Falling
It's late and they are in a restaurant in Italy resto, Persephone is amazed by what she sees now, she doesn't know how she should feel because Hugo invited her for dinner. And Persephone wants to try the delicious food.
Nang makarating sila sa restaurant, agad silang tinanggap ng mabait na waiter na nagbigay sa kanila ng menu
Kinuha ni Hugo ang menu, looking at the menu. "Hmm, ano ba ang gusto mo Manager Madison?" Napaayos ng upo si Persephone dahil sa biglang tanong nito.
Napa ngiwi naman siya ng tinawag siya na Manager Madison ni Hugo. E wala naman sila trabaho. "Persephone nalang po."
"Oh? Sorry sorry Persephone." Tumawa ito ng bahagya.
"Buonasera! What would you like for your dinner?"ani ng waiter.
"Ah ano, medyo nalilito ako. Ano ba ang specialty niyo dito sa restaurant na ito?" Tanong niya sa waiter. Kung ako lang, kakainin ko lahat tong ioorder ko e.
"Ang aming specialty dito ay ang kanilang pasta dishes. Marahil gusto niyo subukan ang aming Spaghetti Carbonara o kaya naman ang Lasagna."
"Ah, mukhang masarap nga ang pasta niyo. Paano naman yung mga pizza? Anong flavors meron kayo?" Tanong niya, lahat naman kasi masasarap.
"Sa pizza naman po, mayroon kaming Margherita Pizza na simple pero masarap, Pepperoni Pizza para sa mga mahilig sa maanghang, at Vegetarian Pizza para sa mga hindi kumakain ng karne." Magalang na saad ng waiter.
Si Hugo naman ang tumingin sa menu. "I would like an appetizer first before the main course."
"Para sa appetizer, maganda pong simulan ang inyong kainan with Bruschetta o kaya Caprese Salad." Ngiti na sabi ng waiter. Pero kanina ang ngiti nito kay Persephone ay parang naka ngiwi. Sa lalaki ay todo ang ngiti na labas ang ngipin.
Napairap nalang ito.
Hindi nakatingin si Hugo sa waiter. Kundi kay Persephone. "Siguro mag-oorder ako ng Spaghetti Carbonara and Mango Tea." Ani ni Persephone.
Persephone finally made her decision and ordered Spaghetti Carbonara, hindi kasi ito mapakali sa tingin ni Hugo.
"Margherita Pizza, at Bruschetta for me."
"Bakit ayon pala yong inorder? Ayaw mo ba mag kanin?" Mahina na tanong ni Persephone dito.
Ngumisi siya. "Hindi ako nagkakanin sa gabi, sometimes." Tipid na sagot ni Hugo.
Humugot muna si Persephone ng malalim bago mag salita."Bakit nga pala niyaya mo ko dito?" Nahihiya na sambit niya. Bakit nga ba siya niyaya e hindi naman siya close dito.
"I just want to be friends with you." Naka ngiti na sabi ni Hugo.
Gusto niya ko maging kaibigan?
Ngumisi si Hugo, "Yes, I want us to be closer to each other. I know we don't know each other very well, but I feel that we have the potential to be friends.."
"Ay friend lang?" Bulong na sabi niya. Napatingin si Hugo sa kanya at matang nagtatanong kung may sinasabi ba si Persephone. Umiling nalang siya at ngumiti.
Napa-isip si Persephone habang hinihintay nila ang kanilang mga order.
May kakaibang pakiramdam siyang nararamdaman, isang kombinasyon ng kaba at excitement. Siguro nga'y ito na ang simula ng isang magandang pagkakaibigan.
YOU ARE READING
When Fiction Becomes Reality
RomancePersephone loves to read books, because she reads them and she can't help but create in her mind imaginations. As much as she admires Vicc in the book, she likes his character as a loving man. It seems that these are her standards in men, so she d...