The Langston
Busy siya sa pagtatype sa computer ng dumating ang CEO ng hotel kaya't napatayo siya mula sa kanyang upuan ng makita niya ito. Napakalaki ng respeto niya sa CEO kaya't agad siyang nagpakita ng galang.
"Good morning Mr. Langston." Nakangiti na may paggalang na sabi ni Persephone.
Ngumiti ang CEO habang nakalapit na sa kanya, "Good morning. how is my hotel? I just got in today, I just had a problem with my other business."
"Wala naman pong problema dito po sa hotel niyo Mr. Langston, at maayos ko naman po natuturuan ang mga bagohan sa hotel po." tugon niya nang may galang.
Tumango ang CEO at sinabing, "Thank you very much for your dedication and hard work Miss Madison, hindi ako nagkamaling kunin ka bilang manager."
"And Gusto ko sanang pag-usapan ang mga plano natin para sa pagpapalakas ng ating hotel sa mga susunod na buwan. Ano ang mga idea mo?" Biglang tanong ni Mr Langston about sa kanyang hotel.
"Sa tingin ko po, maganda siguro kung magkaroon tayo ng mga special promotions para sa mga upcoming holidays tulad ng Pasko at Bagong Taon. Maaari rin tayong magbigay ng discounts para sa mga long-stay guests." Pagbibida ni Persephone dito.
"Maganda ang iyong mga suggestions Miss Madison. Kailangan nating siguraduhin na maipromote ito nang maayos sa pamamagitan ng social media at iba pang online platforms."
"Naisip ko po na makipag-coordinate sa marketing team natin upang mag-create ng mga eye-catching ads at campaigns online. Maaari rin tayong mag-send ng email blasts sa aming existing clients para ipaalam ang aming mga promosyon." Ang laki na ngiti ni Persephone na sinasabi ang mga ito sa CEO.
"Hmm, tama rin yan. Mahalaga rin na masiguro natin na maayos ang customer service natin upang mapanatili natin ang kanilang loyalty. Ano meron ka pa bang naisip?" Sambit ni Mr. Langston na tumatango.
"Para mas mapalakas pa ang ating hotel, maaari rin tayong mag-partner sa iba't ibang travel agencies upang mas mapalawak pa ang ating reach at mabigyan ng incentives ang kanilang agents kapag sila ay nakapagdala ng bookings sa atin Mr. Langston." Mahabang sabi ni Persephone.
"Napakahusay mo talaga Miss Madison! Ito ay talagang makakatulong upang mapaunlad pa natin ang hotel natin. Salamat sa iyong dedikasyon at sipag sa trabaho." Nakangiti na sabi ni Mr. Langston.
Grabe! Pagbubutihin ko pa para sa sweldo, Joke!
"Ay nako po Mr. Langston! Asahan niyo pong gagawin ko ang lahat upang matulungan kayo sa pagpapalago ng hotel natin."
Napuno ng ligaya at inspirasyon ang puso niya sa mga papuri mula sa CEO. Sa sandaling iyon, mas lalo pa niyang pinagtibay ang kanyang determinasyon na magtrabaho nang maayos at maipakita ang kanyang husay mula sa kanyang trabaho.
"Alright I have to go because I have something important to go to. I know you will still be good at yourjob here Miss Madison.." Pagpapaalam ni Mr. Langston dito.
"Naiintindihan ko po, Mr Langston. Maraming salamat po ulit sa pagtitiwala at oportunidad na ibinigay ninyo sa akin." Malaking ngiti ang binigay ni Persephone dito. Tinanguan lang siya ng CEO at umalis na.
Sa pagtatapos ng kanilang maikling pag-uusap, pinagpatuloy niya na ang kanyang mga gawain. Matapos lumisan ang CEO, bumalik siya sa kanyang upuan at muling nag-focus sa kanyang trabaho. Sa bawat titik na itina-type niya, dala-dala niya ang inspirasyon mula sa mga salitang binigkas ng pinuno ng kanilang kompanya.
Sobrang proud talaga ako kay Mr. Langston sa sobrang dami niyang negosyo nagagawa niya pa rin bumisita dito.
Isa rin na mayaman ang pamilyang Langston dito sa Lanao del Norte. At kaya rin na malaki ang paggalang ni Persephone dahil tinanggap siya ng CEO sa hotel at nagtiwala. Ang full name ni Mr. Langston ay Hades Calvin Langston, pogi ng pangalan shitty! Pangalawa siya sa magkakapatid, apat silang magkakapatid, tatlong lalaki at isang babae.
Pero ayon sa social media wala pang girlfriend si sir Hades.
At ang kasunod ni Hades ay kilala niya except lang sa panganay at bunso. Ang bunsong babae kasi ay pagkakaalam niya ay nasa apat na taon palang.
Hanga talaga siya rito dahil sa murang edad minulat na sila sa business nang kanilang parents.
Sa araw ngayon, hindi lang siya nagtagumpay sa pag-aasikaso ng kanilang hotel, bagkus ay naging inspirasyon din siya para patuloy na magbigay serbisyo nang buong puso at dedikasyon.
Gumabi na at tapos na ang work niya, at may balak siya na kumain sa isang restawran malapit sa hotel. Napakagandang pakiramdam na makakain siya sa labas at matikman ang iba't ibang luto.
Mula sa pagpasok sa restawran, kumalabit sa napakabango na amoy ng makulay na pagkain na nakahain sa pamilihang menu, na nagpapahiwatig na masasarap ang mga pagkain dito. Hindi naman kamahalaan ang mga presyo pero mukang mga masasarap.
Nasa sa isip ni Persephone ang paborito niyang ulam baboy na ginisa, at partner na puting kanin. Kabilang sa menu ng restawran ang gulay, which is a refreshing mix of vegetables that she love, and the sinful but heavenly desserts that she could never resist. ano raw hahaha! gutom lang ito.
Nilapag na ng waiter ang kanyang inorder na ginisang baboy na may sayote at dalawang rice. At pineapple juice. Wow my favorite ksks, sarap nito kainan na!
Habang ninanamnam ang kanyang paboritong mga pagkain, napansin niya na may kulang.
"Hmmm may load kaya ako? makanood nga ng dramahabang kumakain." Sabi niya.
"Last bite!" Ani niya na huling subo niya sa pagkain.
Thank you po Lord!
Nakipag-usap na siya sa waiter kung pwede na mag-bill, at nagbayad sa kanyang kinain. Siya ay umupo muna saglit para kapag maglakad siya hindi sumakit ang kanyang tummy.
Lumabas na siya sa restawrant at nagsimula na maglakad sa station ng jeep. Saglit lang siya naghintay ng masasakyan at nakasakay na siya.
Ang pagtapos ng gabi ay nagbibigay ng ngiti sa kaniyang mukha, na nagpapahiwatig na matagumpay ngayong araw. At nakakain pa siya ng paborito niyang pagkain! Minsan lang kasi siya kumain ng gusto niya talaga kasi may pinagiiponan pa siya para sa nanay niya.
Matutulog na siya para bukas ay trabaho ulit. Habang siya ay nakapikit naalala niya ang kanyang ina nasa Lanao de Sur. Pumunta siya sa Lanao del Norte dahil nabalitaan niya na may malaking hotel na nakatayo at naghahanap ng nga tauhan.
"Mama, kumain na po tayo? Gutom na ako." Sabi niya sa maliit na boses habang nakahawak sa tiyan.
"Opo, anak. Anong gusto mong kainin ngayon?" Ngiti ng Mama nito.
"Gusto ko po ng ginisang baboy at kanin, Mama!" Bibong sabi ng batang Persephone.
"Sige, magluluto ako ng ginisang baboy para sa iyo. Maghanda ka na sa hapunan." Masayang ani ng mama ni Persephone.
"Salamat po, Mama! Mahal kita." Niyakap niya ang mama niya na gamit ang maliit na braso.
Sabay yakap rin ng ina. "Mahal din kita, anak. Kain tayo nang mabusog."
I miss you. Mama ingat ka palagi.
YOU ARE READING
When Fiction Becomes Reality
Storie d'amorePersephone loves to read books, because she reads them and she can't help but create in her mind imaginations. As much as she admires Vicc in the book, she likes his character as a loving man. It seems that these are her standards in men, so she d...