AANNK 21

82 0 0
                                    


Sinubukan kong tawagan si John pero hindi naman niya ako sinasagot.

Mas lalo tuloy sumakit ang dibdib ko .

Pumapangit na ba ako? Ano bang pagkukulang ko? Hindi pa ba ako sapat? Bakit?

Bakit ngayon pang may mga anak na kami at madadagdagan pa.

Napaiyak na lang ako habang nakatago ang mukha ko sa dalawang palad kong nakatakip sa mukha ko.

Napatigil ako

"Mommy bakit ka umiiyak." mabilis kong pinunasan ang mga luha ko ng marinig ko ang tinig ni Eina.

"Eina." napatitig ako sa mukha nitong nag aalala.

Hindi ko na napigilang maiyak nanaman mas lalong nagpalambot sa puso ko ang mga nagaalalang titig nito sa akin. Niyakap ko ito at sa balikat nito umiyak.

"Mommy hindi ko man alam kung bakit ka umiiyak sigurado po ako magiging maayos din ang lahat kaya tahan na po." napangiti ako dahil sa sinabi nito sana nga ay maging maayos na ang lahat.

Bata palang siya pero ang matured na niya kung mag isip.

"Ayos lang si Mommy na stress lang ako at madaming iniisip." ngumiti ako at pinisil ko ang pisnge nito

Ngumiti na din ito.

"Mas lalo po kayong gumaganda kapag nakangiti po kayo."

Naiiyak akong natawa sa tinuran nito.

"Okay lagi akong ngingiti para mas maging maganda ako."

Niyakap ulit ako nito.

Ramdam ko sa mainit na yakap nito ang mainit niyang pagmamahal sa akin.

Masaya ako ang dumating silang tatlo sa buhay ko wala akong pagsisisihan kahit pa niloloko ako ng ama nila

___________

Isang araw ng hindi umuuwi si John kaya't hindi ko ito makau-kausap.

Lalo tuloy akong nilukob ng selos at galit.  Ayokong umalis ng basta hangga't sa hindi ko nalalaman ang totoo sa likod ng pambababae niya.

Pumunta akong muli sa kumpanya niya pero wala siya dun ang sabi kahapon pa daw ito hindi nagpapakita.

Ang sabi ng isa sa mga empleyado niya ay...

"Siguro po ay kasama niya ang girlfriend niyang maganda." kinikilig pa nitong saad. Kumukulo ang dugo ko dahil sa narinig ko.

"G-girlfriend?" pinilit kong pinakalma ang sarili ko pati ang kilay kong kanina pa gustong tumaas.

" Ah opo may girlfriend na po siya ang sweet nga po nila eh may mga sabi sabi pa nga pong may asawa na si sir pero hindi naman kami naniniwala dahil wala namang suot na singsing si Sir Smith."

ANO?! hindi niya sinusuot ang wedding ring namin napaka hayop talaga.

Magkita lang talaga kami ng babae niya malaman ko lang kung sino ito ay kakalbuhin ko siya.

Umuwi na lang ako dahil pakiramdam ko ay hindi ko na kaya ang marinig pa ang mga pang gagago sa akin ni John.

Akala ko ay iba sya at hindi kagaya ng pamangkin niyang mangloloko pero parehas lang pala sila. Mga manloloko!

Pagka uwi ko ng bahay medyo nagtaka ako bakit parang ang tahimik ata masyado.

"YAYA MELET!"

"Yaya!"

Makailang beses ko pang tinawag si yaya melet pero wala namang sumagot.

Aakyat na sana ako sa taas ng may mag salita sa likuran ko.

Ang Ama Ng Nobyo KoWhere stories live. Discover now