Chapter 4

38 21 1
                                    

Amnesia

Pinatawag siya ng nakakatandang kapatid ni Hades. Na nasa office niya. At ngayon ay tahimik lang sila sa office dahil walang balak na magsalita. Nagpapatigasan sila ng mga tingin na gamit ang talim sa kanilang mga mata.

Naputol ang tinginan ng umubo si Hugo.

"Tss. Bakit ka late kanina? Hindi mo ba alam kung gaano kahalaga ang oras sa trabaho?" Sindak na sabi ni Hugo.

Ay may amnesia lang?

"May amnesia kaba ha. Kaya ako nalate dahil sayo. Tinaponan mo ko kape sir." Sarcastic na sabi ni Persephone. Sino bang hindi malalate dahil nadumihan ang suot nito.

"Hindi pwedeng palaging may dahilan! Hindi ko sinasadya yon. Manager Madison. Dapat disiplinado ka sa trabaho. Dahil dito, magtatrabaho ka ng overtime ngayon para matuto kang maging responsable!"

Hala no! May lakad ako.

"Pero sir.." Hindi natuloy ni Persephone ang kanyang sasabihin dahil sumingit si Hugo.

"No more but's! You need to learn your lesson. Hindi pwedeng palaging pababayaan ang trabaho!" Seryosong sabi nito na parang siya ang hari ng hotel. Punyeta talaga.

"Fine. Gagawin ko po." Matalim na sagot ni Persephone.

"Responsibilidad mo ang maging maayos at maaga sa trabaho." Pagtatapos ng usapan nila. Tumayo eto at pumunta sa desk ng CEO.

Grabe. Salbahe naman pala ng panganay na anak nina Mr. Carter Langston and Mrs. Hope Langston. Buti pa si sir Hades mabait.

Pumunta siya sa office table niya at pabagsak na umupo. "Lord naman e. Bakit ganito ang araw ko ngayon, kanina masaya naman ako dahil narinig ko ang boses ng mama ko. Tapos may sisingit na asungot. Argh!" Inis na sambit ni Persephone sa sarili.

Sino nga ba ang hindi maiinis. Kung ikaw rin ay bibigyan ng mga maraming papeles. At worst ngayon ang deadline.

"Ano ba yan uh! Hindi ko pa masyado narinig ang mga bagong paparating na project dito sa hotel." Padabog niyang pinalo ang table niya sa inis.

Nakayuko siya ng dumating si Hugo.

"Here are the papers you need to sign and complete today." Hugo ordered here.

"Grabe ang unti nito. Mukhang marami pong trabaho ito." May ngiti sa muka ni Persephone na napipilitan.

"What? I didn't hear the last thing you said. Manager Madison. Importante ang mga dokumentong ito para sa project natin. Kailangan nating siguraduhin na maayos at maayos ang lahat bago tayo makapagpatuloy." Seryoso na sabi ni Hugo. Walang biro dahil ito ang pansamantala na trabaho na binigay ni Hades.

"Naiintindihan ko naman PO, Sir. Subalit medyo marami nga pong detalye rito. May deadline po ba ito?" Madiin na sambit nito sa PO. Nawawalan siya ng respeto talaga. Binigyan ba naman ng mga mabibigat na papeles.

"Meron nga, Manager Madison. Kinakailangan nating tapusin ito bago maghapon para maipasa sa board meeting mamaya." May asar ng sabi ni Hugo. Mukang papahirapan siya nito.

"Pwede bang ahm.. Hati kami ng secretary ko." Anlinlangan ng tanong ni Persephone. Sobrang daming papeles nito.

"No. May utang ka sa akin. Kaya bilang bayad. Ayan nalang kesa naman pera e, mukang wala ka nun." Sabi ni Hugo na may pang iinsulto.

Gagung to ha.

"Mawalang galang na sir. Pero wala akong utang sayo. Kasalanan mo kaya yon hindi ka nakatingin sa daan. At wala kang karapatan na insultihin ako sir. Dahil kahit wala akong ganong kalaking pera. Nagtatrabaho naman ako ng marangal." Matapang na sagot niya. Buti nalang at hindi siya naiyak. Dahil kahit kunting sabi lang sa kanya na nakakasakit sa kanya na naiiyak na siya.

When Fiction Becomes RealityWhere stories live. Discover now