EPILOGUE

2K 39 13
                                    

EPILOGUE

"Tandaan mo, pare, nakasalalay dito ang account ng kambal ko!" Renzler reminded me over the phone while playing Wild Rift.

Gusto kong sakalin ang lalaking 'to dahil ang dami niyang alam. I was just asking him about Redler's social media account and then we ended up playing Wild Rift. Worse, he made a trade. Kapag nabuhat ko raw siya at tumaas ang rank niya, doon niya ibibigay sa akin ang kailangan ko.

E, ako na uto-uto, gagawin lahat para makuha 'yon. Nangangati na ang mga palad kong makipag-chat kay Red. Ako na ang mag-a-adjust. Ako na lang ang mag-first move.

"Gago, ang bigat-bigat mo. Parang 'di tropa, ah. Nakapakadamot!" sagot ko habang nagpipipindot sa phone.

Tinaas ko ang mga paa ko sa silya dahil nag-iinit na ang laban. Puro clash ang nagaganap. Nang matapos ang isang game, tuwang-tuwa ang ugok dahil nanalo kami. I'm currently at the dining, natuwa rin ako dahil nadagdagan na naman ang star ko. However, I almost dropped my phone when Nanang Milet pinched my foot that was on the chair.

"Aray ko po!" reklamo ko agad.

"Umayos ka ng upo sa silya, Davin. Kanina ka pa mura nang mura r'yan. Kapag naabutan ka ng Dad mo, ha?" sermon niya kaya napakamot ako sa ulo.

I fixed my posture as I sat properly, waiting for Renz's reward for me. Aba, may usapan kami. Kailangan niya nang ibigay ang kailangan ko ASAP.

Napangisi ako nang mag-chat na siya sa 'kin at binigay ang link ng kailangan ko. I thanked him to the fullest and then opened the link. Mas lalong lumapad ang ngiti ko at na-excite nang lumabas ang profile ni Redler sa Twitter.

Nagtaka ako dahil ito ba talaga 'yon? Parang hindi naman! May lock pa sa pangalan kaya obvious naman na private account 'to.

rf 🔒
@aredgate

i enjoy quiet spaces

6 Following - 13 Followers

Sige po, ready na akong yanigin ang buhay mo.

Gusto kong tampalin ang ang sarili ko dahil sa naisip kong 'yon. Weirdo, Davin. Weirdo.

Bahala na, I followed her immediately, hoping she would follow me back. Pero sa tingin ko, imposible 'yon mangyari.

Nakaisip ako ng puwede kong i-chat. Ako talaga ang magpi-first move. I bit the insides of my cheek when I delivered the message. Natauhan lang ako nang maglapag ng meryenda si Nanang Milet sa mesa kaya nag-angat ako ng tingin sa kanya habang nakangiti.

"Anong nginingiti-ngiti mo r'yan?"

"Nanang, may crush na ako. First time 'to. Gusto ko na siya agad," I said with confidence.

Ngumiwi naman siya at umiling. "Aba, first time nga, ah? Halata sa mukha mo."

Tumango ako. "Opo, first time." Ngumiti ako lalo. "Surely going to be my last."

Nang gabing 'yon, hirap na hirap akong makatulog dahil naghihintay ako sa reply ni Redler. Pero mukhang mas malabo pa sa tubig baha ang chance ko kaya tinulog ko na lang ang sama ng loob ko.

The next day, I woke up in an unexpectedly good mood. Kahit minsan na nauumay na ako sa pagpasok sa school, ngayon ay maganda talaga ang mood kong mag-aral. My friends invited me to go with them at the coffee shop near our school. Sakto masyado pang maaga para pumasok kaya do'n muna kami.

"Brad, ang baduy ng profile mo. Nagmukha kang alagad ni Jabili," asar sa akin ni Jester nang makahanap kami ng upuan.

He's talking about my timeline and profile picture. Puro red aesthetic na picture 'yon at ako mismo ang nag-drawing sa iPad ko. And about my timeline, mga red aesthetic artwork naman ang mga nire-retweet ko. Reason? Wala lang, kasi like ko na ngayon ang red. Lalo na siguro kung si Red.

Pursuing from the Shore (Sun Rays Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon