AANNK 15

128 0 0
                                    


Third Person's POV:

DAHAN-dahang pinasok ni John ang abandunadong building ang lugar kung saad dinala si Alia ng mga kumidnap  dito.

Marahas at maingat ang bawat galaw nya. Hindi sya pwedeng makita ng mga tauhan ni Jasper kailangan nya munang makita at maitakas si Alia bago nya harapin ang mga ito. Nasa 4th floor na sya at pa akyat na sana sa 5th floor ng marinig nito ang nahihirapang sigaw ni Alia.

Dali dali nitong hinanap ang silid kung saan ng gagaling ang sigaw. Dahan dahan nyang pinuksan ang pinto ng kwarto at halos gusto na niyang sugurin si Jasper ng makita nito ang kalagayan ni Alia may sugat sa pisnge,may pasa sa gilid ng labi at sabu-sabunot ni Jasper.

Nanlambot ang ekspresyon ni John ng makitang na hihirapan si Alia. Inilabas nya ang nag iisang baril na dala nya. Maingat syang pumasok at ng makalapit ay itinutok nya sa ulo ni Jasper ang bala na nag patigil dito na mas lalo pang higpitan ang pagkakakapit sa buhok ni Alia.

" Pakawalan mo sya." malamig pero seryosong utos nito.

"J-john" Nanghihinang tawag ni Alia dito.
Nang mapatingin si John dito ay mabilis na humarap si  Jasper at nakipagtutukan din ng baril dito. Pagkatapos ay dahan dahang umatras palapit kay Alia. Nakaatutok ang baril ni Jasper kay John habang kinakalagan nito ng tali si Aliana ng matanggal ito sa pagkakatali ay marahas itong hinatak sa braso ni Jasper.

" Iputok mo ng sa harapan mo mismo sumabog ang bungo ng babaeng 'to." nakangisi nitong banta kay John na hindi naman ng nagbago ang ekspresyon ng mukha na malamig pa rin na katingin sa kanya. Pero sa kaloob looban nito ay gusto na niya patayin si Jasper ang kaso ay baka mapahamak si Alia.

Isang putok ang pinakawalan ni Jasper para marinig iyon ng mga tauhan nya at pumasok sa loob ng silid.

Wala pamang ilang sandali ay nagsi datingan na nga ang mga armadong tauhan ni Jasper at ang mga baril ng mga ito ay nakatutok lahat kay John.

" Wala na kayong kawalang dalawa ngayong parehas nyo ng makikita si San pedro." halakhak ni Jasper na mas lalong nagpagalit kay John.

" Ibaba mo yang baril mo kung gusto mo pang mabuhay ang pinakamamahal mo." alam ni John na kapag nagkataon na hindi nya ito sinunod papatayin nito si Alia pero kung susunod muna sya at sasakyan ito ay baka mailigtas nya ang dalaga. Nang tignan nya si Alia umiiyak ito at paulit ulit na umiiling.

"Huwag mo syang sundin papatayin nya pa rin ako kahit gawin mo yan!" sinikmuraan ito ni Jasper ,kikilos na sana si John ng maramdaman nya ang malamig na nguso ng baril sa likudan ng kanya ulo.

" Isang maling galaw mo lang pasasabugin ko ang bungo mo." ani ng lalaking nasa likuran nya.

Wala na syang pag pipilian pa. Dahan dahan ng ibinaba ni John ang baril nya at sinipa sa direksyon ni Jasper . Lalo namang lumawak ang ngiti nito.

" Ganyan dapat sumunod ka Uncle kung gusto mo pang makita ng kahit ilang saglit ang babaeng pinakamamahal mo." tamang chempo lang ang iniintay ni John bago kumilos.

" Uncle salamat at pinalaki mo ako dahil sayo nagawa ko ang mga plano ko salamat talaga." parang baliw na nakangiti si Jasper habang sinasabi ito.

" Walang kasalanan dito si Alia." alam ni John ang lahat lahat at alam din nyang ang talagang pulot dulo ng lahat ng ito ay walang iba kundi ang kanyang mga magulang
Kundi lamang sila humadlang sa kanyang kapatid walang ganitong pangyayari.

" Kasalanan na din niya ang kasalanan ng mga magulang nya Uncle. Ang buhay na kinuha ng kanyang ama ay dapat bayaran din ng buhay. Sige Itali nyo sya."

Nang tatalian na sana sya ng isang lalaki ay agad nya itong sinikmuran  at ginawang panangga sa mga balang dapat ay sa kanya tatama hatak hatak ang katawan ng lalaki nagtago sya sa kabilang pader. Kinuha nya ang baril ng lalaking ginawa nya panangga kanina.

Ang Ama Ng Nobyo KoWhere stories live. Discover now