CHAPTER 2

2.8K 52 20
                                    

Chapter 2

Number 1 fan?!

Halos hindi ako makatulog buong gabi kung anong ibig sabihin ng Davin na 'yon. He's making fun of me, is he?

I should be taking a nap right now but I just couldn't do so because that Davin guy's repeatedly appearing inside my head. Kahit sa pagpikit ng mga mata ko ay hindi niya ako matantanan.

"Ang aga-aga, lukot 'yang noo mo," puna sa akin ni Edo. Nandito na naman kami sa cafe kahit umagang-umaga pa lang. At dahil sa sinabi niyang 'yon, napaayos ako ng ekspresyon. What's happening to me, exactly?

"Edo, anong sasalihan mong club mamaya?" I asked, changing the topic.

"Sa Dance Club, of course." Kinindatan niya ako kaya ako tumango. "Ikaw ba? P'wede ka sa banda! Tumutugtog ka naman, e, kaya go na!"

I quickly looked away because, until now, I haven't decided yet whether I should join a club at school. Sa totoo lang, ayaw ko rin talaga dahil una sa lahat, wala akong ka-close at nahihiya akong makihalubilo sa iba.

Nakaka-drain kaya, lalo na at hindi naman talaga ako sanay sa mga gano'ng bagay.

Additionally, kung matanggap man ako sa banda, for sure mag-pe-perform kami sa harap ng maraming tao, which is I wasn't so fond of. Hindi ako sanay sa mga gano'n.

At isa pa... natatakot pa rin ako.

There's no way I will never, ever forget the humiliation I encountered during my junior highschool days when I was still an active performer.

I used to join band and music club during those days pero dahil sa nag iisang tao na akala ko ay suportado niya ako sa lahat... pinahiya niya ako.

"Titignan ko muna." I took a sip on my coffee.

Some of our subject teachers did not attend our class anymore since most of them were busy organizing the school.

Nakaupo lang ako sa seat ko at nagpo-phone. Usually talaga kapag gan'tong walang teacher at walang ginagawa ay natutulog ako. Pero bakit hindi man lang ako dalawan ng antok?

"Red, may naghahanap sa 'yo!"

I straightened my back as I gave my classmate a puzzled look.

Sino naman ang taong naghahanap sa 'kin?

Ni wala nga akong ka-close dito sa school, tanging si Edo lang talaga. I stood up from my seat as I walked towards the door. Soon as I went outside, mas lalong nangunot ang noo ko sa taong nag-aabang sa akin.

"Rio?"

Namula yata ako bigla dahil sa lalaking 'to. He's Orion, Rio for short. I once had a crush on him during our junior highschool days, siguro noong Grade 7 'yon. I even confessed my feelings for him that time but he only ended up rejecting me because he only sees me as a friend.

Iniisip ko pa lang tuloy 'yon ay naki-cringe na ako. I couldn't believe that I actually did that before.

"Hi, Red, did I disturb you? Sorry, I just have something important to ask you kasi," he greeted, scratching his nape.

"Ano 'yon?"

Kahit pala sobrang tagal ko na siyang na-uncrush, ganito pa rin ang epekto niya sa 'kin.

Ang gwapo pa rin kasi niya. He looks so neat and clean, sakto lang din ang bango niya. Isa 'yon sa nagustuhan ko sa kanya dati dahil sobrang linis niya talagang tignan.

"Are you going to join a band?"

"Uhm... I don't know. Pinag-iisipan ko pa," honest kong sagot.

He carefully nodded. "Is that so? Gusto sana kitang yayain na sumali sa bubuuin namin na banda."

Pursuing from the Shore (Sun Rays Series #2) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon