Chapter 8

26 14 1
                                    

News

Sa oras ng trabaho sa hotel, abala ang lahat sa kani-kanilang mga tungkulin. Ang mga empleyado ay nag-aasikaso ng mga tao na nagccheck in, nag-aayos ng mga kwarto, at nagpapanatili ng kaayusan sa buong hotel.

Tila walang tigil ang kanilang paggalaw upang matiyak na maayos at maginhawa ang karanasan ng bawat tao sa hotel.

Sa kasagsagan ng kanilang abalang araw, isang tawag ang dumating mula kay Persephone, Sa kanyang tawag, ibinalita ni Hades na tapos na ang kanyang problema sa US at maaari na siyang makabalik sa hotel.

"Hello, Manager Madison. Kamusta?"

"Hi, Mr. Langston! I'm doing well, thank you. Kamusta po ang negosyo niyo sa US?" Magalang na tanong niya.

"Well, Manager Madison, hindi masyadong maganda ang balita. Nagka-problema ako sa negosyo ko dito."

May namuo sa kanyang pag aalala. "Naku, Mr. Langston. Ano po nangyari?"

"May mga isyu sa logistics at hindi natupad ang ilang importanteng deliveries. Tapos, nagkaroon pa ng problema sa ilang permits. Kaya napag-desisyunan ko na pumunta nalang dito at para personal na asikasuhin ito." Napa- tango naman si Persephone.

"Naiintindihan ko po, Mr. Langston. Kailan po kayo babalik?"

"Sa susunod na linggo, Manager Madison. Kailangan nating maghanda ng meeting with the entire team para ma-discuss ang mga susunod na meeting."

"Sige po, Mr. Langston. I-schedule ko na po agad ang meeting. Anong oras po kayo available?" Habang sinasabi ito sinusulat ko naman ito sa notes ko.

May narinig siyang ingay pero mga lenggwahe ay english. "Gawin na lang natin sa Wednesday ng umaga, around 9 AM. Gusto ko ring kausapin ang mga department heads para maayos natin ang lahat ng trabaho."

"Noted po. Gagawa po ako ng agenda para sa meeting at ipapadala ko sa inyo for review." Sabi niya.

"Thank you, Manger Madison."

"Welcome po! Nandito lang kami para suportahan kayo. Safe travels po and see you soon!" Masayang sambit niya.

"Thank you, Manager Madison. Kita-kits sa hotel." Pinatay na nito ang linya.

Ang balitang ito ay nagdulot ng kasiyahan at kaunting kaba sa mga empleyado dahil alam nilang mahalaga ang presensya ni Hades sa trabaho ng hotel.

Agad nilang inihanda ang mga kinakailangang ayusin upang maging maayos ang pagsalubong kay Hades.

Sa kabila ng kanilang abala, nagkaroon sila ng inspirasyon na magtrabaho nang mas mahusay dahil sa pagbabalik ng kanilang CEO. Everyone united in their work to maintain the high standards of service and quality in their hotel.

_

Lunch time na at si Persephone ay sasabay sa kanyang mga kaibigan para kumain sa labas.

May magbabantay naman ng hotel dahil tapos na ang breaktime ng ibang staff.

May mga nagsi- takbuhan sa table niya napa- kunot noo niya. "Oy oy oy! Anong plano mo para sa lunch break ngayon?" Kulit na tanong ni Ethan.

Napatawa siya ng bahayag para kasi siyang bata si Ethan.

"Gusto ko sana subukan yong bagong kainan na malapit dito. Sabi ng mga reviews, masarap daw ang pagkain doon." May ngusong sabi ko. Masarap siguro roon?

"Oo nga, maganda daw doon mare! Tara kain tayo?" Excited na saad ni Moira.

"Sige, game ako diyan! Excited na akong tikman ang specialty ng lugar na yon." Ngiting sagot niya.

When Fiction Becomes RealityWhere stories live. Discover now