Chapter 11
LOXELLE'S POV
"Kuya nung niligawan mo si ate Lorren,Anong dinala mong pagkain sa bahay nila?"
Tanong ni tito Jayron pagkadating nya ng bahay.Natigil naman ang parents ko sa pag luluto saka binalingan si tito na nag iwas ng tingin.
Nahihiya sya.
"Aba eh aakyat kana ba ng ligaw kay Charlotte kaya mo tinatanong ang pagkaing dinala ko kila sweety noon?"
Tanong ni daddy sa kapatid na ngumuso lang saka tumango.Natawa naman si mommy saka itinuloy ang ginagawang pag luluto ng dinner.
"Noong nag punta ako sa bahay nila Lorren ay hapon kaya naman meryenda ang dala ko.Usual meryenda lang naman yon like pizza,coke and enpanada"
Nag eenjoy akong marinig ang kwentuhan nila kasi sa ganitong paraan nag kakaron ako ng idea sa kung paano o ano ang dapat gawin kapag manliligaw na ako.
"Eh bro sa tingin mo,Anong magandang dalhin ngayong gabi?"
Kakamot kamot sa ulong tanong ni tito kay dad na nag crossarm.
"Bakit naman gabi ka manliligaw?"
Takang tanong ng daddy ko.
"Eh bro alam mo namang halos araw araw akong busy sa school na pati weekends ko puro seminar at pag aasikaso sa school kaya paano kong maisisingit ang panliligaw sa araw?Gabi lang ang pahinga ko kaya gusto kong mag paalam ng formal sa daddy ni Charlotte"
Ngumiti si daddy saka tinapik sa balikat si tito.Lumapit naman si mommy para tumulong mag suggest ng pwedeng dalhin kila Charlotte.Umakyat naman ako sa kwarto ko para maligo at mamili ng maisusuot.
"Wow!Nice outfit Loxelle.Parang ikaw ang aakyat ng ligaw sating dalwa ah?"
Pangaasar ni tito ng makitang naka trouser ako at longsleeve na white.
Bakit ba?Gusto kong mag mukang maayos sa pamilya ni Shan.
"Oh Loxelle anak?San ang punta mo?"
Tanong ni mommy nung nasa hapag kainan na kaming lahat.
"Ah kasama ko po sya ate kila Charlotte."
Nakangiting sagot ni tito sa mommy ko na mukang kinilig sa di malamang dahilan.
"Parang ikaw pa ang manliligaw sa itsura mo"
Asar sakin ni Axelle na sinipa ko lang sa ilalim ng lamesa para manahimik.Matapos naming kumain ng dinner ay nag palipas lang kami ng busog saka lumabas na para pumunta kila Shan.
"Kinakabahan ako"
Sabi ni tito habang nag da drive.
"Natural yan kaya i embrace mo"
Sagot ko sa kanya na natawa lang at nag focus na ulit sa pag mamaneho.Dumaan muna kami sa isang shop kung saan kami bibili ng night snack since tapos na ang dinner.Nag suggest kasi si mommy kanina na much better if ulam ang dadalhin namin kaso kulang sa oras kaya naman snack nalang daw muna at saka na ang ulam.
"Behave ka lang kapag na roon ka okey?"
Bilin sakin ni tito na agad ko namang tinanguan.Lumabas na kami ng kotse at tiningnan ko naman ang malaking bahay sa harap ko.Parang kapag pumasok ka ay maliligaw ka kung hindi familiar sa bahay na to.
"Let's go"
Aya ni tito saka kami dumako sa gate at nag doorbell.Ilang sandali lang ay lumabas na si Charlotte na may malaking ngiti sa kanyang labi.Tiningnan ko ang likuran nya sa pag aakalang si Shan ang kasama nya pero si Eifhel lang pala.
BINABASA MO ANG
She's a Blues
Teen FictionShan sent home for a mission and she accidentally met a boy who kill the blues in her but she lost him with her memories because of the unexpected piece that will solve the puzzle she's trying to figure it out.