AANNK 31

146 1 0
                                    


Nakalabas na ng ospital ai John ang sabi niya wala naman himalang mangyayari kaya kesa aksayahin niya ang oras niya sa ospital ay mag bonding na lang daw kaming buong pamilya kasama sila mama at ate.

Napatingala ako sa pangalan ng Resort "Ronosus Resort"
Mula dito sa labas ay natatanaw ko na ang loob at kahit dito sa labas ay ang ganda na.

Hinawakan ni John ang kamay ko.

"Tara na." karga karga niya si Viela at naka kapit naman sa isang kamay ko si Aiden si James at Eina naman ay nauna ng tumankbo papasok hindi naman sila mawawa dahil may kasama silang staff nitong resort papunta dun sa kwarto namin.

Tatlong araw lang naman kami dito.

Yung mga gamit din namin ay ang mga staff na ang nagdala.

May lalaking palapit sa amin parang nakita ko na siya pero hindi ko lang masyadong matandaan.

" Bro." ngumiti dito si John at tumango lang napatingin naman sa akin ito at ngumiti din.

"We met again after four years." napakunot ang noo ko

Again?

"Nagkakilala na ba tayo dati?"

"Ouch dali mo naman akong kalimutan." umakto ito na tila nasaktan.

Napailing lang si John.

"Ako to si Rohan Gwapo Santiago."

"May Gwapo ba talaga sa pangalan mo?" nagtataka kong tanong kasi hindi ko pa rin siya maalala pero pamilyar siya.

Tumawa lang ito.

"Rohan Santiago."

Sandali akong nag isip.

AHHH OO naaalala ko na.

"OO IKAW yung nag dala sa akin dati sa ospital." gulat kong saad tumango ito.

Napatingin naman ako kay John.

"Magkaano ano kayo?"

"Magkaibigan." napatango ako

"Halika na. Mauna na kami." hatak nito sa akin.

Sandali lang hindi ba nagtataka si John ba't kami magkakilala.

"Hindi ka ba nagtataka bakit kami magkakilala?" ngumiti lang ito.

"Ikinuwento na niya sa akin na may nakilala daw siya noong babae at ikaw yun."

"Eh pano niya nalaman na asawa mo ako eh hindi ko naman sinabi sa kanya ang buo kong pangalan."

"Masyado ka kasing burara at naiwan mo ang calling card mo sa coffee shop noon." natatawa nitong saad.

What pati yung sa coffee shop alam nya ang tungkol dun.. ayy malamang naikwento nga ni Rohan.

______________

"AYYY!" napatili ako ng buhatin ako ni John at ibagsak sa tubig di naman ako nasaktan dahil lagpas bewang ko na ang tubig. Agad akong napaahon at nagpunaspunas ng mukha ko at sunod sunod na huminga.

Pasaway talaga ang matanda 'to!

"IKAW!"sigaw ko dito. Humalakhak lang ito at lumapit pa sa akin.

"Ayy ano ba!" tili ko nanaman ng buhatin ako nito. pumunta ito sa medyo malalim ng bahagi ng dagat.

"Oyy wag! Ayoko!"pigil ko dito.

"Chill Wife."nakangisi pa nitong saad.

"Ayoko,ayoko!" napayaka ako ng mahigpit sa leeg nito ng binitawan nito ang pagyakap sa akin. Wala na akong natatapakan lupa at ang tubig ay nasa dibdib na ni John eh sakto namang hanggang dibdib lang din niya ako.

Ang Ama Ng Nobyo KoWhere stories live. Discover now