AANNK 13

97 0 0
                                    


Aliana's POV:

DAHAN-DAHAN kong iminulat ang mga mata ko. Puting kisame yun agad ang bumungad sa akin ng bumaling ako sa ibang direksyon nakita ko si Mari naka higa ito sa sofa at nakanganga pa. Mahina akong napatawa. Babangon nasana ako ng makaramdam ako ng sakit sa likuran ko.

"Aray." mahinang kong daing.

"ALI huwag ka munang bumangon." nagulat ako sa biglabg pagpigil sa akin ni Mari. Kanina lang tulog sya ah. Iginala ko muli ang tingin ko sa buong silid. Wala sya nasaan sya? Bigla tuloy na lungkot ang mukha ko hindi ko alam ang nangyari sa akin pero inaasahan ko na sa pagdilat ng mga mata ko sya ang una kong makikita.

"Uyyy ayos ka lang natutulala ka nanaman." pag pukaw ni Mari sa atensyon ko. Matipid akong ngumiti dito at nag tanong.

"What happen to me?"

" Sabi ng Boyfie mo na baril ka daw teh swerte mo na nga daw dahil hindi sumkato sa puso mo yung bala." ganon pala.

" Asan na si John?"

" Hindi ko alam tinawagan nya ako at sinabing bantayan daw muna kita tapos umalis na sya." saan naman kaya sya nagpunta. Bakit sya umalis? At isa pa sino ang bum@ril sa akin?

"Mari pwedeng pahingi ng tubig." kanina ko pa nararamdaman na nanunuyot na yung lalamunan ko. Inabutan ako nito ng tubig na agad ko namang ininom.

" Beh May ideya ka ba kung sinong bum@ril sayo?" usisang tanong nito.

" Kanina ko pa yun tinatanong sa sarili ko pero wala akong maisip."

Gabi na ng makabalik si John

Nakapikit ako non ng bumukas ang pinto hindi ko naman idinilat ang mga mata ko akala ko kasi si Mari yun at lumabas lang pero
Natigilan ako ng maramdaman ko ang marahang paghalik nito sa noo ko.

" Everything will be fine my love, sisiguraduhin kong pagbabayaran nila ang ginawa nila sayo." ramdam ko ang galit sa sinabi nito pero pinipigilan lang nya. Iminulat ko na ang mga mata ko. Alam nya kung sino ang gumawa nito sa akin,gusto kong malaman kung sino ang hudas na yon

" Gising ka na?" bahagya itong nagulat. I just smiled at him.

" Alam mo kung sino ang gumawa nito sa akin? Sino sabihin mo sa akin please."

" Not now mahal , kapag magaling ka na at malakas sasabihin ko sayo for now you should rest for more energy." napakunot ang nuo ko ng ngumisi ito sa huli nyang sinabi pero binaliwala ko na lang. Siguro tama sya kapag nalaman ko kasi mag iisip lang ako ng sobra sobra at ma iistress.

Nakatulog akong hawak hawak nito ng mahigpit ang kamay kl animo'y parang may aagaw sa akin at ayaw nya akong pakawalan.

Kinaumagahan nasa tabi ko pa rin si John na nagpangiti ng umaga ko. Pero wala na si Mari marahil ay umuwi na ito. Marahan kong sinuklay ang malambot na buhok nito kamit ang isa kong kamay.

Tuluyan na nga akong nahulog sa lalaking 'to, lalaking lagi kong sinisigawan at sinusungitan, ang lalaking lagi akong iniintindi  ang lalaking gusto kong makasama hanggang sa pag tanda. Mahina akong natawa ng maisip ko pa ano kung mauna na itong mamatay sa katandaan hahaha baliw ka talaga Alia. Pero ilang taon na nga ba si John hanggang ngayon kasi hindi ko pa rin alam ang totoong edad nya ang tancha ko lang nasa mga 40+ na sya.

"Hmmm.." ungot nito. Para syang bata kung matulog. I really love this damn man.

"Good Morning." nakangiti kong bati dito. Inaantok itong ngumiti at bumati din sa akin.

" Good morning din mahal ko."napangiti ako asarin ko kaya to.

" Mahal ka dyan wala pa nga tayong label." irap kong saad dito ngumuso naman ito.

" Anong wala ikakasal na nga tayo." tumaas ang isang kilay ko.

" Di pa nga kita boyfriend ikakasal na agad tayo di ka pa nga nag pro propose sa akin." umayos ito ng upo at matamis na ngumiti sa akin.

Tapos na gulat ako kasi tumayo ito at lumuhod sa harapan ko.

"Pwede ka bang maging Misis Smith Miss Madrigal, pwede bang ikaw ang maging ina ng mga magiging anak ko? Mahal,My home,My lady can you be my wife?" hindi ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko. Akala ko ang sasabihin nya lang ay will you marry me but....

Sunod sunod akong tumango. Marahan naman nitong isinuot sa akin ang singsing na napaka ganda nakatitig ako sa singsing hindi makapaniwalang engaged na ako. Hinalikan ako nito sa tuktok ng ulo ko at niyakap.

"I love you my lady."

"I love you too my man"

Parang ang bilis man ng lahat pero para sa akin wala sa tagal o sa bilis ng pagkakakilala mo hindi yon basihan kung gaano mo kamahal ang isang tao. Dahil kung talagang mahal mo mahal mo at alam kong sya na talaga ang para sa akin ramdam ko iyo dahil sa bawat araw na nag dadaan sa mga araw na lagi kaming mag kasama, hindi ko lang masabi pero lalo ko syang minamahal sa mga kapintasan man nya o sa mabuti sa kanya  minahal ko sya dahil mahal ko sya. Siya na ata ang pinaka perpektong lalaking nakilala ko sa buong buhay ko.

"Huwag ka ng umiyak." napasinghot singhot ako pinunasan naman nito ang mga luha ko.

"John totoong Diamon ba to?" hindi ko mapigilang tanong ang laki kasi.

" Ofcourse hindi naman kita titipirin noh kahit buong kayamanan ko ubusin ko basta para lang sayo." mahina kong hinampas ang dibdib nito pinakikilig nanaman nya ako eh.

"Thank you" naka ngiti kong saad na sinuklian naman nya ng marahang halik sa labi ko.

" Ako ang dapat magpa salamat dahil dumating ka sa buhay ko dahil sayo naging masaya ulit ako, lahat ng emosyon ko lahat ng nararamdaman ko ay bumalik para sayo."

" Huh wala ka bang emosyon dati?" ngumiti ito at pinisil ang ilong ko.

"That's not what i mean silly." napalabi na lang ako dito ano bang nararamdaman nya dati na bakla ba sya dati.

" Huwag kang lumabi baka dina talaga ako maka pag pigil kahit nandito pa tayo sa ospital."

" Tumigil ka nga masakit pa nga yung tama ko eh gusto mo na agad akong patamaan nyang ano mo."

" Nung ano ko?" nang aasar nitong tanong lakas talaga ng tama.

"Kain muna tayo nagugutom na ako eh." pagiiba ko sa usapan.

"Alright bibili lang muna ako dito ka lang hah." tumango na lang ako para namang tatakas ako di na noh engaged na nga tayo eh.

______________

Andito kami sa Rooftop sabi ko kasi sa kanya gusto ko munang magpahangin.

"John"

" Hmm.."

" Naaalala mo ba nung nandun tayo sa garden di'ba dapat may itatanong ako sayo."

" Oo ano ba yung gusto mong malaman?"

" Nasaan na yung Nanay ni Jasper." diretsyo kong tanong nakita ko sa mga mata nito na parang hindi nya inaasahan ang tanong ko.

" I don't know umalis sya at iniwan sa akin si Jasper."

" Mahal mo sya di'ba kasi kung hindi ,hindi naman kayo mag kakaanak."

" No i don't love her so don't think about it"

"Pero engaged na tayo dapat malaman ko yun."

"Ayaw ko na siyang pag usapan pa."

Sasagot pa sana ako pero hinatak na ako nito pa balik sa kwarto ko.

" You should rest first, you need strength dahil pakakasalan pa kita." napanguso ako puro tulog at kain na nga lang ang ginagawa ko eh.

"Kailan ba ako pwedeng makalabas di to?"

"Hanggang sa gumaling ka."

" Magaling naman na ako baka pwede na akong maka labas ng ospital."

"Wala pang sinasabi ang doktor kaya dito ka muna." tsk penerahan ka lang non eh kahit magaling na hindi pa rin palalabasin.

-

Ang Ama Ng Nobyo KoWhere stories live. Discover now