Chapter 9

23 14 1
                                    

Proud

Nasa kwarto ngayon si Persephone, nakaupo sa kanyang paboritong silya habang hawak-hawak ang librong "When Fiction Becomes Reality."

Palagi siyang na-eengganyo sa bawat pahina, lalo na sa karakter na si Vicc, na talaga namang tumatak sa kanyang puso.

Habang binabalikan niya ang mga eksena ni Vicc, napapansin niya na parang may pagkakahawig ang kinikilos ni Vicc kay Hugo, isang tao na kilala niya sa realidad.

Ngunit kahit ano pa man ang kanyang obserbasyon, nahihirapan siyang maniwala na may koneksyon sina Vicc at Hugo.

Sa kanyang isip, iba ang mundo ng libro sa mundo ng tunay na buhay. Ang mga kilos at gawi ni Vicc sa libro ay tila nagiging salamin ng mga ginagawa ni Hugo, ngunit iniisip ni Persephone na baka nagkataon lang ito.

Pinipilit niyang balewalain ang ideyang ito dahil gusto niyang panatilihin ang magic na dala ng kanyang paboritong karakter. Ayaw niyang masira ang ilusyon na si Vicc ay isang natatanging nilalang na nabubuhay lamang sa mga pahina ng libro.

Ngunit sa kabila ng kanyang pag-aalinlangan, hindi niya maiwasang magtaka. Paano kung ang fiction ay talagang may halong realidad?

Umiling-iling si Persephone sa iniisip niya. "Impossible na si Vicc na nasa libro ay si Hugo," bulong niya sa sarili.

"Hindi 'yon totoo." Sabi nito na may halong tawa.

Pero nung nag-dinner sila, napansin niya ang mga kilos ni Hugo. Parang kilos ni Vicc habang siya ay inaasikaso nung gabing 'yun. 

Binitawan na ni Persephone ang libro at nahiga. 

Napuno ang isip niya ng mga what if. What if si Vicc na nasa libro ay si Hugo magkapareho nga sila o kaya nagkataon lang?

Habang iniisip niya iyon, unti-unti siyang nakatulog.

_

Pag-gising niya, umunat muna siya at bumangon. Agad na siyang nag-ayos para mag-almusal ng masasarap na foods!

Nang nasa dining table na siya, nagluto muna siya at hinain na ang iba't ibang pagkaing —pancakes na may syrup, crispy bacon, scrambled eggs, at sari-saring prutas.

Napatakam agad si Persephone at hindi na nag-aksaya ng oras. Habang kinakain niya ang kanyang breakfast, napaisip ulit siya tungkol sa libro at kay Vicc. Ano kaya ang mga susunod na mangyayari sa kwento?

Makapal kasi ang librong yon. At parang hindi niya pa ito nakakalahati.

Habang tinatapos niya ang kanyang almusal, nagdesisyon siya na babasahin ulit ang libro mamaya. 

Gusto niyang malaman kung ano pa ang mga twists and turns ng kwento.

Puno ng excitement at curiosity, hindi na siya makapaghintay na balikan ang mundo ng libro at alamin kung ano ang magiging kapalaran ni Vicc.

Pumasok na siya sa trabaho pero dala-dala pa rin ang mga iniisip nito kagabi.

Pagdating niya sa hotel, binati siya ng mga empleyado.

"Manager Madison, good morning!"

Binigyan niya sila ng ngiti kahit na marami pa siyang iniisip. Sa kabila ng mga personal na alalahanin, kailangan niyang mag-focus sa trabaho dahil may importanteng meeting siya mamaya kasama ang CEO kuno.

Habang iniisip ni Persephone ang mga kailangan niyang ihanda para sa meeting, sinubukan niyang i-clear ang kanyang isip.

Pumunta siya sa kanyang table at sinimulan ang araw sa pamamagitan ng pag-review ng mga reports at mga emails. Alam ni Persephone na mahalaga ang meeting na ito at hindi siya pwedeng magpabaya.

When Fiction Becomes RealityWhere stories live. Discover now