FOUR years have passed
"Mom, look, I got a high score in our test, I'm also the top 1 in our class." masayang saad ni Eina sa akin pagkarating niya galing school.
"Ang galing galing talaga ng anak ko." pinisil ko ang pisnge nito.
"Para po sa inyo ito di'ba po you promised to us that when we get good scores and grades we will go home to the philippines, you promised that do you remember Mom." napatingin ako kay ate Sandra na nakapamewang na nasa likuran nila Eina at James.
"Anak kasi ano.."
" Nangako ka Mom." si James.
"Gusto na po naming makita ulit si Daddy bakit po ba ayaw nyong makita namin siya. " nangilid ang mga luha ni Eina.
"Anak.."
"Mom" si James
Nahihirapan na ako bakit ba kasi ako nangako ngako
"Lian Baka oras na para umuwi." napaiwas ako ng tingin kay ate hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nakaka move on. Hanggang ngayon masakit pa rin at galit pa rin ako sa ama nila.
Pero ayoko namang mas lalo pang masaktan ang mga anak ko. Napatingin ako kay Viela ng inosente itong tumingin sa akin at ngumiti. Nakadama nanaman tuloy ako ng lungkot ng maisip ko na kahit isang beses ay hindi pa nakikita ni Viela ang ama niya at hindi ko din alam kung naaalala pa ba ni Aiden ang Ama niya.
"Okay uuwi tayo sa susunod na araw din. Kaya iayos nyo na ang mga gamit nyo." nanlaki ang mga mata nila.
"REALLY MOM! YEYYY!"
parehas nila akong hinalikan sa pisnge pagkatapos ay tumakbo na papunta sa kani kanilang kwarto.
"You also need to move on Lian it's been 4 years. Maybe it's time for you to go home and forgive."
"Pero ate parang hindi ko pa kaya."
" Kailangan kayanin mo Tatlong taon na si Viela kailanga makilala na niya ang ama niya Apat na taon na si Aiden umuwi na tayo kalimutan na natin ang nakaraan." napayuko ako at dahan dahang tumango.
Kaya ko bang patawarin pa ang ama nila? Kaya ko bang kalimutan ang panloloko nito sa amin? Sa tingin ko hindi
"Siguro nga oras na talaga para umuwi ate."
____________
Malapad ang ngiti sa labi ng mga anak ko at nawala din agad nng muli ay makatapak kami sa aming dating tahanan. Bahay na binili ni John para sa pamilya namin na ngayon ay tila isang abandonadong bahay na.
"Mom bakit parang wala ng tao sa bahay natin?" malungkot na tanong ni Eina.
"Asan na po ba si Daddy miss na miss na po namin siya." si James.
"Ah baka lumipat lang sila ng bahay i mean ang daddy nyo." si ate Sandra na ang sumagot na ngayon ay karga karga si Viela at nakakapit naman sa damit niya si Aiden.
"Uwi na muna tayo mga anak don't worry hahabapin ko ang daddy nyo." ngumiti ako sa mga ito. Malungkot silang nag sitango at bunalik sa kotse.
"Nasaan na kaya ang lalaking yun?" tanong ni ate mula sa kawalan.
" Hindi ko din alam ate uwi na lang muna tayo."
____________
"Lian nasaan ka na ba ang tagal mo inaantay ka na ng mga bata lalo na ni Viela nasaan na daw ang Mommy niya!"
"Sorry ate nag hanap pa kasi ako ng maireregalo kay Viela pero pauwi na ako nakabili na rin ako ng regalo." ang araw na ito ang ikaapat na taong gulang ni Viela ang kaarawan niya.
Kagagaling ko lang kasi sa hotel ko dahil may biglang emergency dun at dumaan pa ako dito sa Mall para sa regalo ko kay Aiden.
Sa pagmamadali kong lumabas ng Mall hindi ko napansin may tao pala akong makakabangga. Sa lakas ng pagkabangga ko dito ay napasalampak ako sa sahig at nalaglag ang mga paper bags na dala ko. Hindi naman ako nasaktan pero nagkalat ang mga paper bags at ilang mga gamit ko.
"Sorry po, pasensya na." hingi ko ng paumanhin habang nakaluhod at isa isang kinukuha ang mga paper bags at ilang mga gamit sa bag kong nalaglag.
Napatingin ako sa wedding ring namin ni John. Itinabi ko pa rin ito dahil ang kasal namin ang isa sa pinakamagandang bagay na nangyari sa akin.
Dadamputin ko na sana ito ng maunahan ako ng nakabangga sa akin.
"Here"
"Salam-"
Naputol ang sasabihin ko ng makita ko ang mukha nito mababakas din ang gulat sa mukha nito.
"J-john."
"Lia."
Halos sabay naming saad. Nabigla ako ng yakapin na lang ako nito.
Sa mainit nitong yakap tila hinaplos ang puso ko. Parang tinunaw ng mainit niyang yakap ang puso kong napuno ng galit.
Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang mga luha ko.
Ramdam ko din ang pagkabasa ng balikat ko. Umiiyak siya?
"B-bitawan mo'ko." pilit ko itong inilayo sa akin ng mapansing pinagtitinginan na pala kami.
"Ayoko hindi na ako makakapayag na iwan mo ulit ako."
"Ano ba b-bitawan mo nga ako nakakahiya na."
Paulit ulit lang itong umiling.
Sa inis ko ay kinurot ko ang tagiliran nito buti na lang at binitawan niya na ako. Nakatayo na ako at siya naman ay napahawak sa tagiliran kiyang kinurot ko. Inangat nito ang tingin sa akin. Malamig ko lang itong tinitigan at lalagpasan na sana siya pero nahawakan niya ang isa kong kamay.
Pinigilan niya ako at yumakap sa mga paa ko
"Don't leave me again please alam ko walang kapatawaran ang mga nagawa ko at sobrang pinagsisihan ko na ang katangahan ko please hayaan mo akong ipakita sayong nagsisisi na talaga ,hayaan mo akong bumawi sayo at sa mga bata."
Gusto ko siyang sampalin para magising na siya. Bakit ngayon lang? Bakit noon mas inuna pa niya ang kabit niya kesa sa akin? Paano kung nakunan ako? Paano na ako kung nangyari yun?
"Tumayo ka d'yan sa ibang lugar tayo mag usap." ibinaling ko ang tingin ko sa ibang direksyon mabilis naman itong tumayo pero hindi pa rin binibitawan ang kamay ko. Ng tignan ko ito may luha pa sa magkabilang pisnge nito. Ako na ang nahihiya sa itsura niya pinag titinginan na kasi kami.
YOU ARE READING
Ang Ama Ng Nobyo Ko
RomanceNiloko niya ako, ginawa niya akong tanga. Mas inuna pa niya ang kabit niya kesa sa akin na asawa niya. Buntis ako non ,nagiisa sa gilid ng kalsada at humihingi ng tulong , umaasang babalik siya,umaasang babalikan niya ako at ililigtas pero hindi siy...