"Iha magpahinga ka na muna." tinapik ako ni Tita Jennie sa balikat. Matipid akong ngumiti dito. Nalaman ko na kaya pala nya nalaman kung nasaan kami ay dahil tinawagan sya ni John at tinawagan naman nya ang mga pulis naisip daw kasi ni John na baka pagnakita ni Jasper ang kanyang ina ay umamo ito at magbago ng isip."Ayos lang po ako."
" Iha kailangan mo din ng pahinga para sa magiging anak mo." alam ko pero hindi din naman kayang bastang iwan na lang si John. Mag iisang linggo na din ang nakakalipas matapos ng mga nangyari. Mag iisang linggo na ding nakaratay si John dito sa ospital. Si Jasper naman ay nagamot na ng mga doktor at sa makalawa lang din ay ipapasok na sya sa bilangguan.
Alam kong marami syang nagawang masama at mali pero dahil lang din siguro iyon sa mga naranasan nya at sa mga maling pag aakala nya.
Ngayon Ako at si tita Jennie ay parehas na binabantayan si John. Gusto ko na syang magising gusto ko ng sabihin sa kanya na mag kakaanak na kami. Makakabuo na kami ng masayang pamilya.
"I'm fine tita." hinawakan nito ang dalawa kong kamay.
" Ako na ang humihingi ng tawad sa mga nagawa sa inyo ng anak ko, sa akin kayo dapat magalit kasi kundi ko sya iniwan at tinalikuran hindi sana sya magkakaganito im really sorry Alia." nakita ko ang matinding pagsisisi at lungkot sa mga mata nito.
" I already forgive him Tita don't sorry to me wala ka namang masamang ginawa sa amin siguro puntahan mo na lang si Jasper sa kanya ka humingi ng tawad." ngumiti ito sa akin. "Tama ka." tumayo ito at lumabas ng silid. Malamang ay pupuntahan nya si Jasper.
Ang gusto ko na lang ngayon ay kapayapaan at magising na si John .
Hinawakan ko ang kanang kamay nito.
" Gumising ka na please kailangan kita eh kailangan ka ng magiging anak natin." napasinghot ako ng pakiramdam ko ay tutulo na ang uhog ko sinipon na ako kakaiyak sa kanya ng halos anim na araw.
" Gusto ko ikaw yung bumili ng Duriang pinaglilihian ko kaya please gumising ka na." hindi ko na napigilang mapayakap at mapahagulgol. Napatigil ako sa pagiyak ng maramdaman kong gumalaw ang kaliwang kamay nito at iniyakap sa akin.
"B-bakit ka umiiyak? Sinong nagpaiyak sayo?" Totoo ba to?! Napalayo ako dito. Hindi ako makapaniwalang napatitig dito. G-gising na sya. Muli nanamang parang may tumusok sa puso ko at mas napaiyak ng malakas.
"JOHN! HUHUHUHU!" sinunggaban ko ito ng sobrang higpit na yakap.
" A-aray ko. W-wait hindi a-ako makahinga." agad kong niluwagan ang pagkakayakap ko dito.
"Im sorry may masakit ba sayo? Maaayos na ba ang pakiramdam mo?" usisa ko ngumiti ito at marahang pinisil ang kamay kong hawak hawak nya.
" Maayos na maayos lalo na't ikaw ang una kong nakita sa paggising ko." nangilid nanaman ang mga luha ko. Bakit ba ako ganito ang oa ko na marahil dala din ng pagbubuntis ko 'to.
"Ano nga ulit yung gusto mong ibili ko sayo? Durian?" nanlaki ang mata ko sa tanong nito. H-how? Mas lalong lumaki ang ngiti nito sa akin ng makita ang reaksyon ko.
" Naririnig ko ang lahat ng sinasabi mo kahit tulog ang katawan ko 24/7 namang gising ang diwa ko sa tuwing naririnig ko ang boses mo."
"Ikaw!" hinampas ko ito sa dibdib.
" Ouch bakit ba ang hilig mo akong saktan di mo na ba ako mahal?" kagigising lang nya pero umaarte nanaman sya pero mas gusto ko ito kesa naman sa halos maghapon ko syang kinakausap pero di naman sya sinasagot.
Hinatak ako nito at niyakap sa tyan.
" Baby ako ito ang Daddy mo." pakiramdam ko maiiyak nanaman ako . Ano ba? Bakit ba ang oa oa ko.
______________
Many years have passed and now I have a happy family. John and I are married and have children.Noon kasi'y pagkalabas na pagkalabas nya ng ospital hinatak na agad nya ako sa simbahan magpakasal na daw agad kami.
At ang tungkol naman kila Jasper at Tita Jennie nakalaya na si Jasper humingi sya sa amin ng tawad nakikita ko sa mga mata nya ng mga oras na yun na sobra talaga syang nagsisisi. Ang huli kong balita sa kanila ay pumunta sila ng ibang bansa at duon na ata nanirahan.
"Mommy si Kuya James oh nangaasar nanaman." naiinis na sumbong sa akin ng walong taong gulang na anak kong si Eina.
" James!" makahulugan kong tawag sa pangalan nito.
" Sinungaling sya Mommy sya nga yung nang aasar eh inaasar nanaman nya ako duon sa anak ni Yaya melet na si Saire." tinignan ko naman si Eina.
" Nauna po sya inaasar nya ako malaki daw po ang mga mata ko."
" Tumigil na kayong dalawa dahil kapag nagising ang kapatid nyo tatamaan talaga kayo." saway ko sa mga ito. Hindi naman na sila sumagot at pumasok sa kanikanilang kwarto.
Meron na kaming tatlong anak ni John ang una si James 10 years old , ang pangalawa si Eina 8 years old at ang pang huli si Aiden ang 1 year old baby ko.
"Hmm.. Ano ang niluluto ng maganda kong asawa?" hindi na ako nagulat sa biglang pagdating nito at pagyakap sa akin lagi naman syang ganya sa tuwing nagluluto ako.
" Adobo." matipid kong sagot.
"Ahmm...Mahal tutal isang taon naman na si baby Aiden baka--"
Inalis ko na agad ang pagkakayakap nito sa akin at pinigil ang sasabihin nito.
" Tigilan mo ako Demitri tatlo na ang anak mo hindi ka pa ba kuntento tyaka kakaisang taon palang ni Aiden gusto mo na agad sundan." pilyo itong ngumisi sa akin.
" Gusto ko isang dosena."
" Jusmiyomarimar ano ako baboy!" singhal ko dito. Ngumuso naman ito.
"Eh bakit ba gusto ko pa ng isang baby eh."
"Tigil tigilan mo hindi mo nararanasang manganak kaya alam mo lang ay mag anak ng mag anak."
"Edi wag." padabog itong lumabas ng kusina. Hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan ang lalaking yung dinaig pa ang mood swing ko well di ko na sya inintindi sya din naman ang manunuyo sa akin mamaya eh. Binalik ko na lamang muli ang atensyon ko sa aking niluluto ng may maamoy akong napaka bahong amo mula sa bintana.
Agad kong tinakpan ang bibig ko ng maramdaman kong parang bumaliktad ang simura ko agad akong napatakbo sa lababo at duong nagsuka. Napahawak na lang ako sa ulo ko. Lagi na lang ganito ang pakiramdam ko hindi kaya may sakit na ako o hindi kaya bun-
Nanlaki ang mga mata ko . Huwag naman sana ayoko na eh....
YOU ARE READING
Ang Ama Ng Nobyo Ko
RomanceNiloko niya ako, ginawa niya akong tanga. Mas inuna pa niya ang kabit niya kesa sa akin na asawa niya. Buntis ako non ,nagiisa sa gilid ng kalsada at humihingi ng tulong , umaasang babalik siya,umaasang babalikan niya ako at ililigtas pero hindi siy...