Aliana's POV:AFTER a week sa wakas na kalabas na din ako ng ospital, maayos na ang pakiramdam ko at ngayon nga ay pauwi na ako sa bahay na ni John sabi nya tutal naman daw ay ikakasal na kami ay duon na daw ako sa kanya tumira.
Kanina ko pa nga siya hinihintay kasi ang sabi nya susunduin niya ako pero kanina pa ako nakatayo dito pero hindi naman sya dumating kaya napagpasyahan ko na lang na magisa na lang akong uuwi delikado na lalo pa't palalim na ng palalim ang gabi. Ngayon naman ay ng aantay ako ng taxi kaso parang wala namang dumadaan.
Natigilan ako ng isang itim na van ang huminto sa harapan ko kaya napaatras ako,hindi maganda ang pakiramdam ko sa van na ito. Mula sa Van ay lumabas ang tatlong lalaki at tinangka akong abutin pero agad akong nakatakbo pero hindi pa ako nakakalayo ng maabutan ako ng isa sakanila.
"BITAWAN NYO 'KO TULONG TULONGGGG!!!" nagpipiglas ako sa pagkakahawak sa akin ng dalawang malalaking lalaki kinakaladkad nila ako papasok ng van kaya todo sigaw talaga ako.
"TULONG!! SAKLOLO!! TULONGGG!!" halos maubos na ang tinig ko pero ni kahit isa ay wala namang dumating para tulungan ako.
"Ano bang kailanga nyo bitawan nyo ako!" pilit pa rin akong kumakawala sa kanila ng maisakay na nila ako sa Van.
" Manahimik ka babae!" sigaw ng isa sa kanila matalim ko itong tinigna.
" Edi pakawalan nyo ako!"
"TAHIMIK!!---UGH!!" natahimik lang ako sa pagsigaw ng sikmuraan ako ng isa sa kanila
T@ngina nawalan ako ng lakas dahil sa suntok na yun. Unti unti na rin nagdidilim ang paningin ko. Ano bang kailangan nila sa akin?Third Person's POV:
Halos sumabog sa sobrang galit si John ng malaman nito ang pagdukot na nangyari kay Aliana. Sinsisi nya ang sarili dahil hindi nya agad na sundo ang babae. Hindi nya agad ito na sundo ng mayroon mga tarantado ang humarang sa dadaanan niya kanina napatumba naman nya lahat ng mga ito pero ng saktong makarating sya sa Restaurant ni Alia ay nalaman nyang wala na pala ito kasabay pa non ang pagtawag sakanya ni Hanso ng ibalita nitong nakatakas si Jasper mula sa kanila.
" Hanapin nyo si Aliana huwag kayong babalik dito hangga't hindi nyo sya nakikita kung ayaw nyong mga bungo nyo ang pasabugin ko! " galit na galit nitong utos. Hindi nya alam saan nya ba hahanapin ang dalaga halos mabaliw na nga ito sa kakaisip at sa matinding pag aalala. Sa pagkakataong ito talagang natatakot na syang baka may masama ng nangyari dito lalo pa't nakatakas si Jasper.
"Who the hell is this!?" galit na sigaw nito sa taong kausap sa telepono.
"Pumuta ka sa location na ipapadala ko kung ayaw mong mawala sayo ang pinakamamahal mo." ang boses na yun, hinding hindi sya pwedeng magkamali.
"JASPER WHERE THE H*ll ARE YOU! IBALIK MO SI ALIA!"
" Nope malaki ang kasalanan sa akin ng mga magulang nya kaya dapat pagbayaran nya. Huwag na huwag kang magsasama ng mga tauhan mo o pulis or else gusto mo talagang mawala sayo ang pinakamamahal mo." halos masira na ang teleponong hawak ni John dahil sa labis na galit. Nang tignan nito ang address na ibinigay ni Jasper agad itong nagmaneho pa punta sa addres ng mag isa.
Aliana's POV:
Pinipilit kong tanggalin ang pagkakatali ko sa upuan ng bumukas ang pinto ng silid na pinagkukulungan ko.
Hindi makapaniwalang napatitig ako sa taong nasa harapan ko. Ang taong iyon ay walang iba kundi si Jasper na may pinaglalaruang patalim sa kanyang kanang kamay . May nakakalokong ngisi din ito sa kanyang mga labi habang nakatingin sa akin.
A-ano? Bakit ikaw? Ano bang kasalanan ko sayo?" sunod sunod kong naguguluhang tanong dito.
Dahan dahan itong lumapit sa akin.
YOU ARE READING
Ang Ama Ng Nobyo Ko
RomanceNiloko niya ako, ginawa niya akong tanga. Mas inuna pa niya ang kabit niya kesa sa akin na asawa niya. Buntis ako non ,nagiisa sa gilid ng kalsada at humihingi ng tulong , umaasang babalik siya,umaasang babalikan niya ako at ililigtas pero hindi siy...