AANN 29

98 0 0
                                    


"Bakit bigla kang umalis?"
Tss natural inuna mo ang babae mo.

Nandito kami sa bagong coffee shop na ipinatayo ko.

"Ikaw kaya ang lokohin ko,gaguhin ko hindi mo ba ako iiwan." walang emosyon kong saad.

"Hindi pakikinggan muna kita at susubukan ayusin ang pamilya natin."na pangiwi na lang ako patawa talaga ang isang to eh.

"Pero inuna mo ang kabit mo kesa sa akin na asawa mo ows my bad ex-wife pala."

"Asawa pa rin kita hindi ko pinirmahan ang divorce paper at isa pa si Mari talaga ang uunahin ko dahil nasa panganip ang buhay niya at ang baby niya."

Nagulat ako sa sinabi nito akala ko divorce na kami ang sabi kasi ni ate naasikaso na niya ang divorce namin ni John siya na kasi ang nag prisintang aayos dun hindi niya na sabi sa akin na hindi pala pinirmahan ni John ang divorce paper.

Si ate Sandra talaga..

"Buntis ako non." natigilan ito.

"A-ano."

"Buntis ako sa pang apat na ANAK natin ng mga panahon yun."

"W-wala kang sinabi sa akin."

"Dahil nahuli na kitang may iba kang babae at nabuntis mo pa sa tingin mo sasabihin ko pa yun sayo."

" Ako pa rin ang ama ng a--"

"Pero hindi ka nagpakaama."

" Dahil hindi ko alam."

"Dahil mas inuna mo ang kabit mo!"

Mariin itong napapikit.

"Okay oo naging kabit ko siya pero hindi ko yun ginusto at kailangan mong malaman na hindi ako ang ama ng anak niya."

Natawa ako ng sarkastika sa sinabi nito.

"Hindi mo anak?! Ano yun nabuo na lang ng kusa hahaha diba ikaw na din ang nag sabi na maynangyari sa inyo ni Mari." seryoso ako nitong tinignan

"That's not true pinlano niya ang lahat ang pagpapainom sa akin ng droga ang pang ba-blackmail sa akin at ang panloloko niyang ako ang ama ng dinadala niya. Pero maniwala ka sa akin wala talagang nangyari sa amin."

" Sa tingin mo maniniwala ako sayo hahaha galing mong magsinungaling ah."

"She's Death." parang nabingi ako sa sinabi nito.

"A-ano."

"Naubusan siya ng dugo namatay siya pati ang bata sa sinapupunan niya." nabigla ako sa sinabi nito at hindi alam ang magiging reaksyon ko.

Matutuwa ba ako o malulungkot?

Hindi naman siguro siya mag sisinungalin tungkol sa kamatayan ng isang tao.

"No  you're just lying" No my bestfriend.... Napayuko ako at napaiyak.

Niloko niya ako ,inahas ang asawa ko pero nagmahal lang naman siya isa pa para ko na din siyang kapatid marami na din kaming pinagsamahan hindi pa man dumadating sa buhay ko si Jasper at John.

Tila nawala ata ang lahat ng galit ko para kay Mari ng malaman ko kung anong nangyari dito.

"Kung hindi ka parin na niniwala halika sasamahan kita sa puntod niya."

"No!" napailing iling ako.

"Kasalanan ko yun kundi ko sana siya itinulak at inaway baka buhay pa siya."

"Wala kang kasalanan dahil maging ang doktor na ang nasabi na hindi talaga makapit ang bata." paulit ulit akong umiling kasalanan ko pa rin dahil tinulak ko nga siya.

Sinubukan nitong hawakan ang kamay ko. Pero iniwas ko ang ang kamay ko.

No!

Napahinto ako ng mag ring ang phone ko.

Pangalan ni ate sandra ang nasa Calling ID. Oo nga pala ang birthday ni Viela. Agad kong pinahiran ang mga luha ko kahit pa nag luluksa ako dahil sa nalaman ko.

Agad na akong tumayo handa na para umalis pero pinigilan nanaman ako nito.

"Saan ka pupunta?" napatingin ako dito at napaisip hindi ba't matagal na siyang gustong makita ng mga anak ko ito na yun ito na din siguro ang magandang regalo para kay Viela.

"K-kaarawan ngayon ni V-viela ang anak natin sumama ka para makilala ka niya." naiiyak kong saad pero pinigilan ko ang luha ko. Nanatili pa rin itong nakatingin sa mga mata ko tila malalim ang iniisip.

" Ang A-anak natin?" tumango ako dito.

"Anak natin."

___________

Naiinis ako dahil habang papasok sa bahay ay hinawakan nito ang kamay ko. Ramdam ko ang pagpapawis at pangangatog ng kamay niya.

"Kinakabahan ako baka galit sila sa akin, baka ayaw na nila akong maging ama,baka..."

"Manahimik ka nga hindi ko naman sinabi sa kanila na nangbabae ka ang sabi ko sa kanila kailangan naming pumuntang ibang bansa dahil sa trabaho ko." naiinis kong inalis ang pagkakakapit ng kamay nito sa akin.

Pagbukas ko ng pinto ang masasayang boses at sigawan na ng mga anak ko ang narinig ko.

Isang simpleng kainan lang ang mangyayari kami lang pamilya ang nandito sa kaarawan ni Viela kahit kami kami lang ay masaya naman.

"MOMM--" Natigilan ang mga ito ng makita ang kasama ko. Ngumiti ako sa kanila at tumango.

"DADDY!" sabay na tumakbo si Eina at James sa ama nila. Naluluha namang silang niyakap ni John.

"Mga anak ko." hindi ko mapigilang mapaluha na agad ko din namang pinigilan napatingin ako kay ate at kaila mama.  Nakangiti ang mga ito sa akin.

"Namiss ka po namin Dad"

"Namiss ko po kayo huhuhu." napangiti ako ng makitang umiiyak ang mga ito

tears of joy.

Napatingin naman si John kay Aiden na nasa tabi ko lang pala. Tumutulo ang mga luha nitong lumapit kay Aiden.

"Naalala mo pa ba ako?" natatakot naman na nagtago sa likod ko si Aiden. Tiningala ako nito at tila naluluha na din.

"Am scerd momy." ngumiti ako dating medyo hindi pa siya marunong mag pronounce ng salita. Kinarga ko ito at hinalikan sa pisnge.

"Siya ang Daddy mo." tumingin ulit ito kay John. Lumuluha man ay ngumiting ibinuka ni John ang mga braso niya inaanyayang yakapin si Aiden inabot ko sa mga bisig niya Si Aiden.

Nakita kong mahigpit nitong niyakap ang anak.

"Patawarin nyo si Daddy."

Napatingin naman ako kay papa na karga karga si Viela. Ngumiti ito sa akin at iniabot naman sa akin si Viela. Tumawa ito na nakakuha ng atensyon ni John.

Nagulat ako sa sinabi ni Viela.

"Pahpah."

A-ano daw?

Lumapit sa amin si John mas lalo akong nagulat ng gustong magpakarga ni viela kay John. Hindi siya tinanggihan ni John at kinarga din siya.

Hindi ba siya na bibigatan dalawa na ang karga niya?

"Ang bunso ko." mas lalo itong napaiyak hinalikan niya sa nuo ang dalawa at niyap nanaman ng mahigpit.

Napatingin ako kay Eina at James ng lumapit sila sa akin.

"Happy Family na po ulit tayo." nakangiting wika ni Eina.

Magiging Happy Family na nga ba kami? Mabibigyan ko ba ng second chance ang ama nilang niloko ako? Mababalik pa kaya ang dati sa lahat?

Ang Ama Ng Nobyo KoWhere stories live. Discover now