Spying
Pagdating ng alas-sais, nagmamadali si Persephone na makarating sa King Pearl Eats.
Pagpasok niya, agad niyang nakita si Hugo na nakaupo sa isang table sa gilid at blanko ang muka wala man lang ka-emotion sa muka, at may hawak na dalawang baso ng milk tea.
Ngumiti si Hugo nang makita siya, at agad siyang sinalubong ng isang mahigpit na yakap.
"I missed you Gorgeous." Sabi ni Hugo, habang inaabot ang isang tasa ng kape kay Persephone. "Eto, favorite mo."
"Thank you, Hugo. I missed you too." Sagot ni Persephone, sabay upo sa tabi nito. At ang isang kamay ni Hugo ay nasa bewang ni Persephone. Ganito siya palagi tuwing magdedate o kahit saan sila mag punta todo hawak kala mo'y may kukuha kay Persephone.
Habang nag-uusap sila, napansin ni Persephone kung gaano kabilis ang takbo ng oras.
Habang kumakain sila ng favorite nilang pagkain, napansin ni Hugo na tila nagkakalaman si Persephone. Galing niya kasi mag alaga e.
Tuwing break time ba naman ni Persephone lagi siyang nagpapa deliver ng pagkain dahil ayaw niyang mapagod si Persephone sa paglalakad.
Dahil dito, hindi na niya napigilan ang sarili niyang mang-asar. " Gorgeous, hmm. Parang pumapayat ka ah." Naka ngising sabi ni Hugo, sabay kindat.
Alam naman ni Persephone na hindi totoo ang sinasabi ni Hugo kaya napasimangot siya. Pero sa halip na ma-offend, ngumiti si Hugo, alam niyang parte na ng bonding nila ang mag-bardagulan.
Sa bawat subo ng pagkain, hindi tumitigil si Hugo sa pang-aasar.
"Baka naman kailangan mo na ng bagong wardrobe." Sabi nito habang tumatawa. Ngumuso naman si Persephone.
See, tas sasabihin ni Hades na seryoso tong panget ay gwapong to.
"Ikaw kaya, Hugo, mukhang kailangan na rin ng diet!" Sabay tawa nang malakas.
Napansin ng ibang customers sa restaurant na sila lang ang maingay, pero hindi ito alintana ng dalawa. Sanay na sila sa ganitong klaseng kulitan.
Habang patuloy ang kanilang pag-uusap, napapansin ni Persephone na may ilang babae sa ibang mga mesa na napapatingin kay Hugo.
Hindi niya maiwasang tumaray at mapasimangot ulit.
Parang may konting selos na bumabalot sa kanyang puso. "Hugo, ano bang meron at parang celebrity ka ngayon?" Tanong niya, sabay tingin sa ibang babae.
"Ewan ko ba, baka nainggit sila sa kagwapuhan ko." Sagot ni Hugo, sabay ngisi.
Umirap siya. "O baka naman gusto lang nila malaman sino 'tong napakaingay sa restaurant." Saad ni Persephone, sabay tawa ulit.
Patapos na ang kanilang pagkain, nag-decide sila na mag-order pa ng dessert.
"Ice cream tayo, Gorgeous." Sabi ni Hugo na nakatitig sa kanya.
"Sige, pero ikaw ang magbabayad." Biro ni Persephone, sabay tawa. Tumawa na rin si Hugo.
"Kailan ba kita pinagbayad? At kahit ano pa yan, basta kasama kita, ayos lang." Sabi niya sa tono na malambing.
Sarap na sarap si Persephone dahil stress reliever niya ang ice cream, pero si Hugo naka ngiting titig kay Persephone na masaya kumakain ng ice cream.
"Hugo, thank you for always being there for me. Alam kong busy ka rin sa work mo, pero lagi mong pinapahalagahan ang oras natin." Sabi ni Persephone, may halong pasasalamat at pagmamahal sa kanyang tinig.
YOU ARE READING
When Fiction Becomes Reality
Любовные романыPersephone loves to read books, because she reads them and she can't help but create in her mind imaginations. As much as she admires Vicc in the book, she likes his character as a loving man. It seems that these are her standards in men, so she d...