Isang buwan na ang nakakalipas ng magkita kami ni John at simula din ng araw na iyon ay bumawi na nga talaga siya sa mga anak namin at sa akin din pala halos araw araw nga nandito siya sa bahay hindi naman niya ako pinilit na mag sama kami ulit at syempre hindi din talaga ako papayag. Matapos lahat ng nangyari.Nandito nga kami ngayon sa Park. Marami man ang masakit na angyari sa amin ay talagang magiging okay din pala ang lahat.
Napangiti ako ng makita ko ang mga anak ko at ang ama nila na naglalaro naghahabulan at nag kukulitan.
Dito na kaya mag sisimula ang happy ending namin?
Ang malapad kong ngiti ay nabawi ng makita kong natumba na lamang si John.
Teka anong nangyari?
Nagmamadali akong lumapit sa kanila.
"Mommy si Daddy."
"Shhh tumahan na kayo."
Nilapitan ko si John nawalan nga talag siya ng malay.
"TULONG! TULONG! TULUNGAN NYO KAMI!" natataranta kong sigaw. Hindi ko alam pero iba ang nararamdaman ko at napaiyak na.
"John please gumising ka! Ano bang nangyayari sayo huhuhu."
Kinuha ko ang phone ko at tumawag ng ambulance ilang sandali lang din ay dumating na ang ambulansya na ipinapapasalamat ko.
________
" Ano bang nangyari Lian?" hindi ako makasagot kay ate Sandra at patuloy pa rin sa pag iyak sa labis na pag aalala ko kay John
Hindi ko alam kung bakit nga ba ganito ang naging reaksyon ko.
Mahal ko pa rin ba sya? Oo mahal ko pa rin sya.
Tinawagan ko si Ate Sandra at pinasundo ang mga bata at iuwi muna sa bahay ginawa nga nya iyon inuwi nya muna ang mga bata at bumalik din dito sa ospital.
Agad akong napatayo ng lumabas na ang doctor sa kwarto kung nasaan si John.
"K-kamusta siya?" nanginginig ang mga labi kong tanong.
"Ikinalulungkot ko Misis pero ang asawa nyo ay may ilang araw na lang." nagtaka ako sa sinabi nito.
Huh?
"A-ano pong ibig nyong sabihin?"
"Your husband has stage 4 brain cancer."
"A-ano?"
"I will just tell you that those with brain cancer only have 12-18 months to live and in the patient's condition, he was diagnosed with the disease last year. didn't your husband do the treatment? don't you notice his actions such as constant headaches, loss of some memory or behavior changes."
Napatakip ako sa bibig ko at napailing ng napailing nalang. Hindi ko alam hindi niya sinabi.
Wala akong napansin dahil madalas ay nakangiti lang siya at masaya.
"Hindi na ba siya gagaling di ba pwede pa naman." nag aantay ako ng pag asa sa sagot ng doctor pero umiling lang ito.
"I'm sorry. Aalis na din ako dahil marami din akong pasyente. ang maipapayo ko na lang sa inyo ay sulitin nyo na lang ang mga araw na natitira ng asawa mo dahil kahit pa itira mo ang asawa mo dito sa ospital ay hindi na namin siya magagamot masyado ng malala ang sakit niya."
Hindi bakit ganon siya mag salita.
"HINDI!" sigaw ko at kinuwelyohan ito.
"DOCTOR KA HINDI BA! DAPAT AY BINIBIGYAN MO NG PAG ASA ANG MGA PASYENTE MO!" umiiyak kong sigaw dito hinawakan naman ako ni ate at inalis ang kamay kong nakahawak sa kwelyo ng doctor.
"Kumalma ka muna Lian"
"Hindi!Hindi ate." patuloy lang ako sa pag iyak.
Handa na akong buohin ang pamilya namin, handa ko ng buksan muli ang puso ko, handa na akong mahalin siya ulit kaya bakit biglang ganto.
Napaluhod na lamang ako sa harapan ng doctor.
"Please tulungan nyo po kami kahit magkano magbabayad ako." narinig ko ang buntong hininga ng doctor at ang yabag ng sapatos nitong paalis.
"I'm sorry Misis."
No!
"Lian."
"Hindi ate,buo na kami,magiging masaya na dapat kami."
"Lian baka ito talaga ang itinadhana para sa kanya."
"Hindi ko matatanggap yun ate."
"Kailangan mong tanggapin Lian.Tumayo ka na d'yan."
Ayoko, hindi ko kaya parang nawalan ng lakas ang mga paa ko, ang buo kong katawan parang nalanta,parang hindi ko na kaya.
__________
Napakunot ako ng noo ng makaramdam ako ng marahan na paghaplos sa aking ulo. Dahan dahan kong inangat ang ulo ko.
Natigilan ako sandali
Sununggaban ko ito ng mahigpit na yakap ay napakagat sa ibabang labi para pigilan ang luha ko.
"A-aray di ako makahinga." tinapik tapik nito ang braso ko. Agad ko naman itong binitawan.
"So-sorry m-may masakit ba sayo?" nag aalala kong tanong, ngumiti ito sa akin at hinawakan ang pisnge ko gamit ang isa niyang kamay.
"Alam mo na?"
Nanginig ang mga labi ko at hindi na napigilan ang mga luha ko.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin? B-bakit?"
"Ayoko lang na mag alala ka." umiling ako dito at mahinang sinuntok ang dibdib niya. Natawa naman ito.
"Iiwan mo din pala kami bakit sinanay mo pa kami na palagi kang nandiyan,bakit ngayon pa , b-bakit...... Ngayon pang handa na ulit ako."
Hinalikan ako nito sa noo.
"I'm sorry hindi naman ako mawawala palagi pa rin naman akong nandiyan sa puso mo,sa puso nyo di'ba, ikaw na ang bahala sa mga bata hah ikaw na ang magpaliwanag."
Umiiyak akong umiling dito.
"Bakit hindi ikaw ang magpaliwanag? Bakit ako pa?"
"Ayoko kasing makita silang umiiyak tyaka ikaw kaya tumahan ka na." pinunasan nito ang mga luha ko gamit ang hinlalaki niya.
Niyakap ko na lang ulit ito ng mahigpit.
"Gusto mo magbakasyon tayo? Duon sa resort ni Rohan." alok nito natigilan ako sandali. Pamilyar sakin ang pangalang yun ah but nevermind.
Tumango tango na lang ako.

YOU ARE READING
Ang Ama Ng Nobyo Ko
RomanceNiloko niya ako, ginawa niya akong tanga. Mas inuna pa niya ang kabit niya kesa sa akin na asawa niya. Buntis ako non ,nagiisa sa gilid ng kalsada at humihingi ng tulong , umaasang babalik siya,umaasang babalikan niya ako at ililigtas pero hindi siy...