Tinanggal ko ang pagkakayakap nito at muli itong hinarap.
" Ano bang meron sya na wala ako?! Bakit sya pa rin kahit ako ang nagpapa- " paggagaya ko dun sa sinabi ng babae kanina. Natigilan ito at tila kinakabahan nanaman.
Lalo lang tuloy akong nagdududu dito.
"Ah kasi na p-promote yung isa sa mga katrabaho nya nagagalit sya dahil siya naman daw ang nagpapakahirap magawa lang ang mga proyekto ng kumpanya pero iba ang na promote." naningkit ang dalawa kong mga mata.
Totoo ba ang sinasabi nito?
" Totoo yun Alia kaya please huwag ka ng mag duda sa akin. Wala ka bang tiwala sa akin?" may halong lungkot ang huli nitong sinabi.
"Kumain ka na nga lang." masungit ko saad at naupo sa upuang nasa gilid. Sumunod naman ito na upo sa tabi ko at kumain.
" Hmmm ang sha-rap na-man ng luh-toh ng a-sha-wa ko." gusto kong tumawa dahil ang cute nya punong puno kasi ang bibig nya ng pagkain kaso galit pa ako kaya inirapan ko lang ito.
" Huwag mo na akong bolahin."
"Ano? Hindi ah masarap talaga." nakangiti at maayos na nitong wika. Umirap na lang ako at sa ibang direksyon tumingin.
Ang pogi talaga nya kahit pa 48 na sya bakit ganon ang unfair yung papa ko ng 48 ang taba na at parang medyo na papanot na pero si John ang pogi pa rin talaga.
Napangiti na lang ako ng lihim. Age doesn't matter? Tama age doesn't matter , age is just a number.
"Uyy." napausog ako palayo sa kanya ng tusukin nito ng daliri nya ang tagiliran ko. Matalil ko itong tinignan. Lumabi ito sa akin.
"Huwag ka ng mag selos."
"Anong nag seselos? Hindi ako nag seselos noh." tanggi ko.
" Hindi daw kaya pala."
" Nang aasar ka ba?" napipikot kong tanong ngumiti lang ito at umiling.
Nangaasar nga.
Nabaling ang atensyon naming dalawa sa cellphone nya ng mag ring ito.
" What?" diretsyong tanong nito.
" Papunta na ako." napakunot ang noo ko.
Sino yung kausap nya?
" Sorry wife kailangan ko munang puntahan ang mga boardsmember may meeting lang kami. Huwag mo na akong antayin umuwi ka na dahil paniguradong ilang oras akong nasa loob ng meeting room." hindi na ako nakasagot ng halikan ako nito sa noo at umalis na.
Nakatingin lang ako sa pinto ng rooftop kung saan lumabas si John.
Parang may kumirot sa puso ko.
Naiintindihan kong mahalaga ang kumpanya pero bakit hindi man lang nya dinala ang niluto ko nakakailang subo pa lang sya.
Tumingala ako upang pigilan ang mga nagbabadya kong luha.
Masyado kang Oa Alia.
Pero noon kasi kahit na anong meeting kahit ano pa ang tumawag o umistorbo sa amin hindi sya basta basta umaalis ilang oras pa ang palilipasin nya bago mag tungon sa kumpanya makikipaglambingan pa sya sa akin at makikipaglaro sa mga bata
Naiintindihan ko naman na andito lang din kami sa kumpanya at importante talaga
Pero bakit ganon nasaktan talaga ako dahil lang sa maliit na bagay. Sobrang oa ko na ba?
Natigilan lang ako sa pagiisip ng mag ring ang phone ko. Tumatawag si Mari.
"Oh bakit?"
"Wala lang na boboring lang ako tara gala tayo sama natin mga bata." nanlaki ang mga mata ko tyaka na alalang uwiang na nga pala ng mga anak ko.
Hindi ko na nasagot si Mari nagmamadali na akong lumabas ng rooftop at makalabas ng kumpanya.
Pumara ako ng taxi at tinungu na ang school ng mga bata.
Pagdating duon nakahinga ako ng maluwag ng ang dalawa kong anak ay nakaupo lang sa waiting shed na nasa gilid lang ng school nila.
May ngiti sa labi kong sinalubong ng yakap ang dalawa kong anak.
"Mommy!"
Isa isa ko silang pinaghahalikan sa noo.
Kinabahan ako dun ah inisip ko baka kasi mawala ang mga anak ko o ano kaya ang makidnap.
Nako wala akong pang ransom sa mga bata.
"Bakit po ang tagal nyo?" nagtatampong tanong ni Eina.
"Sorry baby naging busy kasi si mommy don't worry hindi na 'to mauulit." hinalikan ko ito sa pisnge.
"Mommy nagugutom na po ako." wika naman ni James.
"Oh siya sige kakain muna tayo." nakangiti kong saad. Natigilan ako saglit ng maalala ko si Aiden .
Kaya tinawagan ko si Nanny Melet.
"Hello ma'm bakit po?"
" Si Aiden po kamusta po iyak po ba sya ng iyak?"
"Ayy hindi po ma'am ang bait bait nya nga po."
"Sige po mamaya lang din po ay uuwi na kami."
" Okay po ma'am ingat po kayo."
Tinapos ko na ang tawag at nag abang ulit kami ng taxi.
Habang nag aantay kami ay nagsalita si James.
"Mommy huwag nalang po kaya tayong kumain sa labas sa bahay na lang po antayin po natin si Daddy." napatingin naman ako kay Eina
"Opo mommy sa bahay na lang po tayo para makasama natin sina Daddy at Aiden."
Napangiti ako sa mga ito.
" Oh sige."
_______________
Kanina pa ako naiinip na nakatayo at nag hihintay sa labas ng pinto ng bahay namin.
Nakatanaw sa gate at matyakang inaantay ang sasakyan ni John na umuwi pati sya syempre.
Antagal ko ng nakatayo at nag aantay dito nilalamok na nga ako.
Yung mga bata nakatulog na lang din sa kahihintay sa ama nilang dumating. Kita ko ang lungkot sa mga mata ni Eina at James ng hindi namin kanina kasabay ang ama nilang kumain. Marahil ay hindi lang sila sanay.
Mag aalauna nanaman ng madaling araw pero wala pa rin John na umuuwi.
Makailang beses na akong tumawag dito at nag text pero walang respond.
Ano bang nangyayari sa kanya. Nitong mga nakalipas na buwan ay palagi na lang syang ganito laye kung umuwi.
Naiisipan ko ng pumasok sa loob duon na lamang ako mag hihintay.
Maraming tanong sa akin. Bakit parang unti unti ng nag babago si John late na kung umuwi at wala ng masyadong time para sa amin. Ang sakit lang isipin dahil pati mga bata napapabayaan nya hindi man lang nya mapaglaanan ng kahit ka unting oras.
Duda na talaga ako sa kanya. May itinatago sya o kaya ay may katarantaduhang ginagawa sa akin.
Malaman ko lang talaga kung ano o sino ang pinagkakaabalahan nya mabubugbog ko 'yon.
Lalayasan ko din sya at isasama ang mga bata hindi naman ako martir 'no
..
YOU ARE READING
Ang Ama Ng Nobyo Ko
RomanceNiloko niya ako, ginawa niya akong tanga. Mas inuna pa niya ang kabit niya kesa sa akin na asawa niya. Buntis ako non ,nagiisa sa gilid ng kalsada at humihingi ng tulong , umaasang babalik siya,umaasang babalikan niya ako at ililigtas pero hindi siy...