Die
Biglang nataranta si Miyuki dahil hawak siya ni Persephone. "Wag kayo magpapaputok, matatamaan ako." Utos nito na halong takot at kaba ang nararamdaman.
"Akala ko ba matapang ka Miyuki, pati ang tito Oscar mo wala ng magawa." Ngising sabi ni Persephone habang madiin ang pagkakahawak kay Miyuki.
Ramdam ni Miyuki ang malamig at matalim na tingin ni Persephone mula sa likod niya.
Ilang tauhan ang tinamaan ni Persephone habang hawak si Miyuki, na sumisigaw at pilit na nagpapakawala. Ang tensyon sa paligid ay lumalakas, at bawat isa ay tila nag-aabang ng tamang pagkakataon upang kumilos.
Sa gitna ng kaguluhan, hindi inaasahan na tinamaan si Persephone mula sa likod. Punyemas!
Isang malakas na sigaw ng sakit ang bumalot sa lugar, at ang kanyang pagkakahawak kay Miyuki ay unti-unting lumuwag.
Sa pagkakataong iyon, mabilis na kumilos si Miyuki, sinamantala ang pagkaluwag sa hawak ni Persephone, sa pagkakataong iyon, mabilis na kumilos si Miyuki, sinamantala ang kahinaan niya at tumabi sa tito niya.
Napahiga siya sa sakit, mahigpit niyang hinawakan ang isang maliit na pendant na bigay ni Hugo.
"Kaya ko to." Bulong niya sa sarili. She took deep breaths, trying to calm her racing heart and think of a plan.
Lalapit sana si Oscar kay Persephone na nakahandusay sa lupa, ngunit bago pa siya makalapit, may narinig silang tunog ng paparating na pulis.
Biglang nagkaroon ng tensyon sa paligid, at ang mga taong nagmamasid ay napatigil sa kanilang mga ginagawa. Habang papalapit ang tunog ng sirena, biglang nagsilabasan mula sa madilim na sulok ang mga taong nakaitim.
Agad nilang dinaluhan si Persephone na noon ay may tama ng baril at puno ng sugat ang katawan.
Ang sitwasyon ay tila naging mas matindi at masalimuot.
"Potangina, may mga pulis." Sigaw ni Oscar sabay takbo ngunit may mga humarang sa tatakbuhan niya na mga nakaitim, pati si Miyuki ay kinakabahan at takot.
"Tito Oscar, paano na to?" Umiiyak na saad ni Miyuki.
"Bobo, ang sabi ko sayo mag ingat ka kapag pupunta ka dito, inutil." Sinampal niya ang pamangkin at sinisisi ito.
Umiiyak na napaluhod si Miyuki at natakot lalo na dumating na ang mga pulis.
Ang mga taong nakaitim ay tila eksperto sa ganitong uri ng sitwasyon.
Mabilis nilang sinuri ang mga sugat ni Persephone, ang lahat ng ito ay naganap habang ang tunog ng sirena ng mga pulis ay ay maingay.
Habang abala ang mga taong nakaitim sa tinitignan si Persephone at may isang malaking katawan na yumakap sa kanya, hindi niya ito maaninag.
Lumabas sa abandonadong school ang mga pulis at mabilis na naglatag ng perimeter upang tiyakin na walang makakatakas.
Sinakay na si Persephone sa ambulance, nawalan na siya ng malay dahil sa natamong mga sugat at tama ng baril.
Ang kanyang mukha ay maputla at halos hindi na gumagalaw, habang ang mga paramedic ay nagmamadaling gawin ang lahat ng kanilang makakaya upang siya ay masagip.
--
Habang seryosong nagbubuklat si Hugo ng mga impormasyon tungkol kay Persephone kung nahanap na ba, biglang tumunog ang kanyang cellphone.
SPO2 Ajax calling.
"May magandang balita ako para sa'yo." Bungad nito, kaya parang bumilis ang tibok ng puso niya.
YOU ARE READING
When Fiction Becomes Reality
Storie d'amorePersephone loves to read books, because she reads them and she can't help but create in her mind imaginations. As much as she admires Vicc in the book, she likes his character as a loving man. It seems that these are her standards in men, so she d...