Chapter 10

32 14 7
                                    

Feelings

They met at the bar owned by the Langstons. Dahil nga successful ang presentation ni Persephone at siya pa rin ang manager ng hotel dahil sa kanyang performance sa trabaho, kaya nag-celebrate sila.

Pero iba na ang kanilang mga suot—mas casual at relaxed na ngayon.

Maraming nag-congratulate sa kanya na nagtatrabaho sa hotel, nagpapakita ng suporta at appreciation sa kanyang effort.

"Persephone!! ang galing mo sa meeting kanina." May tili habang nagsasalita ito.

She is always smiling. "Thank you. It's so heartwarming that the CEO and the specialists, observers, and other department heads of Langston Hotel, as well as my team, are very happy with me." She said tearfully. She truly deserves this as a manager.

"Wag ka na umiyak ano kaba! At tayo ay magsasaya ngayong gabi." Masaya na saad ng malapit na kaibigan. Ngitian naman ito ni Persephone.

"Shot na 'yan! Cheers for more successful presentations in the future!" Sabi ni Ethan at tinaas ang basong may laman na alak.

"Cheers!"

"Grabe, ang dami mong napasaya at napabilib sa presentation mo kanina." Naka ngiting singit ni Moira.

"Sobrang saya ko rin at thankful sa lahat ng blessings. Hindi ko ito makakamit kung wala kayong suporta." Medyo naluha naman ito. Kaya nagtawanan ang mga kasamahan niya.

Sabay tayo ang makulit na tao na si Ethan. "Kaya naman deserve mo 'yan! More successes to come, Persephone!"

Sa bar, masaya ang atmosphere. May mga ilaw na nagkikislapan, at ang musika ay nagpapasigla sa lahat ng nandoon.

The employees of the hotel, along with other friends or acquaintances, gathered together to celebrate the success of their manager.

Hindi lang ito simpleng party, isa itong simbolo ng pagkakaisa at teamwork.

Ang gabi ay puno ng tawanan, kwentuhan, at masasarap na pagkain. Ang lahat ay nag-enjoy at nagkaroon ng pagkakataong mag-relax mula sa kanilang mga trabaho.

Sa bawat cheers at toast, nararamdaman ang appreciation at respeto para sa kanilang manager, na nagsilbing inspirasyon sa lahat.

Hugo arrived at the bar, and immediately saw Persephone sitting at a table near the counter. He approached her and smiled.

"Hi. Congratulations on your successful presentation, hindi talaga nagkamali ang kapatid ko para kunin ka." Sabi ni Hugo habang naupo sa katapat na upuan.

Nag-blush naman si Persephone sa compliment ni Hugo. "Thank you, Hugo! Sobrang challenging pero rewarding din. Ang dami kong natutunan." Sagot niya habang humigop ng inumin.

"Deserves mo yan. Walang papalit sayo bilang manager." dagdag ni Hugo. "Salamat sa lahat ng effort mo sabi pala ni Hades. Ngayong nandito ka, let's celebrate naman!" Tumawa si Persephone at tumango, handa na rin mag-relax pagkatapos ng lahat ng trabaho.

Medyo naparami na sila ng inom sa ngayong gabi.

Ang mga baso ay walang tigil sa pag-ikot, at ang tawanan ay walang humpay. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, si Hugo ay parang hindi natatamaan ng alak.

Samantalang si Persephone, na nasa tabi niya, ay medyo hilo na at tila lumulutang na sa ulap.

Biglang tumayo si Hugo, na ikinagulat ni Persephone.

Sa likod ng malalabo niyang mata, nakita niya ang matikas na tindig ni Hugo. Nagulat siya nang biglang ilahad ni Hugo ang kanyang kamay sa harap niya. Anong ginagawa niya?

When Fiction Becomes RealityWhere stories live. Discover now