AANNK 25

129 2 0
                                    


Nagmamadali akong bumalik sa dining area ng makita kong palabas na si John.

Napatingin sa akin sina mama.

"Ayos ka lang? Pinagpapawisan ka? Mainit ba?"  nagtatakang tanong ni mama.

"A-ayos lang po ako medyo nag alburoto lang po ang t'yan ko." pagsisinungaling ko.

"May gamot ako d'yan sandali lang kukunin ko." akmang tatayo na ito ng pigilan ko siya.

"No ayos na po ako."

"Sigurado ka." tumango ako dito at ngumiti.

Sakto namang bumalik na si John.

"Bakit ang tagal mo?" malamig at kunwaring tanong ko.

"May tumawag kasi sa akin tungkol sa company sorry." tungkol sa kumpanya hah

Diretsyo at malamig ko itong tinitigan sa mga mata.

Hindi ka ganon kagaling mag sinungaling.

"Okay." tugon ko at kumain na ulit.

Maya maya lang din ay bumalik na si ate Sandra.

Pagkatapos lang din ng dinner ay umuwi na kami hindi na ako nahirapan pang patulugin si Aiden dahil malamang ay pagod din ito.

Kalalabas ko lang ng banyo dahil nag half bath ako.

Natigilan ako sa pagpupunas ng aking buhok ng makita ko si John na nakaupo sa gilid ng kama at malamlam na nakatingin sa akin ang mga mata.

"Alia let's talk."

Hindi ko ito pinansin at patuloy lang sa pagpupunas ng buhok ko pumunta din ako sa aparador at namili ng susuotin ko na ka bathrob lang naman kasi ako.

Para saan pa kung mag uusap kami may kabit na sya at malinaw yun ano pang paguusapan namin kung ganon.

Nagulat ako ng yakapin ako nito mula sa likuran.

"I'm sorry." mahina ang tinig nito.

Hindi ko magawang palambutin ang puso ko lalo pa at ang humihingi ng tawad sa akin ay ang taong lubus kong pinagkatiwalaan na niloko lang ako. Ang asawa ko.

"Bitaw."

Mariin ko hinanakan ang mga braso niyang nakapulupot sa bewang ko mabilis ko itong tinanggal sa pagkakayakap sa akin at hinarap siya.

"Sino ba talaga ang kabit mo?" napayuko ito. Bakit ba kasi ayaw niyang sabihin sa akin?

Kung gusto niyang matawad ko siya maging tapat siya.

"Bakit? Bakit hindi mo kayang sabihin sa akin ganon mo ba siya kamahal at pinahahalagahan na ayaw mong malaman ko dahil alam mong masasaktan ko lang ang kabit mo o talagang gusto mo lang masira ang pamilya natin." hindi ko inaasahan na sa tanong kong iyon ay lalambot na ang puso ko at naglandas na lamang ang mga luha sa aking magkabilang pisnge.

Sinubukan niyang punasan ang mga luha ko pero iniwas ko ang mukha ko sa kamay niyang nakaangat at handa ng pahiran ng hinlalaki niya ang pisnge ko.

" Hindi! Hindi ganon--"

" Then tell me! Who the hell is your fucking mistress!" nanatili siyang tahimik walang balak sabihin sa akin kung sino nga ba talaga ang kabit niya.

"I-i can't"

Wala sa oras na malakas ko itong nasampal

*PAKK

"Ito ba ang gusto mo huh ang patuloy akong gawing mukhang tanga!? Then fine magtangatangahan tayo."

"Mamili ka Demitri sasabihin mo ba sa akin kung sino ang kabit mo iparanas ko din sayo ang ipinaparanas mo sa akin."

"A-anong ibig mong sabihin?"

Ang Ama Ng Nobyo KoWhere stories live. Discover now