Chapter 22

26 14 3
                                    

Kidnap

Isang maaliwalas na hapon matapos ang kanilang shift sa hotel, nagdesisyon ang magkakaibigang na magtungo sa isang pizza restaurant upang mag meryenda.

Pagpasok pa lamang nila sa pinto ay ramdam na ang kasiyahan sa kanilang grupo. Agad naman nagkulitan sila habang naghihintay ng kanilang order.

"Pare, siguradong mauubos mo ba ang isang buong pizza?" Tanong ni Ethan kay Kurt habang nagpipigil ng tawa. "Baka naman kailangan mo pa ng tulong ni Moira!"

"Huwag kang mag-alala, Ethan. Kayang-kaya namin ito ni Moira." Saad ni Kurt na may halong yabang, sabay yakap kay Moira na nakangiti lamang at sumasabay sa biruan. "Baka nga ikaw pa ang sumuko eh!"

Nang dumating na ang kanilang order, mas lalong naging masaya ang lamesa. Sabay-sabay nilang tinikman ang masarap na pizza at walang patid ang kanilang kulitan.

"Uy pare, parang ang dami mo yatang nilagay na hot sauce sa pizza mo. Kaya mo ba yan?" Pansin ni Ethan sa pizza ni Kurt.

"Siyempre naman. Alam mo namang mahilig ako sa maanghang. Ikaw nga diyan, lagyan mo kaya ng konti para mas masarap!" Suggest nito habang hawak ang sauce.

"Nako, Ethan, wag mo na subukan. Baka mamaya magkasakit ka pa. Alam kong di ka sanay sa maanghang." Singit ni Mia.

"Nah, kaya ko rin yan. Laban lang, diba?" Yabang na sambit niya.

"O sige, eto na. Lagyan natin ng hot sauce yung pizza mo. Tignan natin kung hanggang saan ka." Sabi ni Kurt at nilagyan ang pizza.

"Aba, sige nga Ethan. Para makita namin kung gaano ka katapang." Sabat ni Moira.

Tumatawa naman si Ethan."O ayan na, lagyan mo na. Pero siguraduhin mong di ako mapapahiya ah."

Habang nagkukulitan sila Ethan, Kurt at Moira, hindi nila napapansin na si Persephone ay abala sa pagkain ng pizza.

"Ang sarap talaga ng pizza dito." Puno ng pizza ang bibig niya at bilis ngumuya.

"Grabe bes, parang ikaw lang yata ang nakakaubos ng pizza dito. Tignan mo, halos lahat ng pizza, bawas na." Tawang tawa na sabi ni Mia.

"Ay, sorry, di ko napansin. Ang sarap kasi eh! nagccrave ako. Pero may natira pa naman kahit papaano, diba?" Ani niya at tinuro ang pizza na puro bawas.

Pag baling ni Ethan napansin na puro bawas na ang pizza. "Hala, puro bawas na pala pizza. Persephone, ikaw yata ang dahilan nito!" Sabi ni Ethan na nanduduro.

"Grabe ka Persephone, Gutom pa ako."

Humahalakhak naman si Moira. "Nako, Persephone, mukhang kailangan natin mag-order ulit. Pero okay lang yan, kasi ang saya naman ng bonding natin."

"Sorry talaga, guys! Di ko sinasadya. Order na lang ulit tayo, treat ni Ethan." Wika niya na kina simangot ni Ethan.

"Hay nako, order na tayo ulit para tuloy-tuloy ang kulitan." Tuloy na tawa pa rin ni Mia.

At nagpatuloy ang kanilang masayang kulitan at tawanan habang naghihintay sa bagong order ng pizza. 

"Ang sarap talaga ng pizza dito, Dapat talagang balik-balikan." Ani niya habang ngumunguya.

Tumango tango naman si Moira. "Sabi ko sa'yo eh! Sulit na sulit talaga."

"Sarap no? Ey ka muna eyy." Masiglang aya ni Ethan.

"Eyy!"

"Eyyyyyyyy!" Mahabang ey ni Moira kaya lahat kami napatingin sa kanya. At napatawa.

Loka loka talaga.

Biglang nag-ring ang cellphone ni Persephone, saglit na tumigil siya sa pagkagat.

"Ay, wait lang, may tumatawag." At kinuha ang cellphone at tumingin sa screen

My beloved calling

"Si Hugo pala." Sinagot agad ang tawag. "Hello, love?"

"Gorgeous, napatawag lang ako. Nakita ko kasi sa social media na nasa labas ka. Sino-sino kasama mo?" May paos sa boses nito.

Bago magsalita nanguya muna ng pizza. "Sila Mia lang naman. Kumakain kami ng pizza. Bakit?"

"Wala lang, nag-aalala lang ako. Alam mo naman, gusto ko lang siguraduhin na safe ka. Baka may mangyari kasi sa'yo, lalo na't magga- gabi na." May lambing sa tono pero seryoso kaya napangiti siya.

"Naku, love, huwag kang mag-alala. Safe naman kami dito. Hindi naman kami magtatagal masyado. Ikaw talaga, laging nag-aalala."

"Syempre, mahal kita. Ayokong may mangyari sa'yo. Mag-ingat ka pag-uwi, ha? Text mo ako kapag paalis na kayo para masigurado kong okay ka."

"Opo, love. Ikaw din, mag-ingat ka rin d'yan. Huwag masyadong mag-stress sa trabaho, ha?" Bilin niya gamit ang lambing na tono.

"Enjoy ka lang Gorgeous. Text mo ako mamaya, ha?" Paniniguro nito sa nobya.

"Sure, love. Love you!" Masiglang ani niya.

"Love you too."

Ibinaba na niya ang cellphone at binalik ang atensyon sa pizza.

"Hay naku, si Hugo talaga, laging nag-aalala. Pero sweet pa din?" Sabi ni Moira na tila naiinggit.

"At least alam kong mahalaga ako sa kanya. Sige na, kain na ulit tayo ng pizza para makauwi na." Sabi niya sabay palakpak.

Pagkatapos nilang mag-enjoy ng kanilang pizza sa isang kilalang restaurant, lumabas sina Persephone na masaya at busog.

Ngunit ang saya nila ay biglang naputol nang may humintong isang itim na van sa kanilang harapan.

Mabilis na bumaba ang ilang lalaki na naka-itim na damit at biglang hinila si Persephone papasok ng van.

"Ano ba tangina, sino kayo?!" Kinakabahan na tanong ni Persephone habang pwersa siyang pinapapasok.

"Manahimik ka!" Sigaw ng lalaki na tumalsik pa ang laway sa muka niya.

"Kadiri kingina, bitawan mo ko." Sigaw nito hindi naman siya palamura pero hindi niya maiwasan. Sorry lord.

Hindi nagdalawang-isip sina Kurt at Ethan at agad na lumaban sa mga lalaki. 

Palibhasa'y handa sa anumang laban, nagawang makapagbigay ng ilang suntok at sipa si Kurt, habang si Ethan ay nakipagbuno sa isa pang lalaki.

Ngunit sa gitna ng kanilang pakikipaglaban, biglang lumabas ang isang lalaki mula sa van na may hawak na baril. Agad niyang tinutukan sina Kurt at Ethan, dahilan upang sila'y mapatigil.

Biglang nagulat at puno ng kaba na sumigaw siya."Bitawan mo yan gung gung ka!"

"Hindi ka ba tatahimik ah!"

"Baho ng hininga mo, bitawan mo ko." Palag ni Persephone.

Sa gitna ng tensyon, niyakap ni Ethan si Mia upang protektahan siya, habang si Kurt naman ay niyakap si Moira upang masigurong ligtas ito.

Ang lalaki na may hawak na baril ay nagsalita ng madiin. "Subukan niyo pang lumaban."

Walang magawa ang dalawa kundi sumunod. Kasabay ng malakas na pwersa, isinakay si Persephone sa van at mabilis itong umandar, naiwan sina Kurt, Ethan, Mia, at Moira na takot at alalang-alala para sa kanilang kaibigan.

Tinawagan agad nila si Hugo at sinabi ang nangyari sa nobya niya.









--

Hello, borns! Keep safe po sa mga family niyo po! 😔

When Fiction Becomes RealityWhere stories live. Discover now