AANNK 5

85 0 0
                                    

"Mahal kita Aliana."

Mga katagang paulit ulit pumapasok sa utak ko.

Mahal ? Baliw ba sya?

Naikama nya lang ako mahal na agad niya ako. Mag ama nga talaga sila kaya ano pang bang aasahan.

Ka gigising ko pa lang at ang pesteng Uncle John na agad na yan ang pumasok sa utak ko.

Bakit ba kasi kailangan may mangyari pa sa amin.

Nagtungo na agad ako sa CR para maligo papasok pa ako sa trabaho.

Pagkatapos makapag ayos lumabas na ako ng apartment ko. Nag aantay na lang ako ng Taxi.

Nagulat ako ng may tumapik sa balikat ko.

"Uyy Bes!" gulat ko itong nilingon.

"Huwag ka ngang manggulat."

" Ikaw ah tell me anong meron sa inyo ni Uncle John?" Ano? Alam na kaya nya?

"Anong tungkol sa amin?" pagkukunwari ko.

"Kita ko kaya kayo kahapon sinundo ka pa nga eh tapos ikaw galit galitan ka pa. Sabihin mo na kasi hindi ko naman ipagsasabi. Tuloy mo na yung plano mo?" kinikilig pa ang gaga.

"Hindi noh tyaka yung nakita mo wala lang yun noh."

" Wala daw kaya pala hiningi number mo. Pero teh ang bilis mo ah di ako na inform ."

"Anong mabilis."

" Mabilis mang akit HAHAHA."

"HOY! Hindi naman ako kagaya mo wala naman talaga akong planong paghihiganti."

"Oh sya tama ka na. Yung taxi oh." turo nito sa taxi at pinara ito. Nang makasakay kami inis ko itong tinanong.

" Saan ka ba pupunta?"

"Sa Restaurant mo."

"Huh? Gagawin mo dun?" inirapan ako nito.

" Mamimili ng damit." pilosopo nitong saad.

" Ang sabihin mo makiki chismis ka nanaman." hindi na ito sumagot.

Pagkababa sa Taxi madadaling madali akong hinatak ni Mari papunta sa office hindi ko na nga nabati yung mga staff ko eh.

Agad ako nitong pinaupo sa sofa at pagkatapos ay tumabi ito sa akin.

"So ano na?" sabi na eh chismis nanaman ang hanap nitong marites na toh eh.

_______

"Pero teh malaki yung ano ni Daddy John mo?" Yuck nakakadiri naman ang bunganga ng babaeng toh.

"Kadiri ka noh." naiirita kong saad.

"Kakadiri daw pero nasa---- MANAHIMIK KA."

"OH eto na susuko na ako."

"Umalis ka na nga baka hinahanap ka nanaman ng mama mo."

"Aalis na talaga ako kasi may date pa ako. Ka dyan ka na nga." tumayo na ito at lumabas ng pinto. Napailing na lang ako. Lalakero talaga

Natigilan ako ng may kumatok. Ano nanaman kaya ang problema nito at bumalik pa.

"Ano nanaman ang ka-----" pag harap ko sinalubong ako ng nakangiting mukha ni Uncle Jhon.

"U-uncle John? Anong ginagawa mo dito?" mas lalong lumawak ang ngiti sa labi nito.

" Binibisita ka." binibisita?Close ba kami.

"Lia pwede bang pagkatapos mo dito lumabas muna tayo?"

"Bakit?"

"Gusto lang kitang makausap at mas makilala pa." hindi ko alam kung ano ang dapat na maging reaksyon ko. Ang bilis naman nitong matandang 'to

"Para saan pa? "

"Gusto kitang ligawan?" napahinto ako sa ginagawa kong pag aayos ng mga papers dahil sa sinabi nito. Somaryosep sa tanda nyang yan mangliligaw pa sya. Well mukha pa rin naman syang bata i mean binata.

"Nagpapatawa ka ba?" nakakainsulto akong natawa sa harapan nito.

" Bakit ano bang masama?" pa inosente nitong tanong.

" Una sa lahat UNCLE JOHN ama ka ng ex ko ano sa tingin mo ang sasabihin ng iba sa atin ,sa akin na malandi ako? Isa pa parang ama na din kita."

" Huwag mong pansinin ang sasabihin nila mag focus ka lang sa akin tyaka age doesn't matter. Ayon mo nun may tatay ka na may boyfriend ka pa." ang kapal mag focus lang daw ako sa kanya. Naka smirk ito sa akin na nagpainis lalo sa sistema ko.

Tinalikuran ko na lang ulit ito.

"Umalis ka na lang nakaka istorbo ka sa trabaho ko."

"Okay aalis ako pero hihintayin kita sa labas my lady." pagharap ko halos hindi na ako huminga dahil sa sobrang lapit ng mukha nito sa akin dahil isang maling galaw lang ay paniguradong mag didikit na ang mga labi namin. 

Halos sumabog ang puso ko sa kaba ,dahil sa sobrang bilis ng pag tibok nito ng mabilisan ako nitong hinalikan.

Nakatulala lang ako hanggang sa maka alis ito.

Napahawak ako sa dibdib ko. Bakit ganon kabilis ang tibok ng puso ko?

Ang matandang yun hinalikan ako sa labi ng wala man lang paalam pero kahit pa nagpaalam sya hindi ko rin naman sya papayagan teka lang sa sinabi ko kaninang hinalikan niya ako ng walang paalam parang gusto ko din yung kiss nya AYYY HINDI HINDI!! tumigil ka na nga utak baliw na nga ako huwag mo na akong baliwin pa...

Ang Ama Ng Nobyo KoWhere stories live. Discover now