Boyfriend
Madaling araw na at hindi pa makatulog si Persephone. Paulit-ulit niyang iniisip ang nangyari sa Tinago Island, lalo na ang kanilang unang halik ni Hugo.
The scene was like a movie, the quiet night, the dim light of the moon, and the seemingly endless sea serving as the backdrop for their moment.
That was her first kiss, and Hugo was the first man to kiss her.
Hindi niya akalaing mangyayari iyon nang ganoon kabilis at ganoong ka-romantiko.
Habang nakahiga sa kama, tinakpan niya ang mukha niya at tumili sa unan. Hindi niya mapigilan ang kilig na nararamdaman.
"Ugh! Bakit ba ako ganito?" Tanong ni Persephone sa sarili niya.
"Ang weird ko na yata." Pero kahit na anong gawin niya, hindi niya maibsan ang saya at kaba na dulot ng alaala ng kanilang halik. Parang may mga paru-paro sa tiyan niya na hindi mapakali.
Hindi na siya mapakali sa kama magulo na nga dahil sa likot niya. Pabalik-balik siyang nag-iisip kung ano kaya ang iniisip ni Hugo ngayon.
"Kinikilig rin kaya siya?"
"Baka naman hindi?"
"Hindi rin kaya siya makatulog?"
Padabog na humiga siya at tumingin sa kisame, nakangiti na naman siya na parang nasa ulap.
Kinumpas niya at dalawang kamay niya sa hangin. "Ano ba! Ugh!" Sigaw niya na may kilig ewan ba bakit tila hindi siya makatulog.
"O, baka naman iniisip niya ko kaya hindi ako makatulog?" Kunot noo niya habang nakahawak sa nguso. Maya maya tumawa siya. "Shemay. Delulu lang?" Tumawa ito ng malakas dahil sa ginagawa niya.
Humiga siya at pumikit na.
Dumilat siya at bumangon ulit, dumapo ang paningin niya sa bookshelves niya at nakita niya ang pinaka favorite niyang libro.
She took it and sat on the bed, like reading it with excitement as if it was the first time she had ever seen it.
As she flipped through each page, memories of nights when his imagination traveled alongside the words came rushing back.
After a few hours, she noticed that she was smiling and her heart seemed to be shouting with joy.
Naaalala niya ang mga pagkakataon na nangangarap lang siya na sana may katulad ni Vicc, ang green flag na ideal man niya sa libro, na baka may dumating sa buhay niya.
Sa una, hindi niya akalain na ang tutupad ng kanyang pangarap ay si Hugo, ang kanyang boyfriend ngayon.
"Ugh! Sarap sabihin na boyfriend ko na si Hugo." Dinuduyan niya ang sarili habang nakangiti.
Pinagdudahan niya noon kung paano posible na ang isang karakter sa libro, isang produkto ng imahinasyon, ay magkakaroon ng katotohanan sa kanyang buhay.
Ang mga katangian ni Vicc ay tila napakahusay upang maging totoo, at sa mata ni Persephone, si Vicc ay isang epitome ng perpektong lalaki. Hindi niya maintindihan kung paano nagkataon na ang isang tulad ni Hugo, na may parehong mga katangian ni Vicc, ay dumating sa kanya.
Tumili siya at sinabing. "Grabe! Hindi ko talaga akalain na mangyayari to, nangangarap lang ako na baka may katulad pa ni Vicc. Ngayon Mmm!" Walang katapusan na tili lumalabas sa kanyang bibig.
Pakiramdam niya ay nasa ulap siya at hindi pa rin makapaniwala sa kanyang suwerte.
Si Hugo, na kanyang tinitingala't minamahal, ay parang buhay na bersyon ni Vicc na dati ay isang pangarap lang.
YOU ARE READING
When Fiction Becomes Reality
RomancePersephone loves to read books, because she reads them and she can't help but create in her mind imaginations. As much as she admires Vicc in the book, she likes his character as a loving man. It seems that these are her standards in men, so she d...