Nagisisng ako dahil sa may mabigat na kung anong nakapatong sa puson ko.Nang idilat ko ang nga mata ko at tignan kung ano ang mabigat na yon laking gulat ko ng nakayakap at nakatanday pa sa akin si John. Dahil sa pagkagulat ay naitulak ko ito dahilan para malaglag sya sa kama.
"Aaray!" daing nito.
"A-anong ginagawa mo dito sa kwarto ko huh? At bakit nakayakap ka pa sakin!" gulat kong sigaw. Lumabi lang ito
" Natatakot ako sa kwarto ko eh." halos malaglag ang panga ko sa sinabi nito. Pero sa loob ko ay natatawa na ako.
"Sa tanda mong yan takot ka pa eh may anak ka na nga eh." hindi na nito pinansin ang sinabi ko at tumayo mula sa pagkakasalampak sa sahig.
"Mag almusal na tayo."aya nito. Ganoon lang yung walang kiss sa umaga charot landi mo Alia. Hindi ko mapigilang mapangiti sa iniisip ko. Naloloka ka na ba Alia.
Nag hilamos muna ako bago bumaba. Nangmakababa ako sinalubong ako ng inip na mukha ni John.
"Bakit ang tagal mo? Nagugutom na ako eh." parang batang saad nito. Tumaas ang kilay ko.
"Bakit sinabi ko bang hintayin mo ako." sasagot pa sana sya pero dumating si Manang Ester.
"Oh mga ija,ijo mag almusal na kayo dali na't lalamig na ang pagkain." ngumiti ako kay Manang Ester at binati ito bago pumunta sa pagkainan.
____________
"Ana pwede ko bang mahiram yung Cellphone mo?" tanong ko at maypaawa effect. Si Ana ay isa sa mga maids dito at siya na ata ang pinakamabait sa akin dito.
"Eto po oh bilisan nyo lang po ba ka magalit si Manang Ester pagnakita yan." nagtaka ako bakit naman magagalit si Manang Ester.
Matagal na akong hindi nakakapag cellphone buryong buryo na nga ako dito hindi pa kasi ibinabalik ni John ang cellphone ko. Ang tagal ko na ring hindi nakakausap si Mari. Agad kong tinawagan si Mari baka nag aalala na yun sa akin.
"Hello sino 'to?" tanong nito.
"Mari."
" OMG ALIANA MY FRIEND!" nailayo ko ang cellphone sa tenga ko makasigaw naman 'to.
"Oo kamusta ka na?" tanong ko.
" Ikaw ang kamusta na balitang balita ka na , ikaw hah tinatangi mo pa sa akin may relasyon na pala kayo ni Daddy John."
" Wala kaming relasyon okay, pero kamusta na ba yung Restaurant ko?"
" Ayon dinudumog ng mga reporters. Kailan ka ba kasi uuwi? Alalang alala na ako sayo eh."
"Hindi ko pa alam Mari. Wag ka ng mag alala nasa maayos ako."
" Oh sige mag iingat ka hah." binaba ko na ang tawag. Ibabalik ko nasana kay Ana yung cellphone pero biglang may nag notif
Nang tignan ko ,ako yun ah mukha ko yun. Nakasulat dun na"si Miss Aliana Madrigal ay pumatol sa ama ng kanyang nobyo. Ang nobyo naman nitong si Mr.De jesus labis ang sakit na nararamdaman hindi nito lubusang maisip na magagawa ito ng kanyang nobya sa kanya... " Ang kapal ng mukha ng Jasper na yun para palabasing ako pa yung nag cheat.
Tinignan ko ang mga komento.
*Ang landi naman
*Pati ama ng boyfriend niya tinira nya.
*Walang kahihiyan
*Kakadiri yucksss
*Kawawa naman si Mr. De jesus
*Malandi!
Mas lalo akong nanggigil dahil sa mga komento. Ako pa yung masama kahit ako na yung ginawan ng masama. Ibinalik ko na ang cellphone kay Ana at nag tungo sa kwarto ko.
Kaya ba ayaw akong pahawakin ng cellphone o manuon man lang sa tv ni John dahil sa mga maling inpormasyon na yun. Nakakainis! Ang galing talagang umarte ng Jasper na yan. Hindi na nahiya sa akin ako pa daw ang nag cheat samantalang i sya itong may kapatong na babae sa kama habang kami pa.
Sa inis ko ay nayakap ko na lang ng mahigpit ang unan. At sa malalim na pag iisip hindi ko namalayang naka tulog na pala ako.
"Hmmm." naalimpungatan ako ng maymaramdaman akong humahaplos sa buhok ko. Nang imulat ko ang mata ko ang gwapong mukha ni John agad ang sumalubong sa akin. Gusto kong magulat at sigawan nanaman sya kaso inaantok pa ako.
"Bakit ka nandito?" inaantok kong tanong. Hinayaan ko lang syang haplosin ang buhok ko nakakaantok kasi.
" Masama ba ang pakiramdam mo?" umiling ako at ipinikit muli ang mga mata ko.
"Gumising ka na hindi ka pa naghahapunan." hindi ko ito pinansin at nagtalukbong lang ulit ng kumot. Ramdam ko ang paghatak nito sa kumot.
"Gumising ka na." hinawakan ako nito sa magkabilang balikat at pina upo nya ng maayos.
"Inanantok pa ako eh."
" Masamang malipasan ng gutom ,halika na." hinawakan nito ang kamay ko at hinatak na ako palabas ng kwarto.
Tahimik lang kami habang kumakain.
"Bukas babalik na ako sa apartment ko." pagbasag ko sa katahimikan. Tumigil ito sa pagkain.
"Hindi pwede."naiinis nanaman ako bakit ba lagi nya akong pinipigilan akala ba nya hindi ko kayang ihandle ang mga problema ko.
"Aalis ako." madiin kong saad.
"Gusto mo bang dumuging ka ng mga reporters."
"Syempre hindi pero sasabihin ko sa kanila ang totoo na ang anak mo naman talaga ang nag cheat at wala tayong relasyon."
"At sa tingin mo maniniwala sila. Isipin mo muna ng mabuti ang mga gagawin mo."lihim na lang akong napairap. Sersermonan na naman ba niya ako.
"Matagal na akong hindi nakakapasok sa trabaho ko kailangan din ako dun."
"Hindi ka pa rin aalis." hindi ko na napigilan ang inis ko at napagtaasan ko na ito ng boses.
"Hindi mo ako pag aari para pigilan mo ,para pigilan sa lahat ng gagawin ko may sarili akong buhay at utak, kung tutuusin kasalanan mo kung bakit ako na eeskandalo ng ganito!" agad akong tumayo at iniwan syang mag isa sa hapagkainan.
Pumunta na lamang ako sa likod ng bahay.
Nakakainis lagi na lang niya akong pinipigilan madami ang bawal, at ayoko ng ganon nakakasakal. Wala pa nga kaming label kung maka asta sya daig pa nya ang strict boyfriend.
Malalim akong napabuntong hininga. Pero kung iisipin hindi din naman nya ginusto ang mga nangyari hindi din naman nya ito inaasahan. Siguro marami ding syang problema at dumagdag pa itong eskadalong ito. Para ako ngayong nagiguilty sa pag sigaw ko sa kanya at sa paninisi na rin.
Babalik na sana ako sa loob para humingi ng tawad sa kanya ng maramdaman kong may yumakap sa akin mula sa likod.
"Sorry." si John. Bakit sya nag so-sorry ako nga ang dapat mag sorry sa kanya. Mahigpit itong nakayakap sa akin habang nakapatong ang baba nya sa balikat ko.
"Ayoko lang mapahamak ka alam mo namang mahal na mahal kita." malambing nito saad. Para namang kiniliti ang puso ko dahil sa mga sinabi nito. Hinarap ko ito at bahagyang itinulak.
"Pasensya ka na din sa paninisi ko sayo at paninigaw." maamo kong saad ngumiti ito at pinisil ang magkabila kong pisnge. Hinawakan ko ang kamay nito na nakahawak sa pisnge ko at marahan ito inalis sa pisnge ko.
"Pwede ba akong magtanong?" ngumiti ito sa akin.
"Nagtatanong kana."
" Bakit De Jesus ang apilyedo ni Jasper at Smith ka naman di'ba dapat parehas kayo ng last name kasi mag ama kayo?" kanina ko pa gustong itanong yan sa kanya kasi parang ang gulo.

YOU ARE READING
Ang Ama Ng Nobyo Ko
RomanceNiloko niya ako, ginawa niya akong tanga. Mas inuna pa niya ang kabit niya kesa sa akin na asawa niya. Buntis ako non ,nagiisa sa gilid ng kalsada at humihingi ng tulong , umaasang babalik siya,umaasang babalikan niya ako at ililigtas pero hindi siy...