Chapter 11

30 14 2
                                    

Heartbeat

Nagising si Persephone ng mga ala sais ng umaga, masakit ang ulo nito dahil sa inuman kagabi.

"Ayy sakit ng ulo ko." Daing niya habang dahan-dahang bumangon mula sa kama.

Pakiramdam niya ay umiikot ang buong kwarto, at halos hindi siya makatayo ng maayos. Agad siyang nagtungo sa banyo, umaasang mawawala ang pagkahilo at pagsusuka na nararamdaman niya.

Pagdating sa banyo, naramdaman niyang mas lalong sumasakit ang ulo niya.

Inalala niya ang mga nangyari kagabi—ang saya ng mga tawanan, ang walang katapusang kwentuhan, at ang mga baso ng alak na tila hindi nauubos.

"Dapat pala hindi na ako uminom ng marami." Bulong niya sa sarili. Habang nakayuko sa lababo, naghilamos siya ng malamig na tubig sa mukha, umaasang kahit papaano ay mabawasan ang sakit ng ulo at pakiramdam ng pagsusuka.

Matapos maghilamos, bumalik siya sa kwarto at humiga ulit sa kama, hinihintay na tuluyang mawala ang hangover.

"Kailangan ata kumain at siguro ng konting kape." Naisip niya.

Habang nakahiga, inisip niya na dapat talagang maghinay-hinay sa pag-inom sa susunod para hindi na ulit maranasan ang ganitong pakiramdam.

"Lesson learned." Sabi niya sa sarili.

Nasa kusina si Persephone, nagluluto ng pagkain habang pilit niyang binabalikan ang mga pangyayari kagabi.

"May ginawa ba akong nakakahiya?"

Sumakit ang sikmura niya dahil sa sobrang kalasingan, at ngayon, heto siya, nagluluto ng sinangag na kanin na may itlog at bawang at nagtimpla ng mainit na kape.

Habang hinahalo niya ang kanin, bigla niyang naalala ang mga nakakahiya niyang ginawa kahapon.

Napatili siya ng konti, pero wala namang ibang tao sa bahay kaya wala siyang pakialam. Naparami talaga siya ng inom. Sa sobrang kalasingan, hindi na niya maalala ang lahat ng nangyari.

Pero isang eksena ang hindi niya malilimutan binuhat siya ni Hugo at napilitan siyang buhatin dahil hindi na siya makatayo ng maayos. Sa sobrang kalasingan, hindi niya sinasadyang makagat ang tenga ni Hugo habang binubuhat siya nito. Napaiyak siya sa kahihiyan habang iniisip kung ano na lang ang iisipin ni Hugo tungkol sa kanya ngayon. Tanga ko naman oh!

Habang nagluluto, narinig niyang may kumakatok mula sa pinto.

Pagbukas niya ng pinto. Nagulat siya at namula dahil nasa harap niya ang taong iniisip niya. "Hugo." Utal na tawag niya.

"Hi." Dumalaw talaga ito para kumustahin siya.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Persephone. Paano kung maalala ni Hugo ang pagkagat niya sa tenga nito?

"Ahm, sorry sa mga nangyari kagabi." Saad niya na hindi makatingin ng diretso sa mga mata ni Hugo. Pero ngumiti lang si Hugo at sinabing.

"No problem. Persephone, and about sa tenga ko, ayos lang yun. Hindi naman masakit." Ngising sabi nito. Nabawasan ang bigat sa dibdib ni Persephone. Tila ang simple pagdalaw ni Hugo ay nagbigay ng kaginhawaan sa kanya.

"Bakit ka nga pala nandito?" Mahinang tanong ni Persephone kay Hugo na pinaupo niya sa dining table.

"Galing ako kila Mommy, dumating na si Hades kaninang madaling araw. Napadaan naman ako dito sa lugar niyo kaya binisita na kita. Okay ka na ba? Wala ng hangover?" Tanong niya, habang nag-aalalang tinitingnan si Persephone.

When Fiction Becomes RealityWhere stories live. Discover now