Nag inat inat muna ako bago tuluyang bumangon sa pagkakahiga.
Pagkalabas ng kwarto ay tinawag ko agad si Mari.
"Mari!" ilang ulit ko pang tinawag ang pangalan nito pero walang sumagot. Hindi kaya umuwi na sya. Nag almusal na muna ako bago naligo 5:34 am pa maaga pa naman. Naalala ko bigla yung sinabi ni ano .....hysssttt Demitri na nga lang naalala ko mga 6am pa lang daw nasa labas na sya. Napangisi ako. Maka alis na nga bahala sya mag antay sya mamaya sa wala.
Pagkalabas ko at pagkalock ko ng pinto laking gulat ko ng ang kotse nito ay nandito na agad. Lumabas ito ng sasakyan at lumapit sa akin.
"Good morning milady." shock pa rin ako hanggang ngayun. Mag sasalita pa sana ako ng halos dumugin na kami ng mga tao. Teka ano bang kailangan nila. Sige ang pag flash ng mga dala nilang kamera kinukunan nila kami ng larawan but why?... Mga reporters
"Mr. Smith ano po ang ibig sabihin nito."
"Sya po ba ang girlfriend nyo?"
" Hindi po ba sya ang girlfriend ng anak nyo?"
Niyakap ako nito para protektahan sa dami ng taon. Habang yakap yakap ay dali dali kaming sumakay sa Kotse at agad niya itong pina andar.
"A-ano yun? Bakit ganon yung mga tanong nila? Bakit nasa harapan sila ng apartment ko? Ano yung bakit..." naguguluhan kong tanong dito.
Hindi ito sumagot at nakatuon lang ang atensyon sa dinadaanan namin.
"Ano ba sagutin mo naman ako bakit may mga reporters?" para pa rin itong walang naririnig kaya binuksan ko ang radio ng kotse nya. At hindi nga ako nag kamali nabalita na agad kami.
" Breaking News: Isa sa mga sikat at mayroon malalaking company na si Mr.John Demitri Smith ay nakitang mayroon kasamang babae sa isang sikat na restaurant at ang mas malala pa'y may kumakalat na ang babaeng kasama nito ay walang iba kundi girlfriend ng kanyang anak alamin natin yan sa pag tutok ni-------"
"Bakit mo pinatay?"
"Wala namang sense yun." inis ko itong pinagkatitigan.
" Ano ba tong gulong dinala mo sa buhay ko ngayun kita mo na ang sinasabi ko sayo subukan mong magbasa ng mga comments at makikita mo ang mga pinagsasasabi nila sa akin,sa atin. Sinabihan na kasi kitang layuan mo na ako pero ang kulit mo!" singhal at paninisi ko dito. Hindi ito umimik .
"Ano ba kinakausap kita sumagot ka naman! AHHHH!" Napasigaw ako ng bigla itong huminto at malakas na pinalo ang manibela.
"PAPATAYIN MO BA AKO!" galit kong sigaw dito habang habol habol ko ang hininga ko dahil sa kaba.
"Baba." seryosong utos nito. Napatingin ako sa paligid nasaharapan kami ng isang malaking bahay." Baba." pag ulit nito.
"Oo na ." padabog akong bumaba.
"Nasaan ba tayo?"
"In my house." wow nag i-english na sya.
Hinatak ako nito papasok . Isang matandang babae ang sumalubong sa amin.
"Ah sir hindi nyo sinabing uuwi kayo." hindi niya pinansin yung matanda at tuloy tuloy lang sa paghatak sa akin papunta sa 2nd floor. Bahay nya to . Noong kami pa kasi ni Jasper simple lang yung bahay nila. Di mo nga aakalaing mayaman sila.
"Bitawan mo nga ako."
Nasa loob na kami ng isang silid.
"Ano yun? Magpaliwanag ka naman sa akin. Nagugulo mo na kasi yung buhay ko."
" Im sorry kung nadawit ka dito. Sa ngayon dito ka muna hindi ka safe sa apartment mo sigurado akong madaming reporters ang nakaabang sa pintuan ng bahay mo."
YOU ARE READING
Ang Ama Ng Nobyo Ko
RomanceNiloko niya ako, ginawa niya akong tanga. Mas inuna pa niya ang kabit niya kesa sa akin na asawa niya. Buntis ako non ,nagiisa sa gilid ng kalsada at humihingi ng tulong , umaasang babalik siya,umaasang babalikan niya ako at ililigtas pero hindi siy...