan.
Nag lagay rin ako sa kabilang white board ng mga information na galing kay Commander para mag compare.Sa sarili kong pamamaraan ay positibo ang nakakalap ko habang negatibo naman kay commander.So hindi ko malalaman ang rason bakit sila kailangang mamatay kung hindi ko aalamin kung bakit sila ang naging target at paano yon nangyari.
Kung ganon si commander ang kailangan kong trabahuhin para malutas ang kaso nato.
Sumandal ako sa swivel chair ko para mag pahinga pero tumama ang mata ko sa paper bag na binigay sakin ni Damián.Kinuha ko ang water globe saka yon tinitigan bago alog alugin dahil may mga glitters na nakakaattract sa paningin sa loob.Napangiti ako dahil dun sa aso na katabi nung tao sa swing saka natigilan ng bumalik sa alaala ko ang kulay ng mga mata nya.
Mint green na kagaya ng sakin.
Salubong ang kilay na lumabas ako ng kwarto saka bumaba para tingnan ang family picture nila na hindi ako kasama at titigan ang kanilang mga mata.Lahat sila normal na kulay black ang mata samantalang yung sakin ay kulay berde.
Pakiramdam ko tuloy ako yung outcast sa pamilya dahil sa mata kong hindi pwedeng iexpose lalo na kapag may mission.
Mag hapon kong iniisip ang tungkol sa mga mata ko hanggang sa dumating na ang pamilya ko.
"Oh Shanine bakit nandito ka?Wala ka bang mission ngayon?"
Seryosong tanong ni lolo saka inilapag sa center table ang briefcase na dala at maupo sa tabi ko.
"Practice lang po ng shooting kaso nag ka problema po ang isa sa daliri ko kaya kailangan kong ipahinga"
Nag papaka totoong sagot ko sa kanya na tumango lang saka kinuha yung remote at binuksan yung tv.
Nanonood ng basketball.
"Ah lolo pwede ba akong mag tanong?"
Tanong ko sa kanya na hindi man lang ako tinapunan ng tingin.
"Sige ano ba yon?"
Tanong nya na ang paningin ay nasa pinapanood.
"Lolo si commander ba hehehehe paano nyo sya nakilala?Kaibigan nyo ba sya ha?"
Tanong ko sa kanya na hindi pa rin ako nilingon
"Ang totoo hindi kami kailanman naging mag kaibigan dahil magkaiba ang ginagalawan naming mundo munit ng pumasok ka sa organisasyon ay sya ang naging gabay namin para malaman kung anong lagay mo sa loob"
BINABASA MO ANG
She's a Blues
Teen FictionShan sent home for a mission and she accidentally met a boy who kill the blues in her but she lost him with her memories because of the unexpected piece that will solve the puzzle she's trying to figure it out.