AANNK 17

77 0 0
                                    

" Saan ka galing?" seryoso kong tanong kay John ng mauwi ito. Yumakap ito sa akin at humalik sa noo ko.

" Sa trabaho syempre." tumaas ang isang kilay ko.

" Sino naman ang trinabaho mo?" kumunot ang noo nito.

" Syempre yung mga papeles sa Company."

" Siguraduhin mo lang Demitri." hindi ko na inantay na makasagot ito tinalikuran ko na ito at nagtungo sa silid ni Eina. Ala una na ng madaling araw ng umuwi si John na ipinagtataka ko na dahil hindi naman sya umuuwi ng gantong oras noon kasi ay palaging 8 or 9 pm ay nandito na sya sa bahay. Simula nitong nakaraang buwan lagi na lang syang umuuwi ng late. Pakiramdam ko tuloy may iba syang ginagawa at hindi basta trabaho lang.

Napabuntong hininga ako. Mag aapat na ang anak namin sana naman huwag na syang magloko.

Hindi ko din ma intindihan ang sarili ko. Oo may tiwala ako kay John pero hindi sa mga taong nakakasalamuha nya. Hindi ko din mapigilan hindi mag isip dahil sa mga nababasa at naririnig kong mga asawang babae na ang woman instict daw naming mga babae kadalasan ay tama. Mariin akong napapikit Sana mali ako.

Tumabi ako kay Eina na mahimbing na natutulog si Aiden naman ay nasa crib nya sa gilid ko lang din.

Kinaumagahan maaga akong nagising para maghanda ng Almusal Mag katulong naman kami si Nanny Melet kaso mag gusto ko na pag umaga ako ang nag luluto.

Bakit kaya hindi ako pinuntahan ni John sa kwarto ni Eina kadalasan kasi pagsa kwarto ako ng mga bata na tutulog paggising ko nasa kwarto na ako,sa kwarto namin ni John. Ayaw ba nya akong katabi? Galit ba sya dahil sinungitan ko sya kagabi.

Umakyat ako sa taas at isa isang ginising ang mga bata.

"Gising tanghali na oh." gising ko sa anak kong si James nasa baba na si Eina at inaantay na lang kami.

"Opo bababa na." nagpupungas pungas na sagot nito kaya lumabas na ako ng kwarto nito. Karga karga ko na din si Aiden ng pumasok ako sa kwarto namin ni John para sana gisingin na din ito pero natigilan ako ng parang hindi manlang nagusot ang bedsheet at kumot wala din sa kwarto si John. Hindi ba sya natulog? Bakit sya umalis ng walang paalam? Saan sya nag punta?

Kinuha ko ang cellphone kong nasa bulsa ko at idinial ang number ni John. Umiinit nanaman ang ulo ko sa lalaking yun. Habang inaantay na sagutin ang tawag nito ay nginingitian ngitian ko si Aiden nilalaro kasi nito ang buhok ko.

Walang sumasagot makailang beses ko na itong tinawagan tenext ko na lang ito.

'Saan ka pumunta pagkauwi mo kanina? Bakit hindi ka man lang nagpaaalam sa akin? Natulog kaba ni hindi man lang nagulo yung higaan.'

Text ko dito. Pagkatapos ay bumaba na din ako.

"Mommy almusal ka na din po." nginitian ko na lang sila at tumango naupo ako habang karga karga si Aiden.

Habang kumakain kami ay nag vibrate ang cellphone ko.

'Sorry hindi na ako nakapagpaalam mag emergency kasi sa office.'

Text nito. Emergency? Anong klaseng emergency naman yun.

"Mommy." napatingin ako kay James ng tawagin ako nito.

"Nasaan po si Daddy?"

"May emergency daw sa trabaho nya." tumango tango ito at kumain ulit.

Matapos kong maihatid ang mga bata sa school ay iniwan ko muna si Aiden kay Nanny Melet nag luto ako ng pagkain para kay John balak ko kasi ngayong pumunta sa opisina nito.

Habang tinatahak na ang daan patungo sa upisina ni John parang may kung anong kaba sa dibdib ko na hindi ko maipaliwanag. Nang nasa tapat na akong ng pintuan ng opisina nito malalim akong huminga. Ako naman ngayon ang manunuyo mukhang nagtampo sa iniasta ko kagabi. Pinihit ko na ang doorknob at ang likuran agad ng isang sexy babae ang bumunga sa akin nakaharap ito kay John. Natigilan ako sandali,

Sino ang babaeng 'to sa pagkakaalam ko lalaki ang sekretarya ni John.

" Ano bang meron sya na wala ako?! Bakit sya pa rin kahit ako ang nagpapa-" napahinto ang sasabihin ng babae ng awtomatikong napatayo si John sa pagkakaupo ng makita ako. Nagtaka ako lalo ng makita ko ang alangang ngiti nito sa akin,ang pinapapawisang noo nito at ang aligagang kilos nito.

"A-ah Lia ikaw a-anong ginagawa mo dito." lalong kumunot ang noo ko dito agad naman ako nitong hinatak palabas ng opisina nya nalalong nagbigay ng pagtataka sa akin.

" Dinalhan kita ng makakain bakit nandito tayo sa labas duon tayo sa loob." lalagpasan ko na sana sya ay papasok sanang muli sa loob ng opisina nya ng hawakan nito ang kamay ko sabay kuha sa paper bag na dala ko.

"Duon tayo sa Rooftop mahangin dun." hindi pa ako nakakasagot ng hatakin ako nito. Habang hatak hatak ako nito ay nilingon ko pa ang pintuan ng opisina nya nakita kong lumabas duon ang babae hindi  ko masyadong makita ang mukha nya dahil nakatakilid ito na patalikod.

" Sino yung babae sa opisina mo huwag mong sabihing secretary mo sya lalaki ang secretary mo Demitri." ngumiti ito sa akin pero kita ko pa rin ang paalala sa mga mata nito. Nag aalala sya? Saan?

" Isa lang sya sa mga Empleyado ko dito." sagot nito pero hindi pa rin ako kumbinsido. Namewang ako sa harapan nito at itinaas ang kanang kilay ko.

" EMPLEYADO mo eh bakit mas mataas pa ang boses sayo kanina hindi kaya babae mo?" sarkastika kong tanong agad itong umiling at tila nag papanic na humawak sa dalawa kong kamay.

"No, it's not what you think honey." nagpantig ang tenga ko sa tinawag nito sa akin ,agad kong hinatak ang dalawa kong kamay sa pagkakahawak nito. Honey? Putangina sinong honey yun?!

"HONEY?! SINO ANG PUTANG*NANG HONEY YUN?" galit kong sigaw dito.

"S-sorry nagkamali lang sorry Lia masyado na akong stress sa trabaho kaya kung ano ano na ang nasasabi ko."

"Sinasabi ko sayo Demtri malaman laman ko lang talaga na may iba kang babae hinding hindi mo nakami makikita ng mga bata." banta ko dito , kita ko naman ang takot sa mga mata nito.

" Wala akong babae Lia maniwala ka mahal kita,mahal ko kayo." inirapan ko ito at tinalikuran. Sandali akong nag isip.

" Tanggalin mo sa trabaho yung babae kanina."iba ang pakiramdam ko sa babaeng yun parang hindi lang sya bastang empleyado ni John. Wala akong pakialam kung maging makasarili ako sa paningin ni John ayoko lang na masira ang pamilya namin.

Naramdaman ko ang pagyakap nito sa akin mula sa likuran.

" Kung 'yan ang makakapagpanatag sayo."

Ang Ama Ng Nobyo KoWhere stories live. Discover now