Sa totoo lang, hindi naman masama mangarap sa mga fictional characters. Okay lang maging delulu o mainlove tayo sa mga fictional basta't alam mo na ito ay isang paraan ng pag-explore ng iyong imahinasyon at damdamin.
Ang mga kwento at karakter na ito ay nagbibigay inspirasyon at aliw, lalo na kapag ang tunay na buhay ay puno ng hamon.
Sa mundo ng fiction, may kalayaan tayong magpakatotoo sa ating mga pangarap at pagnanasa, diba?
Minsan, ang mga fictional characters ay nagiging simbolo ng ating mga ideal na katangian—mga tao na may kakayahang gumawa ng kabutihan, makipaglaban para sa kanilang mga prinsipyo, o kaya'y nagmamahalan sa kabila ng lahat.
Ang pagkakaroon ng ganitong uri ng koneksyon sa mga tauhan ay hindi lamang nakakapagbigay saya kundi nakatutulong din sa atin upang mas maunawaan ang ating sarili at ang ating mga emosyon.
Basta't huwag niyong kalimutan na ang realidad ay narito pa rin.
Mahalaga pa rin ang balanse, dapat nating pahalagahan ang tunay na relasyon at karanasan habang pinapahalagahan din ang ating pagmamahal sa fiction.
Kaya't hayaan mong mangarap, hayaan mong magdelulu ka, pero lagi mong tandaan ang tunay na buhay ay mas mahalaga.
YOU ARE READING
When Fiction Becomes Reality
RomancePersephone loves to read books, because she reads them and she can't help but create in her mind imaginations. As much as she admires Vicc in the book, she likes his character as a loving man. It seems that these are her standards in men, so she d...