May nakita akong dumaang kung anong emosyon sa mga mata nito na agad ding nawala.
Ngumiti ito sa akin. Imbes na sagutin ang tanong ko mabilisan ako nitong hinalikan sa noo na ikinagulat ko.
"Sasabihin ko sayo pag maayos na ang lahat."
"Ah kasi ang...."
"Matulog na tayo." hinawakan nito ang kamay ko at sabay na kaming pumasok. Kung ayaw pa nyang sabihin ayos lang. Ano ba naman kasing papel ko sa buhay nya diba baka isipin pa nya pakilamera ako.
Pagkadating sa tapat ng kwarto ko akmang papasok na ako ng pigilan ako nito.
"Bakit?"
" Nasaan ang good night kiss ko?" nakangusong tanong nito. Napairap naman ako at bahagyang itinulak ang mukha nitong halos ipagdukdukan na niya sa akin.
"In your dreams." itong matandang to ang tanda tanda na kung maka asta kala mo binata pa.
"Please..." nag puppy eyes pa ito sa akin. Napaiwas na lang ako ng tingin ang cute nya kasi.
"Kiss ka dyan umayos ka nga tanda tanda mo na kaya." sumimangot ito at padabog na umalis sa harapan ko. Natawa na lang ako dahil sa inasta nito nagtampo ata dahil sa sinabi ko, daig pa ako kung mag tampo. Pumasok na lang ako ng kwarto at ibinagsak ang katawan ko sa malambot na kama.
Makakatulog na sana ako ng may marinig akong nag riring. Napakunot ang noo ko at hinanap yong nag riring wala naman akong cellphone dahil hanggang ngayon nakay John pa ito. Nang mapatingin ako sa maliit na table na nasa tabi ko duon ko nakita yung phone. Nang damputin ko ito , tyaka ko lang napansin
na ito pala ang cellphone. Bibalik na pala ni John.May tumatawag na unknow number .
"Hello?" taka kong sagot.
" How are you sisi." maarte at may hagikgik nitong saad. Agad nagbago ang ekspresyon ng mukha ko. Boses palang kilalang kilala ko na agad.
"Lana."
"Hi! Nagustuhan mo ba ang regalo ko sayo." anong regalo ang pinagsasasabi ng halipar0t na to.
" Anong regalo ang pinagsasasabi mo?"
" Oh my god your so slow. For sure naman nagustuhan mo yung pagsabog ng relasyon nyo ni Daddy John." isya pala . Sya pala ang dahilan kung bakit nong umagang yun marami ang reporters ang dumumog sa amin. Agad nanamang nabuhay ang galit sa puso ko dahil sa sinabi nito.
"Hindi ka pa ba kontento sa pang aahas mo kay Jasper at pati ang buhay ko gusto mong sirain." gigil kong asik dito.
" Ofcourse hindi pa ako kuntento antayin mo na lang ang susunod kong gagawin.... Totttttt"
Ang babaeng yun! Ano bang atraso ko sa kanya at hindi nya kayang makuntento kay Jasper na inahas nya.Buong magdamag ako dilat at hindi makatulog kaya ang ending ang laki ng eyebags ko kinaumagahan.
"Nakatulog ka ba ng maayos?" tanong sa akin ni manang Ester nandito kami sa garden sabi ko kasi sa kanya tulungan ko na syang magdilig ng mga halaman.
Napalabi ako." Hindi nga po eh ang dami po kasing gumugulo sa isipan ko eh." tinapik nito ang balikat ko.
"Ija kung may problema ka sabihin mo sa nobyo mo baka matulunga ka niya."
"Eh wala naman ho akong nobyo." ngumiti ito ng kakaiba sa akin.
"Hindi ba't nobyo mo na si Sir John." agaran akong umiling dito.
"Nako hindi ho." tinignan lang ako nito na tila hindi sya naniniwala sa sinabi ko.
"Mahal!" muntik na akong mapatalon dahil sa sigaw na iyon ni John. Wait ano daw mahal? Ako ba ang tinatawag nya?
" Andito ka lang pala kanina pa kita hinahanap." lumapit ito sa akin.
"At bakit naman?" ngumuso nanaman ito.
"Ang sungit mo nanaman sa akin bakit ba ang lupit mo sa akin?"
" Bakit mo nga kasi ako hinahanap? Pa mahal mahal ka pa dyan."
Napatigil ako ng hawakan nito ang kamay ko.
"Syempre mahal kita kaya mahal ,date tayo." napangiwi ako sa sinabi nito
"Ehem ma iwan ko muna kayo." saad ni manang Ester bago umalis.
"Huh? Edi ba bawal muna tayong magpakita sa public kasi kalat na kalat ang chismis tungkol sa atin. Baka dumugin nanaman tayo ng mga tao."
"Huwag mo nang isipin yun."
_____________
Heto kami ngayon nasa amusement park. At ang loko halos isuka na lahat ng kinain nya kanina dahil puro rides ang gusto ko kaya sama din sya sa akin. Kasalanan naman nya yan eh sya kaya ang nag aya sa akin.
"Doon tayo oh sa roller coster!" masigla kong aya dito sinubukan ko syang hatakin pero hinahatak din nya ako pa balik. Nang lingunin ko ito ay namumutla na ito shuta na sobrahan ata ang pagsakay sakay namin ng rides."
"Kaya mo pa ba? Namumutla ka." nagaalala kong tanong dito. Hindi ko alam bakit nag aalala ako eh hindi naman ako maalalahaning tao.
"Ayos lang ako. Pwede bang umuwi na tayo." lihim akong napangiti sya itong nag aya pumunta dito tapos sya din pala tong mag aaya pa uwi.
"Sige na nga." baka bigla syang mahimatay dito eh di'ko pa naman sya kayang buhatin. Ako na lang ang nag drive marunong naman ako.
Pagdating sa bahay sinalubong kami ni Manang Ester ng makita nito si John bumalatay ang pagaalala sa mukha nito.
" Ayos ka lang ba ijo? Ano bang nangyari at namumutla siya ija." napakamot ako ng batok.
" Nagsuka ho ng nagsuka kaka sakay namin ng rides." inalalayan nalang ako ni Manang na ipasok si John sa kwarto nya para kasing tutumba na sa kaputlaan.
"Uminom ka muna ng tubig." inabot ko dito yung baso ng tubig.
" Dapat sinabi mo agad na mahina yang sikmura mo di nasana kita inaya aya pang sumakay ng kung ano anong rides." nakokonsensya kaya ako.
" Magpahinga ka na lang muna." tumango na lang ito mukhang sumama nga talaga ang pakiramdam nya.
Napatingin ako sa bintana gabi na pala ng maka uwi kami. Magpapahinga na rin muna ako dahil napagod din ako ngayong buong maghapon.
Kina umagahan nagtaka ako kasi walang John ang nanggising oh sumalubong manlang sa akin. Nang tanungin ko si Manang kung nasaan si John ang sabi naman nito na sa kwarto daw nito hanggang ngayon daw kasi ay masama pa rin ang pakiramdam nito.
Pagkapasok ko sa kwarto nito ay nasilayan ko si John na mahinang nakahiga sa kama.
Mabigat ang bawat pag hinga nito. Bigla tuloy akong nalungkot wala tuloy akong masisigawan ngayong araw de charot lang. Hindi lang talaga ako sanay na ganito sya. Idinampi ko ang likod ng kamay ko sa noo nito halos mapaso ako dahil sa init nito. Ang taas ng lagnat nya. Nanghingi ako kay Ana ng bimpo at ng maliit na planggana nilagyan ko ito ng tubig at bumalik sa kwarto ni John.Pununasan ko ang leeg at braso nito at pagkatapos ay ipinatong ko sa noo nito ang basang bimpo.
Bumababa ulit ako para manghingi ng gamot kay manang.
" Manang Ester may gamot po ba kayo dyan para sa lagnat?" nagulat ito sa tanong ko.
"Nilalagnan ba si Sir?" tumango ako dito bilang tugon." Naku ija naubusan na hindi nanamin naisip ang bumili dahil sa dami ng mga ginagawa namin." napabuntong hininga na lang ako.
"Sige po manang ako na lang ang bibili."
" Pero ija ibinilin sa amin ni Sir na huwag kang hahayang basta basta na lang umalis."
" Pero manang mataas ho ang lagnat nya baka po kung mapano sya payagan nyo na ho ako." sandaling nag isip si manang bago ako pinayagan.
Binilisan ko na lang ang pagbili para makabalik agad ako baka kasi kung mapano na si John nag aalala kasi ako sa kanya hindi ko alam pero parang merong kung anong takot sa puso ko na hindi ko maipaliwanag. Pagtawid ko ay isang malakas na busina ang narinig ko pag tingin ko sa kanan ko isang kotse ang mabilis na paparating sa pwesto ko. Hindi ako makagalaw para akong na estatwa.
"AHHH!!"
-
YOU ARE READING
Ang Ama Ng Nobyo Ko
RomanceNiloko niya ako, ginawa niya akong tanga. Mas inuna pa niya ang kabit niya kesa sa akin na asawa niya. Buntis ako non ,nagiisa sa gilid ng kalsada at humihingi ng tulong , umaasang babalik siya,umaasang babalikan niya ako at ililigtas pero hindi siy...