Chapter 23

22 13 4
                                    

Trigger Warning : Content may include graphic references to topics such as violence against the protagonist, profanity, and kidnapping.

Brave

Pumipiglas si Persephone sa mga lalaking naka itim habang sinusubukan niyang makawala mula sa kanilang mahigpit na pagkakahawak.

"Bitawan niyo ako, ano ba." Her shout was full of anger.

Hindi siya katulad ng ibang babae na natataranta at umiiyak kapag nahaharap sa ganitong sitwasyon. Sa halip, ipinapakita niya ang kanyang tapang at lakas ng loob, akala mo may siyam siyang buhay at walang takot sa mga taong ito.

"Gago ka, pakawalan mo ko panget!" Sabay dura niya sa lalaking hawak siya.

Tungo sila sa abandonadong school na puno ng baho at dumi, parang hindi niya kaya ang nakikita at naamoy.

"Ambaho! parang kayo kasi ang sasama niyo." Sigaw niya habang tumatawa.

"Hoy babae, hindi ka mananahimik?" Ungot ng isang lalaki.

"Baho ng hininga mo wag ka na mag salita!" Bawi nito sabay belat.

"Aba't kapag hindi ka nanahimik tatamaan ka sakin." Sabay taas na para umaamba sa kanya.

Dinilat niya ang dalawang mata niya at. "Hoy ka rin baka tamaan ka kapag nakawala ako dito!"

Ngunit ang kanyang tapang ay hindi nagustuhan ng mga taong nakaitim sa kanya. Isa sa mga lalaki, na tila nawalan na ng pasensya, ay biglang umigkas at sinuntok siya sa tiyan.

"Argh!! Tangina mo!" Napasigaw si Persephone sa sakit, ngunit hindi siya sumuko.

Bagama't nahirapan siyang huminga at nanghina ang kanyang tiyan, patuloy pa rin siyang sumisigaw.

Sa kanyang isipan, hindi niya maaaring hayaan na matalo siya ng mga ito.

Sana may maka hanap sa akin.

Biglang dumilim ang buong paligid hanggang sa nawalan siya ng malay.

--

Nagising si Persephone dahil sa biglang pagbuhos ng malamig na tubig sa kanyang mukha.

Nang idilat niya ang kanyang mga mata, malabo pa ang kanyang paningin at naramdaman niyang nakatali siya sa isang upuan.

Habang unti-unting luminaw ang kanyang paningin, napansin niya ang isang babae na nakatayo sa harap niya. 

Sino tong parang baliw na to?

Kumunot ang kanyang noo habang pilit inaalala kung saan niya nakita ang babaeng iyon. Sa paligid ng babae ay may mga lalaking nakasuot ng itim, lahat sila nakatingin kay Persephone.

Nagulat si Persephone dahil wala siyang maalalang atraso sa kahit sino. Hindi niya alam kung bakit siya naririto o kung ano ang kanilang kailangan mula sa kanya.

Habang nag-iisip siya ng paraan upang makatakas, nagsimula magsalita ang babae sa harap niya.

"Alam kong nagtataka ka kung bakit ka nandito." Sabi ng babae, na may parang baliw na ngiti sa kanyang mga labi. "May utang ka na kailangan bayaran, at nandito kami para singilin iyon."

Wala na ngang pera, mangungutang pa ko? Phew!

Sa pagkarinig nito, lalo pang naguluhan si Persephone. "Anong utang? Wala akong utang sa kahit sino." Sagot niya, pilit na tinatapang ang kanyang boses.

When Fiction Becomes RealityWhere stories live. Discover now