chapter 22

1 0 0
                                    

chapter 22

LOXELLE'S POV

Kaaawas ko lang galing school kaya agad akong dumeretso sa kwarto nila Shan para ipakita na perfect yung score ko sa quiz pero wala sya ron pati na rin ang mga gamit nya kaya naman nag madali akong bumaba para itanong sya kay mom.

"Pero hindi ko sya napansin na umalis ng bahay."

Sagot nya sakin matapos naming hanapin ang buong bahay.

"Finally may progress na rin sa dream house natin hehe hindi naman ganon kalaki but still i know maganda ang kalalabasan non"

Masayang sabi ni Charlotte kay uncle na ngumiti at niyakap sya.Kararating lang nila galing school kaya naman nasa maindoor pa sila ng mga sandaling ito.

"Where is Shan?Kasama nyo ba sya sa school?"

Agad na tanong ko sa kanila na binalingan ako ng tingin saka nag katinginan.

"Hindi eh!Bakit wala ba sya sa kwarto nya?"

Umiling lang ako at nag aalalang naupo sa sofa dahil wala akong alam na pwede nyang puntahan maliban sa park pero dumaan ako don kanina at wala sya beside dala nya rin ang mga luggage nya pati ang sasakyan nya.

"Hindi kaya ngayon ang alis nya?"

Nilingon ko si Charlotte dahil sa sinabi nya.

"Pero hindi sya nag paalam sakin!"

Malungkot na wika ko sa kanila na nilapitan ako saka niyakap.

"Samin din naman eh hindi namaalam"

Sagot ni tito Jayron sakin at ginulo ang buhok ko.

"But wait let me check the tracker"

Nabuhayan ako ng loob dahil may app si Charlotte na nalalaman kung nasaang lugar si Shan ng hindi nito nalalaman.Napapalunok ako habang nag aantay ng update pero nakikita ko sa muka ni Charlotte na bigo rin syang makita si Shan.

"Naka off ang phone nya kaya hindi ko ma locate kung nasan sya"

Nag aalala na rin ang boses ni Charlotte kaya naman inakbayan na sya ni tito.

"Why don't you ask your father baka alam nya kung nasan si Shan"

Suggestion ng lalaki kay Charlotte na agad umiling.

"Hindi!Kapag nalaman nilang nawawala si Shan sasabihin nila to sa gabay at kapag nangyari yon mapapahamak ang pamangkin ko"

Kahit nalilito kami sa mga pinag sasasabi ni Charlotte ay sinikap naming pakalmahin ang sarili.

"Sa palagay ko hindi pa sya umaalis ng bansa dahil nasisiguro kong mag papaalam sya.May isang lugar akong naiisip na kinaroroonan nya at yun ay ang Pub"

Mabilis naming naisaayos ang sasakyang dadalhin at nag madali na si Charlotte mag maneho papunta sa pub na sinasabi nya.

"Babe dahan dahan baka maaksidente tayo"

Natatakot na sabi ni tito sa babae na ngumisi lang at lalo pang binilisan ang pag da drive.12 midnight na kami nakarating sa pub at namangha ako dahil hindi sya ganon ka liit pero hindi rin malaki kumbaga sakto lang para sa isang pamilya ang style ng bahay na to.

"Kay Shan to?"

Namamanghang tanong ni uncle kay Charlotte na inilabas ang key card ng gate saka nag swipe at agad itong bumukas.

"Positive!!Nandito sya but who own that one car there?"

Takang tanong nya ng makita ang isa pang kotse sa tapat ng pub ni Shan.Agad naming nilapitan yon pero sabay sabay ring natigilan ng makakita kami ng dugo sa pinto ng driver seat.

She's a BluesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon