AANNK 24

124 0 0
                                    

Sumunod na kami ni ate na pumunta sa dining area andun na nga sila tumabi ako kay John dahil wala naman ng ibang bakanteng upuan sa kabilang gilid naman niya ay si ate Sandra.

"Kumain na tayo." ani ni mama. Nagsimula na kaming kumain.

Natigilan ako sa pagsubo ng makita ko ang namumutlang mukha ni John na kalaunan ay napalitan ng inis at iritasyon ang mukha.

Bakit naman siya maiirita   ayaw na ba niya sa presensiya ko.

Peke itong umubo at nag paalam na gagamit lang ng banyo.

Nawala naman ang atensyon ko dito ng kausapin ako ni mama.

"Kamusta na kayo? Ikaw?"

"Mabuti naman po kami. Okay din po ako." kahit ang totoo ay hindi.

Tumango tango ito.

"Anak napatawad mo na ba kami wala ka na bang sama ng loob sa amin." tanong nito na may lungkot sa mga mata. Napatingin naman ako kay papa na tahimik lang na nakatingin sa akin at nag aantay din ng sagot ko.

"Sa totoo lang po......" matagal akong na hinto. Ngumiti ito sa akin at ipinatong ang kamay niya sa kamay ko.

"It's okay kung hindi mo pa kami masasagot naiintindihan ka namin. Pero sa tamamg panahon anak malalaman mo din kung bakit namin nagawa ang mga bagay na nakasakit sayo tandaan mo lang na nagawa namin iyon para sa ikabubuti mo."

Bakit hindi pa nila ngayon sabihin sa akin?

Napalingon ako sa pwesto ni ate Sandra natigilan ako sandali ng wala akong makitang ate Sandra dun.

Umalis pala siya hindi man lang sya nag paalam.

Sandali nga lang bakit parang ang tagal naman atang magbanyo ni John masundan nga ito nakakahiya naman at ang tagal niya nasa harapan pa naman kami ng mga magulang ko.

Nagpaalam muna ako at nagtungo sa CR hindi kaya naligaw ligaw na iyon kaya ang tagal.

Napahinto ako sa isang kwarto ng makarinig ako ng ingay. Sa pagkakaalam ko ay Ang kwartong yun ay tambakan ng mga gamit na hindi na ginagamit parang bodega.

Nawala sa isip ko ang tungkol kay John dahil sa ingay na narinig ko.

"what the fuck are you doing, are you really planning to destroy my family." natigilan ako boses yun ni John ah.

" What are you talking about ikaw ang sumusira ng pamilya mo." mas lalo akong nagulat ng marinig ko ang natatawang tinig ni ate Sandra. Dahan dahan kong binuksan ang pinto at sa maliit na awang ay kita ko ang likudan ni John at ang nakangising mukha ni ate Sandra na mapaglarong nakatingin kay John.

" Ano bang plano mo." nagtitimping tanong ni John habang nakakuyom ang dalawang kamao.

Ngumiti si ate at mas lumapit pa kay John. Mapaglaro nitong hinawakan ang dulo ng neck tie ni John.

" What is my plan? To take you back again, AGAIN  naiintindihan mo ba." mabilis namang hinawi ni John ang kamay niya.

" Baliw ka na nga!"

"SHHH huwag kang maingay ikaw din baka malaman nila ang tungkol sa atin."

"Sabihin mo ano batalagang kailangan mo ibibigay ko sayo bumalik ka lang sa mental hospital na pinanggalingan mo." napakunot ang noo ko mental hospital?

Nagbago ang ekspresyon ng mukha ni ate.

"Ikaw lang ang kailangan ko."

" At anong akala mo sasama ako sa baliw na katulad mo."

"Kung hindi ka sasama sa akin sisiguraduhin ko ding hindi kayo magiging masaya ni Lian sabay sabay tayong maging miserable "*evil laugh.

Totoo ba 'to si ate nga ba talaga ang kabit ni John pero bakit? Pero bakit anong meron sila noon na hindi ko alam

Dati ba silang magkarelasyon?

" HINDING HINDI MANGYAYARI ANG PINAPLANO MO."

" Ouch!" napadaing si ate Sandra ng mahigpit siyang hinawakan ni John sa braso pero imbis ma magalit ay ngumiti pa ito at mabilis na sinunggaban ng halik ang asawa ko.

Gustong gusto ko na silang sugurin pero hindi pa pwede kailangan ko pang malaman ano ba talaga ang meron sa kanila noon at anong metal hospital.

Malakas na itinulak ni John si ate.

Para tuloy may kung anong nagdiwang sa puso ko..

Dapat lang sa kanya yan.

"Sige saktan mo lang ako alam ko namang ang kabaliktaran ng pananakit mo sa akin ay ang pagmamahal mo din sa akin." tila maluwag na nga talaga ang turnilyo sa utak ni Ate Sandra.

"Umalis ka na dahil kapag napuno ako hindi ko alam kung ano ang pwede kong magawa sayo." madiin saad ni John.

" Sige gawin mo ng sabihin ko kay Lian kung sino talaga ang kabit mo!!"

Tila tumigil ang lahat ng bagay sa paligid ko.

A-ano daw?

Kung ganon h-hindi si ate ang kabit ni John

Kung ganoon sino?

Ang Ama Ng Nobyo KoWhere stories live. Discover now