chapter 16

1 0 0
                                    

chapter 16

SHANINE'S POV

Nagising akong wala na si Auntie sa tabi ko kaya naman mabilis akong naligo at sinuot ang hoodie saka pants ko.Nag pabango rin ako ng konti saka lumabas ng guest room nila.Napangiti ako kasi sa hallway na dinaraanan ko nakasabit sa wall yung mga achievements ni Loxelle at Axelle simula day care to high school.

Sana ganon rin ako.

Natigil ako pag titingin sa wall ng biglang bumukas ang isang pinto at ilabas non ang nakapikit pang si Loxelle habang yakap yung Dinosaur na binigay ko kagabi?Napangiti ako saka nag crossarm na sinundan sya ng tingin sa pag lalakad not until may marealized sya at humarap pabalik sa room na nilabasan nya pero nag tama agad ang paningin naming dalwa.

"Goodmorning"

Bati ko saka kumaway pero nawala ang ngiti ko ng bahagya syang mapasandal sa pader at nag pe pray?

Huh?ang weird nya

"Lox-----"

Agad syang pumasok sa room nya at isinara ang pinto.Taka ko namang nilampasan yon bago inisip kung bakit napa pray sya bigla.

"Goodmorning iha?"

Malambing na bati sakin ni tita Lorren ng makita akong pababa ng hagdan.Bumati rin ako sa kanya pabalik saka nya ako hinila papunta sa kitchen.Nakita ko roon si Jayron saka auntie na nag lalandian este nag luluto pero mas lamang ang holding hands kesa haluin yung fried rice.

"Goodmorning Baby girl"

Agad nag salubong ang kilay ko ng batiin ako ni Jayron with that weird nickname.Peke akong ngumiti at pinipigilan syang murahin dahil nandito si tita Lorren.

"May mga coffee and milk na tayo sa dining.Please put some utensils there iha.Thank you"

Kinuha ko yung mga utensils saka yon dinala sa dining area nila.Naabutan ko naman si Axelle na abala sa pag games sa cellphone nya.

"Ooh your here pala?How's your sleep?"

Tanong nya habang abala sa ginagawa.Ngumuso naman ako habang inaayos yung dala ko.

"Okey lang"

Tipid na sagot ko sa kanya na sinulyapan ako ng mabilis saka bumalik sa ginagawa pero ng may marealized din sya ay itigil nya ang ginagawa.

"Napano yung labi mo?Nakipag kiss ka no?"

Medyo concern na tanong nya na may halong pang iinis.Agad ko namang hinawakan ang labi ko at dun ko na pag alaman na may sugat nga.

"Sinasabi mo?Nag away kami ni ate kaya may sugat ako pero ayos lang malayo naman to sa bituka"

Mataray na sagot ko sa kanya na natawa lang naman.

"Oo nga pero malapit sa puso"

Hindi ko na sya sinagot dahil dumating na sila auntie galing sa kitchen dala ang mga foods na niluto nila.

"Axelle call your kuya and daddy.Sabihin mo kakain na"

Utos ni tita Lorren habang abala sa pag lalagay ng rice at ulam sa pinggan ko.

"Kain ka lang Shanine anak ha?Kung anong makita mong pagkain ay kainin mo"

Natigilan ako kasi tinawag nya akong 'anak' ngumuti ako saka nahihiyang nag pasalamat bago sinulyapan si auntie na pilit ngumiti sakin.

Plastic ng smile sa umaga

"Goodmorning m-MOOOM!?"

Pasubo na sana ako ng kanin ng matigil dahil sa pag sigaw na yon ni Loxelle habang nanlalaki ang matang nakatingin sakin.

She's a BluesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon