Chapter 31
Daniel Lancevin Velazco
"Davin, saan ka na naman nanggaling? Ako ang malalagot sa Daddy mo kapag napahamak ka r'yan sa labas!"
Hahakbang pa lang sana ako papasok sa mansyon nang marinig ko si Nanang Milet. Medyo may edad na siya kaya minsan mainit ang dugo niya sa paligid, lalo na sa 'kin. She's a grumpy old woman.
"Palagi ka na lang tumatakas! Kung nakikita lang ng Mommy mo 'yang ginagawa mo, hay nako, malalagot ka sa kanya! Kung paano ba naman kasi hindi ka manlang mapalo!" sermon niya. I continued to sneak inside even though she had seen me already. "Halika, ako ang papalo sa 'yo!"
Para akong nabuhayan. Makarinig lang ako ng ganoon ay ginaganahan ako lalo na tumakas. Humagikgik ako at kunwari nangtatago sa mga shelves, sinisilip ko pa si Nanang na ngayon ay may hawak nang hanger.
"Nye! Hindi mo 'ko mapapalo, Nanang! Habulin mo muna 'ko!" lumundang ako sa harapan niya at inasar siya.
She looks pissed as she started chasing me inside the mansion. Tuwang-tuwa ako habang umaakyat sa hagdan. Huh! Ito ang kahinaan ni Nanang, ang umakyat sa hagdan dahil babagal siya rito.
"Halika rito, punyemas!"
I giggled as I went inside the art room. Magtatago lang naman sana ako kaso naabutan ko si Mommy na nandoon. She's painting again. The room, as usual, is quiet, filled with the scent of lavender. Hindi lang basta tahimik dahil kaunti lang ang tao, kundi dahil tahimik din si Mommy. She's deaf. She hasn't even noticed my movements yet.
Hanggang sa makalapit ako sa kanya. Nakatalikod siya sa akin habang abala siya sa pagpipinta. I gently tapped her shoulder for twice, making her startle a bit as she looked at me. Nabuhayan naman ang mukha niya nang makita ako.
"Hi, Mommy ko," I beamed while smiling. She smiled at me too. "Woah, ganda!" komento ko sa pinipinta niya.
Kumuha siya ng maliit na papel at lapis para magsulat. I haven't learned sign language yet. At my age, I still have trouble remembering things. Kahit mga basic sign language ay nakakalimutan ko rin agad.
She showed me the piece of paper and I read what was written on it.
Ang dungis mo. Gusto mo bang mapalo? Tumakas ka na naman ba kay Nanang Milet?
Medyo kunot ang noo kong nagbabasa. Hindi ko pa kasi gaanong kabisado 'yong mga letra pero pinagpantig-pantig ko naman kaya ko naintindihan. Grabe naman!
Galit ba si Mommy?!
Kabado akong tumingin sa kanya. I humbly scratched my nape while nervously smiling at her. However, her expression remained calm. Nakatingin lang siya sa akin, hindi naman siya mukhang mataray.
In fact, for me, she's the epitome of serenity. Maganda si Mommy, para siyang disney character, tapos isa pa sa asset niya ang mga mata niya. I inherited her siren eyes. Minsan tuloy napapaisip ako kung sirena si Mommy. Well, 'di ko naman siya masisisi, mabuti at nagmana ako sa kanya.
Ang pogi ko tuloy.
Ngumuso ako. "E, Mommy, nihabol ko lang naman po 'yong nagtitinda ng taho kanina sa labas! Tapos, tapos, tapos..." Nahiya ako bigla ng taasan niya ako ng kilay, "habang pauwi ako, nitapon ko po taho ko kasi nagtakbo na naman ako, nihahabol ako ng aso!"
Paulit-ulit akong kumakamot sa ulo. Totoo 'yon na nangyari. I have been wanting and wishing to try taho but Daddy was too strict. Palagi kong naririnig 'yong magtataho kapag dadaan siya sa kalsada pero hindi manlang ako makabili kasi bilin ni Daddy na huwag akong palalabasin!
BINABASA MO ANG
Pursuing from the Shore (Sun Rays Series #2)
Romance✔️ | COMPLETED Redler is an introvert yet passionate writer who finds comfort in her quiet spaces. Davin, an enthusiastic artist whose life is brimming with creativity, stood across from her quiet existence. When their paths suddenly meet, Davinʼs l...