AANNK 20

127 0 0
                                    


Pagkababa ko ng taxi ay saktong pagkakita ko kay John tatawagin ko na sana ito ng makita kong may lumapit at humalik sa kanyang babae sa pisnge. 

Nabitin sa ere ang sasabihin ko at natulala.

Tila nga slow mo ang lahat sa akin pero sa puso ko napakabilis na tumarak ang libo-libong patalim.

M-may babaeng humalik sa kanya.

Hindi,hindi ako makakapayag!

Selosa na kung selosa asawa ako at may karapatan ako.

Mabigat ang mga yapak na papalapit ako sa kinaroroonan nila John pero nakasakay na agad sila ng kotse at umalis na.

Hindi.

Napaluha na lamang ako habang nakatanaw sa kotse nyang unti unting nawawala sa paningin ko.

May babae sya totoo nga ang hinala ko.

Sandali akong natigilan.

Bakit? Bakit sya nambabae? Hindi na ba ako sapat? Hindi ko na ba sya napapasya? Paano na ang mga anak namin?

Baka kaibigan lang nya yun-pero hinalikan sya sa pisnge-pero sa pisnge lang yun.

Napahawak na lang ako sa noo ko.  Bumilis ang paghinga ko at nakaramdam ng mainit na pakiramdam.

Medyo nanlabo din ang paningin ko. Parang umiikot ang mga bagay na nakapiligid sa akin. Hindi ko na namalayan pa ang mga sumunod na nagyari naramdaman ko na lang ang malamig na semento.

SOMEONE'S POV:

Nandito ako sa harapan ng kumpanya ng matagal ko ng kaibigan  andito sana ako para kausapin sya about sa partnership naming dalawa pagdating sa mga negosyo ang kaso ay nakaalis na daw ito.

Nagtungo na lang ako patungo sa kotse ko
Habang naglalakad ako natigilan ako ng may makita akong isang babeng nakahandusay.

Nagmamadali akong lumapit dito.

Anong nangyari.

Sinubukan ko itong gisingin tinapik tapik ko ang mukha nitong napakaganda.

"Miss wake up ,Miss!"

Hindi ito gumising kaya binuhat ko na ito at dinala sa kotse ko inihiga ko sya sa likod na upuan ng kotse at nagmaneho agad papunta sa malapit na ospital.

"NURSE! NURSE!" sigaw ko pagkababa ko agad sa kotse nasa harapan kami ng isang ospital. May lumapit sa aking dalawang lalaking nurse.

"Tulungan nyo ako." saad ko

"Bakit sir may nangyari ba?" agad king binuksan ang binto ng kotse ko kung saan ko ihiniga ang babaeng nakita ko kanina.

"Nakita ko siyang nakahandusay sa gitna ng parking lot kanina i don't know what happen to her."

Agad itong kinuha ng dalwang nurse.

Nandito lang ako habang nakatanaw sa mga ito na papalayo na sa akin papasok ng ospital.

Magiging okay naman na siguro yung babae pwede ko na siguro syang iwan.

Akmang papasok na ulit ako ng kotse ng may tumawag sa akin.

"Sir sumama po kayo sa akin hindi nyo po pwedeng basta iwan ang misis nyo."

W-what? Misis what the?

Nakita ko na lamang ang sarili ko na nakabantay sa babaeng tinulungan ko kanina.

Ano bang nangyari sa kanya? Kanina pa ako napatitig sa maamong mukha nito. Ang ganda niya napahawak ako sa dibdib ko ng biglang bumilis ang puso ko sa pagtibok. Ano yun? Kunot noo akong napatingin sa dibdib ko kung nasaan ang puso ko.

"A-asan ako?"

Gising na pala sya. Lumapit ako dito.

"Kamusta na ang pakiramdam mo may masakit pa ba sayo? Gusto mo bang tumawag ako ng doctor?" nag aalala kong tanong.

"N-no i'm fine. Asan ba ako?"

Inilibot niya ang buong tingin niya sa paligid.

"Your here in Madrigal's Hospital." natigilan ito at nagmamadaling inalis ang kumot na nakabalot sa kanya nag mamadali rin itong tumayo.

Pinigilan ko siya.

"Saan ka pupunta? Hindi ka pa okay."

"Bitawan mo ako." nagpupumiglas talaga sya.

"Hindi ka nga pwedeng umalis."

"ANO BA! Bitawan mo ako sabi!" sigaw nito.

Mabuti na lang at mag doctor na pumasok nakita nito ang senaryo at may itinurok sa balikat ng babae.

Unti-unting nanghina ang babae.

"Ano ang itinurok mo sa kanya?" tanong ko sa doctor.

"Wala kang dapat ipagalala pampakalma lang iyon." nakahinga ako ng maluwag sa sinabi nito.

"Ikaw ijo ingatan mo yang misis mo lalo pa't buntis siya huwag mo siyang bigyan ng stress mabuti na lamang at makapit ang bata. Mabuti na ang kalagayan niya mamaya lang din o bukas ay makakauwi na kayo."

Buntis pala siya kung ganon nasaan ang asawa niya?

Napatingin ako sa kanang kamay niyang may singsing sa palasinsingan.

Ako tuloy ang palaging pinagkakamalang asawa niya.

Aliana's POV:

Muli akong nagising sa silid na halos puti ang kagamitan.

Napatingin ako sa gilid ko nandun pa rin ang lalaking umaawat sa akin kanina.

Tulog ito na nakahiga sa sofa.

Sinubukan kong tumayo pero kumirot ang ulo ko.

Kailangan kong umalis sa ospital na 'to

Muli kong itinuloy ang pagtayo ko at sa wakas ay nakatayo na ako ng matuwid.

Kinuha ko ang slim bag ko na nasa gilid ng kamang kinakahigaan ko at lumabas na ng kwarto pagbaba ko ay pumunta ako dun sa counter na may isang nurse dun ko binayaran ang bill ko dito sa ospital. Nagtanong pa ito kung ano daw ang buo kong pangalan sinabi ko na kang ang pangalan ko.

"Aliana Tersie Smith."

Lumabas na ako ng ospital kahit pa medyo nahihilo pa rin ako.

Bakit ba ako biglang nahilo?

Sandali akong natigilan ng maalala ko ang pagsusuka ko nung nakaraang araw.

Buntis ba ako? Sigurado ako buntis ako dahil may morning sickness ako na nararanasan ko lang kapag nagbubuntis ako madalas din akong mahilo pero hindi ko na lang pinapansin akala ko kasi noon dahil sa sa mainit na panahon

Kamusta kaya ang baby ko? Okay ba sya? Nasa t'yan ko pa din ba sya? Bigla akong napaluha paano kung nalaglag pala siya dahil sa pagbagsak ko sa semento kanina. Napatingin ako sa makabila kong binti wala namang dugo dun.

Wala din naman akong ibang nararamdaman maliban sa pag kirot kirot ng ulo ko bukod dun ay wala na.

Yung lalaki nga pala kanina hindi ko man lang naitanong ang pangalan niya hindi din ako nakapagpasalamat sa kanya.

Mariin akong napapikit ng maalala ko nanaman ang nakita ko kanina.

Hindi ko mapigilang hindi mapahikbi.

May ibang babae ang asawa ko.

Ang Ama Ng Nobyo KoWhere stories live. Discover now