"Namiss kita Aliana anak ko." maluha luha akong niyakap ni mama.Hindi ko alam kung anong sasabihin ko o irereac ko.
Alanga akong ngumiti dito mahigpit naman ako nitong niyakap.
Hindi ako sanay ng ganito siguro dahil matagal ko na din silang hindi na kikita kaya naninibago ako.
Nasa likudan ni mama sina papa at ate Sandra , nakangiti ng malawak si ate si papa naman ay tipid lang ang ngiti sa labi ngayon ko lang makitang ngumuti si papa dahil laging seryoso o kaya ay nakakunot ang noo nito.
Humiwalay si mama ng pagkakayakap sa akin at napatingin sa mga anak ko.
Naluluhang napatingin sa akin si mama.
"S-sila na ba ang mga apo ko?" tumango ako dito.
Tumungkoyod si mama para makapantay sina Eina at James.
"Hi!Ako ang lola nyo ang mama ng mama nyo. Ako si Lola Tersing nyo" nakangiti niyang pakilala. Lumingon ito kay papa at ate.
" At sila ang lolo at Tita nyo."
Ngumiti si Eina at niyakap ang lola niya habang si James ay tahimik lang at nakayuko.
"Hi po lola Tersing kinuwento ka po sa akin ni tita Sandra kanina."
Niyakap din siya ni mama.
Napatingin naman ito kay James.
" Apo" pagtawag nito kay James at inanyayahan itong yakapin siya. Pakawari ko ay nahihiya si James pero lumapit naman at niyakap ang lola niya.
"Iyon ang lolo Andrew nyo lapitan nyo siya." sumunod ang mga anak ko at lumapit at yumakap din kay papa.
Na balik naman ang tingin ko kay mama ng kunin niya si Aiden mula kay John at kargahin.
"Ang bunso kong apo." pinaulanan nito ng halik si Aiden. Napatingin naman ako kay John na agad nag iwas ng tingin sa akin. Matalim ko pa rin itong tinitigan.
Hindi pa kami tapos.
Hindi ko dapat siya isasama dito at hindi din dapat ako pupunta dito kung di lang ako pinilit ni mama at ate.
...Flashback...
" Sino ang kabit mo? Anong pangalan niya? Kilala ko ba siya? Sabihin mo sa akin para hindi ako nag mumukhang tanga."
Sasagot na sana ito ng mag ring ang cellphone ko kinuha ko ito at sinagot tinalikuran ko muna si Demitri at medyo lumayo dito.
Sino naman 'to unknown number na 'to
"Hello Sino?" seryoso kong tanong.
"Si Sandra ito." si ate
Bakit naman siya napatawag kagagaling lang niya dito ah."Ate bakit."
"Gusto ka kasing makausap ni mama baka daw kasi hindi ka pumunta " tahimik lang akong nakikinig dito.
"Hello anak Alia si mama mo ito anak pumunta ka gusto na kitang makita ulit, gusto na kitang mayakap ulit." nabasag ang boses nito sa huling sinabi niya.
Napapikit na lang ako bakit ganon may kumurot pa rin sa puso ko. Ang sakit palang marinig ang sarili mong ina na umiiyak.
"M-ma."
"Lian pumunta ka na pagbigyan mo na kaming makabawi sayo." boses ni ate Sandra iyon.
"Miss na miss ka namin ng papa mo Alia." si mama.
Sandali akong nag isip baka ito na nga talaga ang oras para sa amin para tuluyan ko na silang mapatawad at mabuong muli kami kahit pa unti unti namang nawawasak ang sarili kong pamilya.
"S-sige po p-punta ako."
"Talaga! Mabuti kung ganon isama mo ang mga apo ko anak." naging masigla na ulit ang boses ni mama.
"Opo."
"Masaya akong marinig yan Lian aantayin ka namin. Aantayin namin ang mga bata at ang ASAWA Mo." huling saad ni ate bago ko tapusin ang tawag.
Bakit kailangan pa niyang diinan ang salitang ASAWA MO napailing na lang ako. Bakit kailangan isama ko pa ang walangyang yun.
Bumalik ako sa harapan nito.
"Tumayo ka d'yan ayusin mo ang sarili mo pupunta tayo sa bahay ng mga magulang ko." madiin at malamig kong saad. Hindi ko na inantay pang magsalita ito umakyat na ako sa taas ang pinagbihis ang mga bata.
"Mom bakit po kayo nag aaway ni Dad?" biglang tanong ni Eina. Natigilan naman ako sa pagtatali ng buhok nito.
"Hindi kami nag aaway anak unting tampuhan lang." pagsisinungaling ko. Tumango naman ito.
"Dapat po ay magbati na kayo para happy family na ulit tayo."
Hindi na tayo magiging katulad ng dati anak. You're father betrayed me. He lie and cheated on me. Kaya magpanggap ng mga salita at kilos ko pero hindi ng puso at mga mata ko.
" I try baby. Tara baba na tayo. Excited ka na bang makilala ang lola at lolo mo." pagiiba ko ng topic masaya itong humarap sa akin at humawak sa kamay ko.
"Opo i'm so Excited na po finally ma mi-meet ko na din sila." ngumiti ako dito. "Let's go na anak."
Pagkababa namin ay nag aantay na si Yaya melet pati na si John na karga karaga si Aiden at hawak hawak sa kabilang kamay si James.
"Ma'am sasama pa po ba ako sa inyo?" tanong ni yaya Melet.
"Hindi na ya Bantayan mo na lang at alagaan ang apo mo." tukoy ko sa apo apuhan nitong si Sairi.
Ngumiti ito sa akin at tumango."Mag iingat po kayo."
...End of flashback...
"Lian are you okay?" bumalik ako sa reyalidad ng ilang beses na pumitik pitik sa harapan ko si ate Sandra.
"O-oo okay lang ako." ngumuti ito.
"Halika na kakain na tayo,tayo na lang ang naiwan dito kanina kapa kasi tulala diyan." pagtingin ko nga sa paligid ko ay wala ng ibang tao kundi kaming dalawa na lang malamang nasa dining area na sila.
YOU ARE READING
Ang Ama Ng Nobyo Ko
RomanceNiloko niya ako, ginawa niya akong tanga. Mas inuna pa niya ang kabit niya kesa sa akin na asawa niya. Buntis ako non ,nagiisa sa gilid ng kalsada at humihingi ng tulong , umaasang babalik siya,umaasang babalikan niya ako at ililigtas pero hindi siy...