Chapter 21

29 15 0
                                    

Target

Pumunta si Miyuki sa hideout ng tito niya, at palingon-lingon siya kung may nakasunod ba sa kanya. Pinili niyang maging maingat sa bawat hakbang, alam niyang delikado ang lugar na iyon.

Pagpasok niya sa abandonadong school, agad siyang sinalubong ng mabahong amoy na hindi niya maipaliwanag.

"Tangina ang baho." Diring tili nito.

Ang bawat sulok ng gusali ay tila nagdadala ng mga alaala ng nakaraan, ngunit ngayon ay tila naging pugad ng kasamaan.

Sa kanyang pag-usad, napansin niya ang mga kalawangin na locker at sirang mga upuan na nagsisilbing patunay na matagal nang walang tao sa lugar na to. Nang siya ay makarating sa isang pinto, dahan-dahan niyang binuksan ito.

Sa loob, nakita niya ang tito niyang si Oscar, nakaupo at naninigarilyo.

Sa tabi nito, nakalatag ang mga baril at iba pang gamit pandigma. Ang mukha ni Oscar ay puno ng galit at determinasyon habang pinag-aaralan ang mapa na nakalatag sa mesa.

"Iha, nandito ka na pala." Sabi ni Oscar habang iniangat ang kanyang tingin mula sa mapa.

"Handa na ba tayo sa plano?" Tumango ang tito nito, puno ng galit ang mga mata.

Matagal na niyang iniintay ang araw na ito—ang araw ng paghihiganti.

Ang tatay ni Hugo ay may malaking kasalanan sa kanilang pamilya, at ito na ang tamang panahon para itama ang mga dapat na nangyari.

Habang pinag-uusapan nila ang bawat detalye ng kanilang plano, ramdam ni Miyuki ang bigat ng bawat desisyon.

Alam niyang wala nang atrasan, at kailangan niyang maging matapang para sa namatay na ama.

Tinignan ni tito Oscar ang mga litrato na nasa lamesa.

"Kailangan nating pag-usapan ang plano. Hindi natin makuha si Hope dahil sa dami ng bodyguard niya. Marami na tayong tauhan na nalagas sa pagsubok na iyon." Galaiting sabi ng matanda.

"Oo nga, tito Oscar. Napakahirap niyang makuha. Pero ano ang susunod nating hakbang?"

"Iniisip ko na baka mas madali kung si Hugo na lang ang gawing target. Mas mahalaga sa kanya ang nobya niya kaysa kung ano pa man." Sabi nito at kinuha ang litrato ni Hugo na kasama si Persephone.

Sumilay ang ngiti ni Miyuki. "Magandang ideya iyon, tito. Alam kong mahal na mahal ni Hugo si Persephone. Kung makuha natin siya, siguradong magpapakita si Hugo."

"Eksakto. Iha, At dahil gusto mo rin si Hugo, siguradong may interes ka rin sa plano, di ba." Napapailing na natatawa ang matanda.

"Oo, tito. Matagal ko nang gusto si Hugo. At isa pa, nagseselos ako kay Persephone. Kung mawala siya, mas madali para sa akin na makuha ang atensyon ni Hugo." Parang baliw na tumawa ito dahil sa tumatakbong isip nito.

"Kaya kailangan nating magplano nang maigi. Hindi pwedeng magkamali sa pagkakataong ito."

"Siguraduhin nating magiging matagumpay ang planong ito."

"Tama ka, Miyuki. Kailangan nating maging maingat at sigurado. Walang puwang para sa pagkakamali." Sabay saksak sa litrato ni Persephone.

--

Pagdating ni Hugo sa Langston mansion, pinatawag siya ng daddy niya upang ibalita na magpapadala siya ng maraming tauhan sa kompanya at sa mansion ni Hugo.

Maging ang hotel ni Hades ay magkakaroon din ng maraming bodyguards.

Pagkababa ni Hugo mula sa kanyang ford ranger, sinalubong siya ni Manang Betty at sinabing.

When Fiction Becomes RealityWhere stories live. Discover now