Paglabas ko ng restaurant sumalubong agad ang mukha ni Uncle John sa akin."Ba't andito ka pa?" masungit kong tanong.
" Sabi ko sayo aantayin kita di'ba." nakangiti nanaman sya. Umirap na lang ako at nilagpasan sya.
"Galit ka ba dahil sa nangyari kanina? " at ipinaalala pa nga.
" Please lang lumayo ka na sa akin."
" Huwag mo naman akong itulak palayo sayo." ng lingunin ko ito may lungkot sa mga mata nito.
"Niloko ako ng anak mo at maynangyari pa sa atin isipin mo nga kung malalaman yun ng mga tao isa yong napakalaking kahihiyan. Parang ama na kita ." pinilit kong ikalma ang boses ko at hindi maiyak.
" Alam kong hindi mo ako gusto kaya gagawin ko ang lahat para mahalin mo ako."
"Impossible."
"Hayaan mo akong iparamdam sayo yung hindi na iparamdam sayo ni Jas .Mahal mo pa rin ba sya hanggang ngayon? Kaya ba ayaw mong nilalapitan kita?" oo mahal ko pa rin sya wala pa ngang isang linggo mula ng maghiwalay kami.
"Please pagbigyan mo ako kahit ngayong gabi lang." nagsusumamo ang tinig nito. Para namang tinutunaw ang puso ko para akong na gu-guilty. Ngayon lang naman eh.
"Fine." sumilay ang malaking ngiti sa labi nito. Hinawakan nito ang kamay ko at hinatak ako sa kotse nya. Ang bilis mag bago ng mood ah.
"Saan ba tayo pupunta?"
" Mag de-date." napairap ako.
"Alam ko. Ang itinatanong ko saang lugar?"
"Hehehe dun sa Gracies." hmm ano kaya ang pagkain dun. Pagkahinto ng sasakyan bababa na din sana ako pero pinigilan ako nito. Sya ang nagbukas ng pinto ng kotse inilahad pa nya sa akin ang kamay nya. Nakangiti ito habang hawak hawak ang kamay ko. Napaiwas ako ng tingin dahil sa pamumula ng pisnge ko .
Bakit para akong kinikilig? Tumigil ka nga aliana parang tatay mo na yan.
Nang makapasok dun sa Gracies na sinabi niya ay halos malaglag ang panga ko dahil sa pagkamangha. Ang ganda ganda dito halatang 5 star restaurant at lalong nagpaganda dito ang fountain na nasa gitna at tanawin sa labas na parang lake at may iba't ibang bulaklak.
"Nagustuhan mo ba dito?" nabaling ang atensyon ko dito. Nakangiti akong tumango dito. Hindi ko muna sya susungitan ngayun sayang yung magandang view kung magagalit nanaman ako.
Dinala ako nito sa isang napaka gandang silid parang napapalamutian ng ginto sa siliid na yun ay ilan lang ang nakain na halatang mayayaman. My gosh di ako na inform mayaman pala talaga ang ama ni Jas.
May lumapit na waiter sa amin at nag tanong kung ano order namin dahil wala akong alam sa mga pagkain dito ipinaubaya ko na iyon kay Uncle. Pakiramdam ko naiilang na akong tawagin syang Uncle kase....... basta.
Pero para namang nakakabastos kung John lang di ba mas matanda pa rin kaya sya sa akin.
Maya maya ay dumating na ang mga inorder ni ... Hyssttt. Ano bang itatawag ko sa kanya huhuhu. Bahala na basta kakain muna ako.
Isang subo palang pakiramdam ko dinala na ako ng nginunguya ko sa langit. Para tuloy nanglit ang restaurant ko ,well mamahaling Restaurant 'to eh .
"Masarap ba?" tumango tango na lang ako puno kasi ng pagkain ang bibig ko. PG na kung PG ang sarap kasi eh.
______________
Pagkatapos namin kumain ay ihinatid ako nito pa uwi.
"Bukas ulit susunduin kita 6am palang andito na ako."
"Kahit hindi na pero salamat sa pag hatid at sa pagdala sa akin dun sa Gracies." matipid ko itong nginitian " I-ingat ka." pagkatapos sabihin yun ay pumasok na ako sa apartment ko. Pagkasarado ng pinto napasandal ako dito. Bakit sa tuwing kaharap ko sya ang lakas ng pintig ng puso ko?Napapikit ako at Napakapit sa dibdib ko at malalim na huminga.
"HOY ano yan teh!" halos ma pa talon ako dahil sa sigaw nito.
"M-mari?MARI! ANONG GINAGAWA MO DITO!?"
"Duhh malamang may susi ako nito." itong impaktita na ito parang kabuting bigla bigla na lang lilitaw.
"Uyy kita ko kung sino nag hatid sayo." panunukso nito at sinundot sundot ang tagiliran ko.
"Ano!?"
" Ay galit agad? So ano yun kwento mo naman bespren mo kaya ako."
" Chismosa."
"Bili na ikwento mo na, may ikwe-kwento din ako sayo." mga lalaki mo lang naman ikwe-kwento mo eh.
"Saan kayo nag punta?" wagas kung maka ngiti habang excited na inaantay ang sagot ko.
"Sa Gracies daw well alam mo ang sarap ng pagkain dun tapos ang ganda ng view gusto ko nga sanang bumalik dun kaso mamahalin mga foods dun di ko afford."
"Luh tehh---ARAY." Lakas makahampas sa braso eh.
"Sorry naman pero aminin mo na enjoy mong kasama si Daddy John noh." Ayan nanaman sya nang aasar.
"Hindi noh."
Tumili lang ito halatang di naniniwala sa sinabi ko.
"Lokohin mo na sila wag lang ako teh tagal na nating magkaibigan kilang kilala na kita ." tumayo na lang ako sa pagkakaupo.
"Bahala ka kung ayaw mong maniwala edi wag." isinarado ko na ang pinto ng kwarto ko. Dun sya sa sofa matulog iniinis nya ako ah. Hahahahaha hindi naman mananakit ang likod nya ang lambot lambot kaya ng sofa ko.
YOU ARE READING
Ang Ama Ng Nobyo Ko
RomantizmNiloko niya ako, ginawa niya akong tanga. Mas inuna pa niya ang kabit niya kesa sa akin na asawa niya. Buntis ako non ,nagiisa sa gilid ng kalsada at humihingi ng tulong , umaasang babalik siya,umaasang babalikan niya ako at ililigtas pero hindi siy...