Third person's POV:"OMG teh buti naman naisipan mo ng bisitahin 'tong Restaurant mo!" wika ni Mari ng sa wakas ay mag kita na silang muli ng kaibigan. Nahihiyanamang ngumiti dito si Alia.
"Pasensya ka na hah ang strict kasi ni John tyaka alam mo naman yung nangyari di'ba pero salamat ng malaki Mari kung wala ka di ko na talaga alam ang gagawin ko." ngumisi ito ng mapang asar.
" Owss John na lang ,So strict pala sya?" mapang asar nitong tanong. Napaiwas ng tingin si Lia.
"Sabi na nga ba eh kayo din ang magkakatuluyan." natutuwang saad nito.
" Hindi pa kami noh." pagtanggi ni Lia. Mahina naman syang kinurot sa tagiliran ni Mari.
"Lelang mo. Aminin mo mahal mo na?" muling nagiwas ng tingin si Alia.
"Hindi ko alam,ewan ko."
" Gaga ano di mo alam nakasama mo ng halos isang linggo sa iisang bubong pa. Imposible namang walang romantic scene na nangyari sa inyo."
" Eh kasi yung mga nararamdaman ko sa kanya hindi ko naman naramdaman kay Jasper." matalim itong tinignan ng dalaga dahil sa ginawa nitong paghampas sa kanyang braso. Mapanakit talaga ang bruha.
" Malamang hindi mo naman Forever si Jasper."
" But im sure you already fall for him." manghuhula ba 'to. Pero sa tingin ko tama sya. Yung mabilis na pagtibok ng puso ko tuwing kasama ko si John ,yung parang may kung anong gumagalawa sa tyan ko, tyaka sa kanya lang ako kinilig ng todo. Ang naiwika ni Alia sa kanyang isipan.
" Tama ka." pagsang ayon ni Alia dito at malungkot na tumingin sa mga mata ni Mari."Pero pa ano kung hindi naman talaga nya ako mahal?" kumunot ang noo ni Mari.
" Pinagsasasabi mo dyan eh di'ba nililigawan ka nya tapos sabi mo pa ramdam mong mahal ka talaga nya."
"Nagka usap kasi kami ni Jasper kahapon ang sabi nya sa akin minahal lang daw nya ako dahil kamukha ko ang ina nya at ganun din daw ang kanyang ama." paliwanag nito.
" Totoo nakita mo na ba yung nanay ni Jasper?" gulat na tanong ni Mari umiling si Alia dito.
" Hindi pa ni kahit sa larawan nga ay hindi ko pa na kita."
"Eh bakit hindi mo tanungin si Uncle John para naman hindi yung ganyan ,yung naguguluhan ka. Pero beh what if totoo pala noh anong gagawin mo ngayong mahal mo na pala sya?"
"Hindi ko alam, baka aalis na lang ako sa buhay nya."
" pero beh what if din patay na pala yung nanay ni Jasper at wala ng gugulo sa inyo mag iistay ka pa rin ba?"
"No."
"Bakit naman eh magiging masaya naman na kayo nun."
" Dahil kung ganoon man ay hindi totoo ang pagmamahal nya sa akin , mahal nya lang ako dahil kamukha ko ang dati nyang asawa at ibigsabihin non mahal nya pa rin ang nanay ni Jasper."
" Pero bago ka mag isip ng kung ano ano bakit hindi mo tanungin si Uncle para maliwanagan ka at hindi na mag isip malay mo naman kasi gusto lang kayong sirain ni Jasper di'ba." napatigil si Alia. Sirain silang dalawa ni John.
" Pero bakit naman kaming gustong sirain ni Jasper?"
" Aba'y ewan."
Aliana's POV:
Nang matapos ang trabaho ko ay sumalubong sa akin si John malawak ang ngiti sa mga labi nito. Matipid lang akong ngumiti dito. Umakbay ito sa akin.
"Bakit ang tamlay mo ngayon?"
" Ikaw maayos na ba ang pakiramdam mo." pagiba ko ng topic at marahang inalis ang pagkaka akbay nito sa akin. Kumunot ang noo nito.
"Bakit?" ang tinutukoy nito ay ang pag alis ko ng kamay nya sa balikat ko.
"Gusto mo bang ma eskandalo nanaman tayo."
"John pwede ba tayong mag usap sa tahimik na lugar yung tayo lang."
"Ofcourse tungkol saan ba?" iginaya ako nito paputang kotse nya.
Inihinto nya ang sasakyan nya sa harapan ng isang Garden.
Nangmakapasok sa loob ay mama mangha katalaga dahil sa dami ng bulaklak na makikita mo sa paligid at sa mga paro parong lumilipat.
"Ano bang gusto mong pag usapan natin?"
Nag dadalawang isip pa ako kung itatanong ko ba sa kanya yung tungkol sa nanay ni Jasper o hindi. Huminga ako ng malalim bago mag salita. Nang ibubuka ko nasana ang bibig ko ng may roon akong naramdamang malamig na maliit na parang bakal ang tumama sa likod ko.Hanggang sa unti unti akong nawawalan ng balanse at napakapit na lang sa magkabilang bisig ni John.
"Alia bakit-----" natigilan ito ng mapakapit sa likod ko na ngayon ay may roong pulang likidong lumalabas. "ALIANA!" hinawakan ako nito sa magkabilang balikad ko at bahagyang inalog alog." TUMAWAG KAYO NG AMBULANSYA!! BILIS!!" unti unti nang nag didilim ang paningin ko pero bago tuluyang magblangko ang lahat nasabi ko pa ang mga katagang "M-mahal kita J-john." ngumiti ako dito at marahang pinunasan ang pisnge nito kung saad basang basa ito ng mga luha nya.
Hindi ako nakaramdam ng sakit tanging pamamanhid lang ng hindi ko alam bakit ganon ang pakiramdam ko. Inaantok na ako parang gusto ko ng matulog.-
YOU ARE READING
Ang Ama Ng Nobyo Ko
RomanceNiloko niya ako, ginawa niya akong tanga. Mas inuna pa niya ang kabit niya kesa sa akin na asawa niya. Buntis ako non ,nagiisa sa gilid ng kalsada at humihingi ng tulong , umaasang babalik siya,umaasang babalikan niya ako at ililigtas pero hindi siy...