Third person's POV:
Mariin nalamang naipikit ni Aliana ang kanyang mga mata at tila ba hinihintay na lang na tumama sa kanya ang kotse kahit pa gustong gusto nyang umiwas at umalis sa kinakatayuan ay hindi nya magawa dahil tila na estatwa sya.
Pero isang taong hindi nya inaasahan ang humatak sa kanya pabalik sa gilid. Isang taong hindi nya inaasahan ang magliligtas sa kanya.
"Youre safe." duon lang idinilat ni Aliana ang kanyang mga mata na nanunubig na dahil sa labis na takot.
"B-bakit?" mahinang tanong nito sa lalaki.
"Bakit mo ako iniligtas Jasper?"
"Ewan basta ng nakita kitang malapit ng mabangga kusa na lang kumilos ang katawan ko at iniligtas ka." kibit balikat nitong sagot.
Nangangatog ang mga tuhod na napakapit sa bisig nya si Aliana."Are you okay?" inalalayan nya pa si Aliana ayaw man magpatulong ng dalaga wala syang lakas. Dinala sya ng binata sa isang gilid na may bench.
"Maupo ka muna." nangmaka upo ay nag tuloy tuloy pa rin ang luha ni Alia sobra syang natakot, hindi nya alam king bakit pero ng mga oras na iyon isang tao lang ang iniisip nya si.... John natakot sya na baka hindi na sya makabalik dito. Natanong nalamang nito ang sarili. Mahal ko na nga ba sya? Na hulog na ba talaga ako sa kanya?
"Uminom ka muna ng tubig." inabot ng binata ang plastic bottle na may laman na tubig. Kinuha nya ito at ininom parang natuyo na din kasi ang lalamunan nya.
"S-salamat." malaki man ang kasalanan nito sa kanya ay dapat pa rin syang magpasalamat dahil kung hindi sya nito hinatak malamang ay patay na sya.
"Saan para sa tubig o para sa pagligtas ko sayo?"
"Parehas." matipid na sagot nito.
"Ah si-sige aalis na ako." tatayo na sana sya sa pagkakaupo ng pigilan sya nito. " Huwag ka ng bumalik." napakunot ang noo ni Alia.Nang lingunin nya ang binata seryoso itong nakatingin sa kanya.
"Hindi ka nya mahal." gustong matawa ni Aliana gusto nya itong sampalin ng pagkalakas lakas. Anong pinagsasasabi ng baliw na to.
"Tigilan mo na ako, hindi pa ba sapat na sinaktan mo ko ,na niloko mo ko at ipinagpalit sa babaeng ang gusto ay sirain ang buhay ko?" hindi mapigilang maluha ni Alia dahil habang sinasabi ang mga katagang iyon ay bumabalik sa kanya ang lahat , lahat lahat ng pananakit nito sa damdamin nya.
"Nag sasabi ako ng totoo, mahal ka lang nya dahil kamukha mo ang unang babaeng minahal nya.... Ang ina ko.." tila binuhusan ng malamig na tubig si Alia dahil sa mga sinabi nito. Oo nga naman bakit nga ba nawala sa isip nya ang tungkol sa ina ni Jasper.
" Mahal nya ako alam ko yun kaya huwag mo ng guluhin ang utak ko." pinigilan nyang hindi mautal at manginig ang boses ayaw nyang ipahalatang na apektohan sya sa mga sinabi nito.
"Totoo yun at yun din ang dahilan kung bakit kita minahal." another sakit na naman ng marinig nya ang katotohanang minahal lang sya ng binata dahil sa kamukha nya ang ina nito. Nasasaktan man ay hindi nya ito ipinahalata.
" Minahal mo ako,niligawan mo ako ,at naging tayo dahil lang sa kamukha ko ang nanay mo?" sarkastika itong napatawa. Napamur@ nalamang ito sa kanyang isip. Tangin@ ang sakit minahal niya ako dahil lang sa mukha ko yung nanay nya,pvtangina hindi naman yun pagmamahal eh.
"Oo. Kaya maniwala ka sa akin hindi ka mahal ni Dad." pinagkatitigan nya ang mga mata ni Jasper walang makikitang bakas ng pagsisinungaling sa mga mata nito. Pero nandun pa rin ang pag dududa sa isip ni Alia ... Paano kung magaling lang pala syang umarte. Naputol lang ang pagtititigan nilang dalawa ng mag ring ang cellphone ni Alia.
"Hello? Ah opo manang pauwi na ako." agad namang binawi ni Aliana ang kamay nya sa pagkakahawak ni Jasper at dali daling naghanap ng masasakyan nawala sa isip nya na kailangan nga pala ng gamot ni John dahil mataas ang lagnat nito.
Habang nasa taxi ay muli nanamang tumawag si Manang Ester sa kanya.
"I-ija si Sir John hinahanap ka galit na galit sya at nagwawala." nagulat si Alia sa sinabi nito.
"Pabalik na po ako sandali na lang po." nag aalala itong baka masaktan ng lalaki ang sarili nya gayong mahina pa ito.
Nangmakarating sa bahay ay ang daming bubug ang nagkalat at mga sirang gamit bigla tuloy syang kinabahan sasaktan kaya sya ni John dahil sa paglabas nya ng walabg paalam dito pero bumili lang naman sya ng gamot para dito.
"M-manang."
"Sir tama na po pabalik na po si ma'm AHHH!" Narinig nanaman nyang mayroong nabasag na nagmumula sa silid ni John. Dali dali syang nag tungo dito at pagbukas ng pinto ang nanghihinang si John ay mayroong labis na galit sa mukha. Bigla na lang din tuloy na bumilis ang tibok ng puso ng dalaga.
"J-john." pagtawag nya dito at dahan dahang lumapit. Ang galit na ekspresyon ng mukha nito ay unti unting nawala ng makita sya.
"Alian." agad sya nitong niyakap ng mahigpit. Sa likudan ni John ay nandun si Manang Ester at Ana tumango sya sa mga ito senyales na sya na lamang ang bahala sa lalaki kaya lumabas na din ang mga ito sa silid at tanging si Alia at John na lang ang natitira sa kwarto. Dinala niya si John sa kama at duon sila na upo habang yakap yakap pa rin sya nito.
"S-sandali lang hindi ako makahiga." napaka higpit na kasi ng yakap nito sa kanya tipo bang takot at ayaw nitong mawala sya. Naramdaman nya ang pag iling nito at ibinaon ang mukha nito sa kanyang dibdib. Naramdaman ni Alia na parang namamasa ang Dibdib nya na tigilan sya ng mapagtantong umiiyak pala ito. Hinaplos haplos nya ang likod nito para kahit papa ano ay huminahon ito.
"Nandito na ako."
" Natakot ako." nanginhinig ang tinig nito. Bigla tuloy na alala ni Alia ang mga sinabi ni Jasper. Totoo kaya ang mga sinabi niya? Pero bakit nya yun sinabi sa akin?
"Bakit?" malambing na tanong nya. Hindi na ito sumagot kaya hinayaan na lamang nya.
"Uminom ka muna ng gamot." tinapik nya ang balikat ni John pero hindi ito gumalaw hanggang sa mapagtanto nyang nalatulog na pala ito sa mga bisig nya. Nabibigatan man ay dahan dahan niya ito inayos ng higa sa kama.
Matapos yun ay nilinis nya naman ang mga nabasag at nagkalat na gamit delikado kasi ito baka may makaapak pa. Napatingin sya sa side table ng maalala nya ang biniling gamot hindi man lang yun na inom ni John bigla tuloy syang nalungkot.
Sa kabilang banda naman galit na galit si Jasper habang kinakausap si Lana.
" Ano bang pumasok dyang sa utak mo at gusto mong pat\yin si Alia. " tumaas ang isang kilay ni Lana.
" Why yun naman talaga ang plano di'ba simula umpisa palang ang p\tayin sya ng dahan dahan sa sakit tyaka ikaw din naman ang may gusto nito diba pinapadali ko na lang yang problema mo." naihilamos na lang ni Jasper ang palad sa kanyang mukha.
"Huwag mong sirain ang mga plano ko Lana." mariin at seryoso nitong saad bago umalis. Umirap na lang si Lana.
" Tinululungan na nga sya ayaw pa nya."
Ang driver ng kotseng dapat ay makakabangga kay Aliana ay walang iba kundi si Lana. Ang lahat lahat ng nangyayaring hindi maganda kay Alia ay dahil sa kanilang dalawa. Gusto ni Jasper na pahirapan muna si Aliana bago ito mawala at iyon ang hindi malamanlaman ni Lana. Hindi nya alam kung bakit ganoon ang gusto ni Jasper samantalang naging nobya naman nito ang dalaga. Pero hindi naman na nya inisip yun basta mawala lang sa landas nila si Alia .
-
YOU ARE READING
Ang Ama Ng Nobyo Ko
RomanceNiloko niya ako, ginawa niya akong tanga. Mas inuna pa niya ang kabit niya kesa sa akin na asawa niya. Buntis ako non ,nagiisa sa gilid ng kalsada at humihingi ng tulong , umaasang babalik siya,umaasang babalikan niya ako at ililigtas pero hindi siy...